6. Smile on my face

5.5K 69 2
                                    

"What took you so long, Sa? Kanina pa kaya ako dito. Kumain ka na ba? Order na tayo if you want."


"Sorry, I met with Jiro then hinintay ko pa yung kotse ko from the repair shop."


"What???! You were with Jiro??!"


"It's not what you think girl, okay? We just met because he asked me for a coffee then I gave him my peace offerring. We're friends."

Gulat na gulat si Katy when I told her how my friendship with Jiro started. Hindi daw sya makapaniwala na nagawa ni Jiro ang mga bagay na yun para sa akin. Well, kahit ako rin naman, kaya na naappreciate ko sya.

Di pa naman ako gutom kaya clubhouse sandwiches lang ang inorder namin. 

"Sa, please sumama ka na. Gusto ka namin makabonding ni Yeleina. Isasama niya yung kids niya."

Heto na naman si Katy, ipinipilit ang gusto niya. She's convincing me to join their out of the country trip.

"Sino sino ba? Baka naman hindi ko yan kilala?" ayoko naman ma-out of place sa mga ganoong lakaran.

"Jiro, Yeleina, Brent and kids, sila Kris and yung barkada..si Jiro of course andun din."


"hmmm okay." K. Napapayag na naman ako ni Katy. Buti at mga kilala ko ang mga kasama and besides naging kaibigan ko na rin sila.

Magli-leave tuloy ako nito from my duty para lang makasama sa three-day trip na to sa Bangkok. I think I need this too, I need a breather. I need to relax and unwind.

Pero bago ko gawin yun, dadalaw muna ako kay Art. Gusto kong ina-update sya sa mga bagay na nangyayari sa akin. Pakiramdam ko kasi, andyan lang sya at tulad ng dati, handang makinig sa lahat ng bagay na gusto kong ikwento.

*******************************

"Jiro okay na. Katy texted me confirmed na sasama na satin si Sasa."


"Good! Thanks Jude! Buti at pumayag. Akala ko kasi tatanggi sya pag nalaman niyang kasama ako eh."


"Seryoso ka na talaga dyan? Mahirap yang pinapasok mo."


"I cannot find my way out at seryoso ako. She cleared to me na friendship lang ang gusto niya and pagbibigyan ko yun.. Pero hindi ako titigil ipakita na sincere ako sa kanya at totoo ang sinabi kong mahal ko sya."


"Wow, I cannot believe I'm hearing these things from a guy like Mr. Jiro Lim, ang lalaking noon ay walang sineseryosong babae, ayaw mag-asawa. You're a different guy now."

Kahit naman ako ay hindi makapaniwalang nagbago ang pananaw ko sa buhay, all because of Sasa. Noong wala pa sya, akala ko enough na ang yaman ko at ang pakikipaglaro ko sa mga babae para sumaya.. Mayroon pa palang bagay na mas mahalaga kesa roon. 

His One-Sided Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon