43. FINALE ❤

5.8K 56 16
                                    

It's been weeks simula ng mag-stay ako dito sa rest house na to with the help of Mich. Nagsisimula na ding lumaki sa tummy ko si baby. Nakakatuwa, ilang linggo pa at pwede ko ng malaman ang gender niya. Sana baby boy.. Pero siguro kahit ano na lang basta healthy and strong sya.

Sa buong stay ko dito, naging maayos at komportable naman ako. Si yaya lang ang kasama ko at napakiusapan kong isikreto kung asan man kami ngayon.

Habang nagpapahangin ako sa balkonahe, hawak ko lang ang phone ko at binabasa ang mga text messages ni Jiro at ng iba niyang kapamilya. Nagi-guilty din ako pero nahihirapan talaga akong harapin si Jiro ulit.

Natatakot na ulit akong magtiwala, masaktan at mapahamak.

But yes, I miss him.. I miss my husband I used to call my own.

Sometimes I wonder how he does, nasaan kaya sya, is he missing me like I miss him? Is he sorry for what happened? Did he regret all those incidents.. If he doesn't or does, wala rin naman akong courage makipag-ayos sa kanya.

Pero aaminin ko umaasa ako na kahit paano, mahanap niya ako. Hindi ko alam kung kelan, saan at paano. Hai ang gulo ko talaga!!! Nagtatago ako pero gusto kong mahanap niya rin ako..


Hmmmm tama na nga sa pagiging emo, I need to get inside at baka ginawin na ako masyado.

"Yaya, help me naman. Pakihanda yung shower kasi gusto kong mamili ngayon. May malapit ata na mall dito eh."

 

 

"O sige ma'am. Ihahanda ko na po."

Hirap na kasi ako gumalaw. On going 4 months na si baby pero sobrang hirap na ko kumilos. I think she/he is big!

**************

Andito ako ngayon sa kwarto namin ni Atasha, umiinom ng onting scotch habang iniisip ko ang lahat ng nangyari. Hindi pa rin ako makapaniwala, my wife's gone.

There's never a second na hindi ko iniisip ang asawa ko at ang magiging anak namin. It's been weeks since she left. At sa ilang linggong nagdaan, my life became hell. Nawalan ako ng gana sa lahat, ang gusto ko lang ay mahanap sya.

Hindi ako sumusuko para makita sya ulit at bumalik kami sa dati. How cruel my life is, naging mabuti akong asawa, minahal ko sya ng higit pa sa sobra pero naging biktima pa din kami ng pagkakataon.

However, gusto kong bumangon. I'm thankful for having a family na hindi ako pinabayaan. Sila ang sumabaybay saakin, sa kumpanya ko at sa mga bagay na ako dapat ang responsableng mag-ayos.

His One-Sided Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon