1. The Lead Characters

15.3K 117 13
                                    

Ako si Jiro Dela Merced , isang bachelor at galing sa isang well-off family o ang tinatawag nating buena familia. Our family owns numerous companies all over asia, at isa ako sa mga humahawak nito.

I am labeled as a hot bachelor dahil sa edad kong 33, wala pa rin akong asawa. Ni wala nga rin ata akong matatawag na isang matino at matatag na relasyon.

I'm a serious businessman pero pagdating sa relasyon, iba-ibang babae na ata ang nakasama ko. Minsan tuloy hindi ko na nakikita ang sarili ko na magkakaroon ng asawa or anak man lang. But as months and years go by, I'm not getting any younger. Napapaisip rin naman akong magkaroon ng sariling pamilya.

I grew up from a happy family, lahat ng bagay na magustuhan ko, agad kong nakukuha. Lumaki ako na hindi naranasang makita na mag-away ang mom at dad ko. Our family is just full of love. Yun nga lang, wala pa rin akong makitang babaeng seseryosohin at ihaharap sa dambana.

Akala ng mga kaibigan ko, bukod sa pagiging babaero ay pihikan ako sa babae, pwedeng ganoon pero simple lang naman kasi ang gusto ko. Yung tipong mae-excite ka sa married life mo, yung mag-dedate kayo ng asawa mo at kung parehas kayong maiinip ay aalis kayo, uuwi at hahalikan ang isa't-isa na para pa rin kayong bagong kasal. Yung tipong, kayong dalawa lang ang mahalaga sa mundo niyo at wala ng iba pa, yung basta mahal niyo lang ang isa't-isa at wala ng iba pang dahilan.

For long years, inakala kong hindi ko na makikilala si Ms. Right, I may sound corny pero all men dream of finding their destinies too.

At ang gabi na yun ang hindi ko malilimutan. Ang gabi kung saan ko nakilala si Dra. Atasha Lim or Sasa sa malalapit niyang kaibigan.

Tandang tanda ko pa ang unang pagkikita namin, sa party yun ng kaibigan kong si Brent Aragon noong naghanda sya ng isang surprise engagement at merger party para kay Yeleina Park.

Naglalakad ako noon para kumuha ng scotch sa wine bar nang mapansin ko si Atasha, she's drinking by herself. Sa isang masayang pagtitipon, naroon sya para magmukmok.

Malungkot ba sya? Sa ganda niyang iyon, sya ang tipong pinagkakaguluhan ng mga lalaki. 

Hindi ako naniniwala sa love at first sight, pero noong nakita ko sya at ang lungkot sa kanyang mga mata, there's a side of me saying "I wanna make this girl happy" Make her happy na hindi tipong kailangan ko syang paligayahin sa aspeto ng sex, kundi ang mapasaya ko sya at mawala ang kalungkutan niya.

Dra. Atasha Lim, humanda ka... dahil mamahalin kita. 

****************

I am Atasha Lim, my friends call me Sasa. I am a doctor by profession, pedia ang specialization ko. I am 28 years old and I live on my own. I was only 12 when my parents died, only daughter ako. I lost them because of car accident.

I was too young then, naulila man ako ng lubos, namuhay pa rin ako ng maranya at nakapag-medicine dahil sa iniwang business ng mga magulang ko sa akin. At that young age, wala na akong matawag na pamilya. Ni hindi ko nakilala kung may aunties or uncles ako.

Kaya malaki ang utang na loob ko sa bestfriend ng daddy ko na syang namahala sa business namin habang wala pa ako sa tamang gulang. We own a lot of hospitals kaya naman pagdodoctor ang kinuha kong kurso. Hindi ko man gusto sa umpisa, natuto ko rin itong magustuhan in the long run.

I don't know if I have happy life or a normal childhood life. Hindi agad ako naka-move on sa pagkawala nila mommy at daddy. It took long years bago ko natanggap ang lahat. 

Ilang beses na din ako umibig, nagtiwala at nabigo hanggang sa dumating sa buhay ko si Art, naranasan kong sumaya at magmahal ulit. He was my sunshine, my heaven sent, I learned to smile and laugh again because of him, all because of Art.

Siguro kung naka-experience man ako ng happy life yun ay noong buhay pa sila mommy at yung chapter ng buhay ko kasama si Art. But I guess I am meant to live alone, dahil pati sya ay iniwan din ako.

Since iniwan ako ni Art, sinuportahan ako ng mga kaibigan ko lalo na si Katy na bestfriend ko. Lagi syang andyan para sumuporta kaya ng yayain niya ako para sa engagement at merger party ng pinsan niyang si Nicole, hindi ako nakatanggi.

Ayoko naman talaga umattend dahil feeling ko hindi magandang tignan na nakikicelebrate ako. Let's say na wala talaga akong gana sa party na ganito. Sa tuwing nakakakita ako ng happpy couples, hindi ko maiwasang malungkot at mainggit. Masaya ako para kay Yeleina at doon sa Brent na naghanda ng party na to para sa kanya, halatang mahal na mahal niya ito.

Kung hindi lang ako iniwan ni Art, I'm pretty sure na ikakasal na rin kami. Time flies, halos isang taon na din when I lost him. 

Kaya imbes na makisaya sa party, nagtungo na lang ako sa mobile bar at uminom. Wala naman akong duty sa hospital kinabukasan kaya malaya ako ngayon.

Ilang preskong lalaki na ang lumapit sakin dito sa mobile bar pero hindi ako interesado. Yung iba nakukuha sa isang salita at tingin, pero may isang makulit na guest dito sa party na halos tunawin ako sa tingin niya. Ganito ang mga ayaw ko sa lalaki, ang mapilit at mayabang ang dating, malayong malayo kay Art.

I just wonder, will I ever live a happy life again, when all my life ilang beses akong nabigo at nasaktan. People come and go, at lahat ng mga taong pinahahalagahan ko, lumilisan at iniiwan din ako.

 ------------------> JIRO DELA MERCED AND ATASHA LIM

A/N:

KILALA NIYO NA NGAYON KUNG SINO SI SASA AT JIRO.  WITNESS / SEE HOW THESE TWO PERSONALITIES COLLIDE, DESPITE THEIR DIFFERENCES. 

SALAMAT ULIT SA SUPORTA AT SANA MAGUSTUHAN NIYO TO. <3

VOTE. COMMENT. BE A FAN!

His One-Sided Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon