***
"Hoy!"
"Wala ka ba talagang magawa?!" pinandilatan ko si Brix.
"Usog!" bahagya nya akong tinulak.
"Ano ba?!" tinapik ko ang kamay nito. "Maghanap ka nga ng ibang upuan dyan...Ang liit ng espasyo ng inuupuan ko e, makiki agaw kapa."
"Alam mo ikaw..." dinuro-duro nito ang pisngi ko sya namang pag-iwas ko, nakakairita talaga sya! "Ang dami mo ng kaso sa Human Rights pag ikaw inireklamo ko, wala ka talagang awa sa PWD na tulad ko."
Nairap ako ng ngumuso-nguso na ito. Ang dami talagang alam ng isang to. At higit sa lahat FC huh? Ilang oras palang kami nagkakilala-note the sarcasm!
"Usog kana...share mo naman yung upuan...damot mo talaga." muli na naman syang nagtulak sakin.
"Alam mo ang Frog Prince mo! Balasubas ka talaga, laking gubat ka ba? Human rights kapang nalalaman ba't di ka sa PAWS magreklamo?" sabi ko.
"Haist, daming alam..uusog lang e.." sya.
"Bakit gustong-gusto mo dito sa upuan ko?"
Napakamot ito sa ulo. "Basta..."
Pinaningkitan ko ito. "Anong plano, Mahal na Prinsipe?"
"Plano..plano...Wala nga!"
"Ba't ka naninigaw?!" ako.
"Ayaw mo kasi akong paupuin!" sya.
Naawa naman ako, mukhang magbibigti na ang kamahalan kapag di pa pinagbigyan.
"O...upo kana." nakangiti kong sabi.
Dahan-dahan itong naupo. "Hoy..."
Nakatingin ako sa mga batang naglalaro sa garden. "Hmmm?"
"Pwede ba...." sya.
"Yay! Sinasabi ko na e...tumahimik ka nga kundi tutulak kita dyan." sabi ko.
"Ito naman napaka...Sige ako mauuna gusto mo?" Nilingon ko ito. "Para fair." nakangisi nyang sabi.
Napatitig ako sa kanya. Napabuntong hininga ako. "Ano pa ba ang iku-kwento mo? Alam naman ng lahat ang estorya nyo ng Princesa."
Napangisi ito at napalingo. "Tsismis lang yun, wala naman lumabas na kwento mula mismo sa side ng dalawang panig na sangkot. Alam mo, maswerte ka, hindi kita kilala pero share ko sayo ang nag iisang Fairytale na Fail...hahaha."
"Ano pa bang bago sa iku-kwento mo? That Princess Kate Loved her childhood Friend who hate being a Prince and escape his responsibility, which later on dethrown by his Kingdom and replace by his Brother whom now Princess Kate Husband? Ano pa bang bago doon?" inismiran ko sya.
Ang malakas na tawa ni Brix ang nagpatigil sa mga batang nagtatakbuhan at napalingon sa direksyon namin.
"B-ba't ka natawa?" litong tanong ko.
"Ano kamo ang bago sa kwento ko? Ikaw!" natatawa nyang sabi.
"Ako?" tinuro ko ang sarili ko.
"Oo, graveh...talino mo talaga wala akong nagets sa kwento mo ah, puro Ingles...Lalim...ganyan ka ba magstory telling?" sabi nya.
"Hindi ka nakakatuwa." pasuplada kong sagot.
"E, hindi naman ako nagpapatawa ah." depensa nya.
Dumaan ang mahabang katahimikan, patuloy lang na inaalon ng hangin ang mga hibla ng buhok ko na tumiwalag sa pagkaka-ponnytail ko.
Nilingon ko ang tahimik ring si Brix. Napaisip ako, bakit hindi nya ipinaglaban ang Princesa? Alam naman ng lahat na napilitan lamang ito na makasal kay King Fren Aubert, alam ng lahat na si Brix ang noon paman gusto ni Kate.
BINABASA MO ANG
THE VIRGIN'S MISTAKE (completed)
General FictionDont leave me, dahil oras na malaman kong may balak kang iwan ako, uunahan na kita. Nanigas si Trip habang nakayakap ako sa kanya ng mahigpit. Dinig ko rin ang malakas na tibok ng Puso nya. Iiwan kita Trip bago pa ako ang una mong iwan. ...