27. Confusion and Frustrations Part 1

3.4K 43 1
                                    

Sa wakas, tumawag na rin si Sasa at uuwi na daw sya. She even apologized dahil hindi sya nakapagpaalam sakin. Ang lungkot ko tuloy kagabi because I got used to sleeping next to her. I missed her.

"Hon, I prepared pancakes. Breakfast ka muna. I missed you."

 

"Thanks hon, I missed you too."

Inalalayan ko sya sa pag-upo at tsaka ako pumwesto sa tapat niya. The pancakes smell good kaya alam kong hindi ako mapapahiya.

And I'm right, kahit ako ay nasarapan sa niluto ko. Thanks to manang and yaya for teaching me. Ang sarap lalo na pag may butter at maple syrup, favorite to ni Sasa kaya pinagbutihan ko talaga.

Pero bakit parang wala syang gana? Ni hindi niya halos nagagalaw yung pagkain nya?

"Hon are you okay. Don't you like what I cooked?

Hon..........


Hon.."

"Ai sorry hon. No it's okay masarap nga eh. Thank you ha. Pasensya ka na. Napagod kami ni Katy magkwentuhan plus my last day of duty pa diba."

 

"Ah sige, magpahinga ka then let's go to the printing house to get the invitations and personal na din nating iabot sa mga guests natin. Okay ba yun?"

 

"Oo naman. Sige after this mag-nap lang ako and let's go."

Sana nga ayos lang talaga sya. I hate this feeling. Paranoid lang siguro ako. Kaya matapos kumain, umakyat na kami ni Atasha sa kwarto habang hinayaan ko muna syang matulog kahit saglit tutal maaga pa naman.

*****************


Alam ko nag-aalala na sakin si Jiro. I cannot help it, hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Ang hirap mag-pretend na ayos lang ang lahat at ngingiti ka like everything is going well.

Sasabog na ata ang utak ko sa kakaisip kung ano na lang ang mangyayari sa mga taong umaasa sa business namin, sa business na iniwan sakin ng magulang ko. The new owner wants to take over and I'm not sure if she's willing to retain my employees. What's worse is, papayag lang daw syang ibalik ang kumpanya sakin once I paid her in full cash. San naman ako kukuha nun e halos walang-wala na ko ngayon.

Si Jiro na lang ang andito para tulungan ako pero hindi ko aabusuhin ang kabaitan niya. Hindi pwede. I'm not worth it.

Habang namimigay kami ng invitations sa malalapit naming kaibigan at major sponsors, alam kong nawawala ako sa concentration. Hindi ko maipakita na masaya ako. Of course, I am happy.

Pero ang hirap magkunwari na super okay ako.

"Hon hatid mo naman ako kay Kate. Nagtext sya eh. Okay na daw kasi yung shoes ng mga bridal entourage so I have to check it too."

 

His One-Sided Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon