PART 24

2.3K 37 1
                                    

Natatawa nalang ako ng maalala ko ang nangyari kanina. Ang landi lang namin ni Trip.

Ewan ko rin ba at gustong-gusto ko ang inisin si Trip cause its either mapikon sya o mag blush ang cute nya lang.

"Mae! Here.." kinawayan ako ni Franny. Ang wedding organizer ko.

Nakangiti akong lumapit sa kanya at nakipagbeso-beso. "How's the preparation?" tanong ko at iginiya nya ako sa isang sofa.

"By Friday tapos na lahat, yung wedding gown mo at invitation cards by Wednesday naman ang dating." tinapik ako nito sa balikat. "Relax kalang at e-enjoy mo na ang last days ng iyong pagiging single."

Napabuntong hininga ako for relief dahil all the preparations okay na ang kailangan nalang ay maipamahagi ang wedding invitation cards.

Magrelax daw ako?

"Fran, i cant... alam mo bang parang sinisilihan ako sa sobrang excitement...tsk. hindi...hindi talaga ako exempted sa wedding jitters." sabay pa kaming natawa.

"Naku, hindi kana talaga mapakali na maitali at maging iyo na si Mr. Fontane ano?" kinurot ako nito sa beywang at tinampal ko ang kamay nito.

"Aray, ano ba!" saway ko pero nakangisi naman.

"Ang gwapo ng Hubby mo girl!" pumalakpak pa sya.

"Bagay lang sa isang Dyosang katulad ko." sabi ko.

Sinamaan nya ako ng tingin. "Pasalamat ka kliyente kita kaya kahit di kaaya-aya ang mukha.." inirapan ako nito. "Sige na maganda kana, bagay kayo."

"Ay, sinungaling ka pala. Sasabihin ko sa kakilala ko na huwag ikaw ang kunin kapag nagpakasal." pananakot ko..

"Oy,oy...Mae sorry na joke lang yun. Everything i say? Wala yun..." tinusok-tusok ako nito sa tagiliran.

"Iyak ka muna." poker face parin ako.

"Ay, grabi ang harsh lang."

(**)

Pagkatapos namin mag-usap ni Franny ay umalis narin ako.

Naisipan kong dumaan sa office ni Trip, sya na kasi ang namamahala sa Trippins. Nadatnan ko sa table nya si Pink his secretary.

"Good Morning Pink!" umupo ako sa upuan kaharap ng table nya.

Napaangat ito ng tingin sakin.

"Good Morning, Mrs. Fontane." nakangisi nyang sabi.

I roll my eyeballs. "Yung asawa ba yan ni Boss? Wala kasi akong ibang kakilalang Mrs Fontane."

Inirapan ako nito. "Chusera."

"Emotera." bira ko pa.

"Uy, invited ako ah? Para may day off ako." nagpuppy eyes ito sakin.

"Nope youre not." seryoso kong sabi.

Nanlaki ang mga mata nito. "Grabi amazona pala ang mapapangasawa ng Boss ko."

"Sige, pag iisipan ko." i bite my lower lip to avoid laughing out loud.

Aangal pa sana sya ng lumapit ang isang empleyado. May dala itong folders.

"Miss Pink, si Sir? May pinapapirmahan kasi si Maam Hernaez." sabi nya na napalingon sakin. "Good Morning Maam."

Tinanguhan ko lang ito. Kahit naman kasi alam nilang lahat ang relasyon ko sa Boss nila ay nirerespesto ko parin ang tungkulin nila.

Like nang dumating ako hindi ako dumiretso sa office ni Trip itatanong ko muna sa Secretary nya if his busy. Baka kasi landiin ko si Trip e may ginagawa pala sya, malugi pa ang Trippins.

THE VIRGIN'S MISTAKE (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon