PART 25

2.3K 46 1
                                    

Gusto kong sabunutan ang sarili ko, hindi ko alam kong bakit kinonsidera ko ang sinabi ni Fun. Knowing that Trip...is sick.

And i know, he needs me more than anything. Oh, my Love.

Pero ang ikinababahala ko, paano kung...

kung...

hindi gumaling si Trip? paano ako? Kaya ko lang naman naisip ang sinabi ni Fun kasi takot ako. Takot na takot akong maiwan.

And maybe, that was my mistake. Ang takot maiwan sa gitna ng dilim.

"Penny for my baby's thought?." tumabi si Trip sakin at pumalibot ang kamay nya sa beywang ko.

Nakokonsyensya ako.

"Problem? Or still nervous?" nilingon ko si Trip nakangiti ito.

Hinaplos ko ang mukha nito. Nagkatinginan kami. Unti-unting nawala ang ngiti nito.

Pinadaanan ko ng aking palad ang noo, kilay, labi at mata nya dahilan para mapapikit ito.

Bakit wala akong makita na tanda ng sakit nya? Bakit hindi ko sya nakita kailan man na may iniinda? Gaanoon nya ba ako kamahal at ayaw nyang nakikita ko sya na nahihirapan? O ayaw nyang kaawaan ko sya?

Namula ang mukha ni Trip pati nga yung tenga nya namula, may pigil na ngiti sa labi nito. Ang gwapo nya.

"Tumigil ka!" marahan ko itong sinapak. Natatawa nalang ako.

"Ei...kinikilig ako..." sabi nya na diniinan ang pagkakapikit pero hindi nya na napigilan ang pag ngisi.

"Kaya ka ba namumula?" tanong ko.

"Aist, nakakahiya." sabi nya.

"Bakit ka nahihiya?" ako.

"Kasi...kasi pinapakilig mo po ako." nagmulat sya ng mata.

"Naku."

Lumapit ako sa kanya, tinitigan ko ang buong mukha ni Trip. Lapit pa..

*tsup*

I kiss him, i just brush my lips into him. Pero ang loko, kinakagat ang labi at lalong namula.

"Hahahaha, tingnan mo yang mukha mo pulang-pula! Easy to get ka talaga boy!"  asar ko.

Pero imbis na maasar ngumisi lang sya. Nagkibit balikat. "It really prove how much i Love you na sa simpleng tingin at haplos mo e nagre-react ako." sabi nya.

PackingGift, sapol ako ah. Nag iwas ako ng tingin.

"Oh, ba't ka namula?" sabi ni Trip.

"Tsk."

Dinutdot nito ang tagiliran ko.

"Ano ba!" saway.

"Bakit ka nga namumula, allergy?" sabi nya

"Di ah.." mahina kong sabi.

"Oh, bakit nga." hay ang kulet.

"Ei. wag kasing masyado matamis yang dila mo, kinilig tuloy ako." nakangiti kong sabi.

Ngumiti pa ito ng malapad at tinaasan-baba ako ng kilay.

"So gay!" tinakpan ko ng palad ko ang mata nya.

"Halika nga..." hinila nya ako at kinulong sa yakap nya.

Sniff...

"Ang bango...paamoy ng kili-kili..." natatawang sabi ko.

"Ano ba! mabango yan..." natawa narin si Trip pero nilalayo ang ulo ko sa kili-kili nya.

"Eh, kung mabango paamoy Baby..." nag beautiful eyes pa ako.

"Ngek, kasama ba sa minahal mo ang amoy ko?" sabi nya.

"Oo, at package deal akong magmahal kaya lapit na." sabi na patuloy sa pakikipagdigma marating lang ang spratly's. Hahaha.

"Hahaha...hahaha...tigilan mo yan! Mae, ano ba..." kiniliti ko nalang si Trip sa batok.

(A/N: my baby brother is super tawa pag kiniliti ko sya sa batok. Hi baby Yeoji!)

"Ang arte ah..." nahahapong sumandig ako sa balikat ni Trip.

Sinuklay-suklay nya ang buhok ko using his fingers. Kaya napapikit ako.

"I guess we really-really Love each other, yung ba wala na makakapaghiwalay satin through thick and thin, bad and good, richer or poorer and in...health and..." pinigilan ko ang pag-iinit ng mata ko. "In sickness. Mahal na mahal natin ang isa't isa kaya kahit si Destiny walang magagawa paano ba naman kakampi natin si Faith." sabi nya.

"Amen." tiningala ko sya. May lungkot sa mga mata ni Trip. Pero pilit tinatabunan ang emosyong iyon ng sobrang pagmamahal.

"You Love me and I Love you so much Mae, to the point na with my one sweet word and your simple touch this heart of ours go rolling, jumping and tumbling." natatawang sabi nya.

"I could'nt disagree. I Love You that much that seeing you in pain i cannot bear." umayos ako ng upo. I cup his face and look him straight on the eye. " If you feeling the Pain would you allow to share it with me? so i can stay with you and be with you, i will hold your hand and never ever let it go until the sun sets and until it rise again. I'll be at your side, that's a plegde, a plegde of my deepest Love." tumulo ang luha ko. Trip's eyes are puffy red.

Pinahid nya ang luha ko. "Tsk, ano ba yan...yan ba pag malapit ng maging Mrs Fontane...emotera much." pagpapatawa nya.

Pero walang nakakatawa. Hindi nakakatawa ang may sakit si Trip at maaring mamatay! Dahil hinding hindi na hindi ko kaya.

"Trip." napatigil ito sa pagpahid ng luha ko. "May sasabihin ka ba sakin, i mean secrets..before we get married?" kinakabahan kong tanong.

Agad syang dumistansya sakin. Napahawak ito sa noo, pumikit sya at nanatiling tahimik. Pinagsalikop ko ang aking palad, praying and hoping that lahat ng nalaman ko isang big joke, na sinet-up ni Nikki&John sa PranksterInLove.

"No...wala.." nilingon ako ni Trip. "Everything's okay, no secrets and lies were all good." sabi pa nya.

Tumango ako, hihinga na ba ako? Mangangamba pa ba ako? Hindi ko na alam.

I hug him. "Dont leave me dahil oras na malaman kong may balak kang iwan ako, uunahan na kita." Nanigas si Trip habang nakayakap ako sa kanya ng mahigpit ang tenga ko nasa bandang puso nya, dinig ko ang paglakas ng tibok nito. "Iiwan kita Trip bago ako pa ang una mong iwan." matalim na sabi ko.

"M-mae...."

Oo, masakit ang sinabi ko. Pero sinabi ko yun para lumaban sya na kong ayaw nyang mawala ako sa kanya labanan nya ang sakit nya.

This is for the both of us, kung ayaw naming mawala ang isa't isa, either me or him will make a stand. And that is my stand, fight for it and i will fight with you.

Hindi man nya masabi ang kalagayan nya, ill pursue him to win it.

Love is a battle.

Life is a battle.

We will win it.

And that is a STATEMENT!

(°_°)

THANK YOU!

KEEP SAFE & WAIT FOR MR. HAPPINESS.

LOVE,

MAEJESTY

THE VIRGIN'S MISTAKE (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon