12. Fulfilling His Promises<3

4.5K 62 6
                                    

Halos isang buwan na rin ang set up namin ni Jiro. He never fails to fulfill his promises. He's always sweet, thoughtful and caring. Napapasaya niya ako at nararamdaman ko na ulit ang kaligayahang matagal nanamlay sa puso ko since I lost Art.


Masaya ang buhay ko ngayon, wala ng lumbay. Cheerful vibes and everything seems in place.

"Mukhang masaya ka ngayon hija ha. Lagi ka ng nakangiti at hindi ka na tahimik. Bumalik na ang pagiging masiyahin mo."


"Salamat yaya. Opo, kahit ako ay naninibago sa sarili ko. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito."


"Edi kung ganoon, wag mo ng pahirapan ang binata, nararamdaman kong mahal ka ni Sir Jiro. Mabait sya at pati kami ay pinakikitunguhan niya ng maayos. Malamang madali syang mahalin."


"Opo yaya, hindi sya mahirap magustuhan. I like him.. Siguro po nandun na ako sa minamahal ko na rin sya."


"Edi sagutin mo na!"


"Tingin mo po ba okay lang kay Art na ipagpalit ko na sya"


"Oo naman po. I'm sure gusto ka niyang makitang sumaya. Ilang taon na rin yun hija. It's time na lumigaya ka naman."


I'm happy na pati ang tao sa paligid ko ay nakasuporta sa bagong desisyon ko sa buhay, ang hayaang mahalin ako ni Jiro at subukan kung pwedeng maging kami. Mukha pa ngang malakas si Jiro kay yaya dahil parang todo lakad si yaya para sa kanya eh!


Matapos ang pagchihikahan namin habang inihahanda niya ang breakfast ko, sa hospital naman ako dumirecho dahil may duty ako.


Balak kong mag-12 hours straight ngayon. Hinihiling kasi ni Jiro na magbakasyon kami kahit dalawang araw lang. Kaya naisipan kong mag-extend ng duty para ma-cater ko lahat ng pasyente ko.


Pagpasok ko sa office, mabangong halimuyak ang sumalubong sa akin.


Wow! May bulaklak na naman ako! Ano ba yan si Jiro, balak ata niya maging flower shop tong office ko. Lagi niyang pinupuno ito ng mga bouquet at basket of flowers. 


"Uy si doctora, napapangiti na naman."


"Naku ikaw Jill ha. Mapang-asar ka. Si Jiro talaga, sayang naman ang pera malalanta din tong mga bulaklak na to."


"Alam mo Doc Sasa, kung para sayo I'm sure walang sayang. He values you a lot that even money and the prince won't matter to him."


May point si Jill, sa lahat ng bagay na binigay ni Jiro at ginawa para sa akin, he never asked me to spend any single centavo. Lahat ay binibigay niya para masaya ako. Parating may effort hindi lang sa salita, kundi sa gawa. Ang swerte ko kung tutuusin.


Kinikilig man ako, kailangan ko ng mag-focus at asikasuhin ang mga pasyente ko. May for consultation at may vaccination din. 

His One-Sided Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon