PART TEN

4.2K 70 3
                                    

*Tanga ko lang diba naglagay ng note tapos mag uupdate lang pala? Baliw! Eto na update, tara higop tayo ng sabaw! Slurppp...*

*****

"Hatching!"

Nilingon ko ang taong nagtapat ng bulaklak sa mukha ko. Nakangiwi itong nakatingin sakin.

"Hello?" napakamot ito sa batok.

Tumayo ako at niyakap sya.

"Whoah...easy." natatawang ginantihan nya ako ng yakap.

"I miss you." sabi ko.

"I miss you too, Mae." kumalas ako ng yakap sa kanya at tinitigan ang kanyang mukha.

"Nakakatulog kapa ba Trip? Ang laki ng eye bags at nanlalalim ang mata mo ah? Problem?" sinalat ko ang noo nya.

Umiling ito. "Just tired."

Nilampasan nya ako at tumuloy sa kwarto nya. Nakagat ko ng pilya ang labi ko at sinundan ko sya.

Dahan-dahan kong pinihit ang pinto at inilusot ang ulo ko. Wow! Witweew...Macho ah.

"H-hey..." napalingon si Trip sa gawi ko at napatakip ito ng nipples nya.

"HAHAHAHA!"  napahawak ako ng tyan at tuluyang pumasok sa kwarto.

Ang sama naman ng tingin ni Trip sakin. Naku po, Daig pa ni Maria Clara itong si Trip half naked lang naman sya. Pero kung makatakip ng nipples nya kala mo kakapanabik naman.

Napahiga na ako sa kama kakatawa.

"Ay Kalabaw!"

Napasigaw ako ng biglang pumaibabaw si Trip sakin. Pilyo itong ngumiti sakin, inilagay ko ang dalawa kong palad sa dibdib ni Trip, sumunod naman ang tingin nya sa mga palad ko.

Huwag nga kayo, before paganahin ang wild imagination nyo na yan, let me clear you na ang intension ko lang naman ay itulak si Trip syempre babae parin ako hindi pwedeng dapat ma under, dapat minsan nasa ibabaw din ano.

Ay este....basta yun na yun. Nagagaya ako kay Race Darwin mag isip. Hihihi. Pero itutulak ko na sana ng may makapa ako. Bakit ang tigas?

Ang tigas ng dibdib ni Trip. Parang isinilang ito sa gym at napabayaang magbuhat ng barbells. Napakagat labi ako at hinimas...este ginalaw ko ang mga palad ko sa dibdib ni Trip.

Lunok laway. Ang YUMMY. Naiimagine ko itong gumiling-giling habang papalapit sakin. Living in a moment ang peg ko. Ang swerte ko naman talaga ano? Ang gwapo ni Trip.....Nagsalubong ang mata naming dalawa...

Namumungay ang mata nito na nakatingin sakin. Bumuka ang bibig ko pero wala akong masabi.

"Baby? Gusto mo akong e-massage?" nang-aakit na sabi nya.

"Huh?" natulala ako sa kanya.

"Would you like to give me a hand, Baby?" sabi nya na umalis sa ibabaw ko at nahiga sa tabi ko.

Hmp! SAYANG!

"Baby?" pinisil nya ang ilong ko.

"Po?"

"Massage mo naman ako?"

"Yoko nga...wala akong talent sa ganyan. Tsaka kung pagod ka, magtulog kana dyan." bumangon ako at naupo.

"Ganyan ka ba? How can you be a good partner then?" sabi nya.

"Huh?" nalilitong sabi ko.

"Im thinking of pulling a ring, Baby." natitig lang ito sakin noong sabihin nya yun.

THE VIRGIN'S MISTAKE (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon