CHAPTER FIVE
THERESIA'S POV
Yesterday was a mess. Buti na lang 'di na ako nanaginip about that night. 'Coz I swear! Gulong-gulo na ako sa nararamdaman ko.
Sa loob naman ng limang taon ay ayos naman ako ah. Halos isang beses lang sa isang buwan kung matandaan ko ang pangyayaring 'yun. Hindi ganito!
But even if I had conflicts with myself connected to Martina, I still entered his shop again. Susukatan na raw kami if I'm not mistaken, at malalaman na rin kung anong klaseng mga damit ang susuotin ng bawat model.
Basta ang alam kong magandang pangyayari ay panghuli lagi ako sa magmomodel. Hindi ko nga lang sigurado kung dahil ba sa ako ang pinakahuling nagpalista o dahil i-eemphasize talaga nila ang pagiging big deal ng pagiging isa sa mga model ng fashion line ng Gill ang isang Myers.
Welp, either way, ayoko naman talaga sana rito but I have to do it for her.
"Good morning, Ms. Myers. Fairy Queen is expecting you in her office," bungad sa akin ni Charlotte nang makarating ako sa stage.
"Fairy Queen?" nagtataka kong tanong.
Napatawa naman siya. "Si Ms. Martina po. We call her Fairy Queen at fairies naman po ang tawag niya sa amin." Napangiti naman ako. That's cute... and girly. Typical Martina.
Nag-thank you ako kay Charlotte bago nakangiting naglakad papunta sa office ni Martina, yung mga ganong klaseng impormasyon ang nagpapawala sa kaba ko. Tama, Tere! Just always remember that you and Martina are friends. Just be cool with it. Just like five years ago. I took a deep breath before knocking on his door.
"Fly in!" rinig kong sigaw niya mula sa loob.
I smiled as I entered his office. "What's up, bessy?" Tama, Tere. Ganito na lang dapat. Don't feel awkward.
Halata naman sa mukha niyang medyo nanibago siya sa akin bago siya tuluyang ngumiti. "Nasa tamang wisyo ka na, bessy?" tanong niyang nagpatawa sa akin.
"Yeah, medyo stressed lang talaga kahapon kaya naman panay ang tulala." I sat on the sofa again. Nandoon naman siya sa swivel chair niya.
"Buti naman kung ganon. Teka lang bessy, tapusin ko lang 'to muna kesa ako ang tapusin nito," pagpapaalam niya. Tumango naman ako at ipinalibot ang tingin sa office.
Agad naka-agaw pansin ang mga sketch ng mga damit na nakadikit sa isang bulletin board na nakasabit sa wall. Nilapitan ko 'yun at tiningnan nang mabuti ang bawat disenyo. Under ng nakasulat na Mid-Day Fun ay isang jumpsuit. Kulay dark red 'yun at v-neck na may tali to cover some skin. Mukha siyang sleeveless pero merong nakakonekta roon na black lace na magmumukhang three-fourth style yung sleeves ng damit. It looked really pretty.
Bigla naman akong nagulat nang may magsalita mula sa likod ko. "You'll look great on that," halos pabulong na sabi ni Martina.
Napalingon ako sa kaniya and I noticed that he was very close to me, about three inches behind me. He was staring at me and I can't help but stare back.
I swear! If this is another one of my daydreams, I'll slap myself.
We were just staring at each other when someone knocked on the door before entering the office.
Finally, I was able to breathe. Napatingin naman ako sa lalakeng pumasok. Gwapo siya pramis! Halatang Amerikano. Tumingin sa akin yung lalake bago ngumiti at humarap kay Martina.
BINABASA MO ANG
Her Entrancing Smile [COMPLETED]
Lãng mạn~•~•~ Risus Series 1 ~•~•~ Since high school, Martin knew that he bats for the other team, at alam din 'yun ng mga magulang niya. His mother accepted him wholeheartedly, and his dad... Well, he's trying. But Martina's dad didn't give up and continuo...