20. Moved in

4.3K 61 6
                                    

I woke up seeing Jiro's face next to mine. I automatically smiled and kissed him a good morning pero hindi naman sya nagsing. Ang himbing naman ng baby boy ko. Tinitigan ko pa sya ng matagal and I realize that I'm so lucky to be given this kind of love, this person is so much blessing to me. ❤


Gumalaw ako ng dahan-dahan at tumayo na sa kama niya. Medyo masakit ang katawan ko dahil sa nangyari kagabi but I don't regret anything.

Haven't felt this good and lovely in such a long time.

I gaze around and naisipan kong ipaayos ang buong kwarto. Dito na ako titira kaya gusto kong magkaron man lang ng feminine touch ang buong bahay. Okay lang naman siguro kay Jiro kung hilingin ko sa kanya yun diba?

Well, makababa nga muna. Kinuha ko ang damit ko kahapon na sakto naman dahil natuyo na sa pagkakalaba. I'll prepare breakfast too para makaalis na din kami ni Jiro at makuha ang gamit ko sa bahay ko.

Nagtuloy ako sa kitchen to make buttered pancakes and bacons on the side. Hai kailangan ko na rin palang matuto cause I have to be a good girlfriend-wife to him. Asawa na nga ata ang matatawag dahil live in naman ang set up namin.

*doorbell*


Sino kaya to? Ang aga pa para may bumisita sa kanya.

"Hi Ji---"

 

"Sasa?!!"

 

"Hi Katy and Jude. Come in."   Shit bakit nandito ang dalawang to. Di naman namin balak ilihim ang set up namin ni Jiro but we're so caught in the act. Ano na lang iisipin nila sakin eh ang aga aga pa tapos andito na ko?


"Dun muna ako sa mobile bar niya, antayin ko na lang sya dun" 

 


"Sige. Teka gisingin ko lang."  Umakyat ako agad at pinilit bumangon si Jiro. At first ayaw niya pero nung nakita niyang sumimangot ako, natakot yata. Hehe.

Bumaba ako agad dahil nag-aantay ng chismis ang bff kong chismosa. I have a lot to explain. 

"Girl, kelan ka pa naging asawa ni Jiro? Parang kelan lang isa kang girlfriend na pahinhin at takot na ipakilala sa parents tapos ngayon asawa role ka na at paluto-luto na lang ng breakfast?"

 


Natawa ko sa sinabi niya. She has so much points. Oo nga at kailan lang na kinabahan ako in meeting her parents tapos ngayon maabutan niya ako dito na mukang kagigising lang.

"Long story. You know how Jiro loves me, you know kung gaano ko din sya kamahal. Pero kasi hindi pa ako handa na magpakasal kami. So we came up with this idea. Habang hindi pa ko handa, then magsama muna kami."

His One-Sided Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon