CHAPTER FIFTEEN
MARTINA'S POV
"F-Fairy Queen? B-Bakit po ganyan ang hair mo?" parang kabado na tanong sa akin ni Charlotte pagkapasok ko sa shop.
"Anong meron sa hairlalu ko?" taka kong tanong pabalik.
"Fairy Queen, ginupit niyo yung mahaba niyong hair! Mulan?"
Natawa na lang ako sa sinabi niya. "Summer na, beh. 'Di ko na keri yung init," pagdadahilan ko bago tuluyang pumasok sa office ko para maiwasan pa yung mga tanong ni Charlotte.
Bakit ko nga ba pinagupitan? Myghad! Ang gwapo ko! Kung pwede ko lang jowain si self matagal ko nang ginawa. Tinawanan ko na lang yung nasa isip ko.
Bigla namang may pumalit sa iniisip ko, which is ang nangyari kagabi. From the moment I saw a guy flirting with Tere to meeting her parents. Sa 'di malamang dahilan napangiti na lang ako.
Mukha siyang babae kagabi and she looks pretty.
Mas lalo akong napangiti at deretsong napailing. Nababaliw ka na, Martina.
Buong araw kong ibinuhos sa pagde-design ng mga damit ang atensyon ko. Day off ngayon ni Tere kaya naman wala siya sa sofa na kinasanayan ko, pero hindi naman ako na-badtrip. I kept remembering what happened last night.
When the clock strikes four, nagpaalam na muna ako sa fairies ko. "Punta muna ako sa mall, maghahanap muna ako ng mga tela and of course, inspiration."
Natawa naman sila. "Nako, Fairy Queen, kung inspiration lang 'yan edi call agad si Sir Noah," salita ni Paris na sinundan kaagad ng mga pang-asar ng iba pang fairies.
Ngumiti naman ako. "Busy pa eh," simpleng sagot ko. "Oh siya! Lalarga na muna ako't kesa makipagchismisan sa inyo." Tumawa na naman sila saka ako lumabas ng shop at dumeretso sa kotse ko.
On the way to the mall, andaming pumapasok sa isip ko. My confusion with my feelings these past few days for Tere, then there's Noah, then tons of designs needed, and the fashion shows. Siguradong stress na stress na naman ako.
Pero inalis ko muna lahat ng 'yun sa isip ko, kailangan kong kumalma. Kailangan kong maging observant sa pagpili ng mga tela mamaya, pagpapaalala ko sa sarili ko.
Nang makarating ako sa mall, diretso agad ako sa linya ng stalls ng mga tela. Legit na lahat 'yun ay pinasok ko para mas sigurado, though meron naman na talaga akong binibilhan, mas gusto ko lang talagang mag-explore.
I was searching and searching hanggang sa makakita ako ng batang babae, maybe a preschool student, ganon siya kaliit. She looked serious while touching the cloth. Parang ina-admire niya yung mga tela. She looks cute for her age.
Nagtaka naman ako na para bang wala siyang kasamang parents. Napatingin sa gawi ko ang bata at bigla siyang ngumiti. She looks really cute kaya napangiti rin ako. Nagtaka naman ako nang bigla siyang lumapit sa akin. "Hi po!" she cutely greeted me.
I knelt down para magkapantay kami. "Hello. May kasama ka ba?" tanong ko, concerned sa safety nung bata.
Nakangiti naman siyang tumango. "Yes po."
Agad naman akong lumingon-lingon para hanapin kung nasaan man yung kasama niya, pero wala talaga akong makita.
I was about to ask her if she's lost nang magsalita siyang muli. "You look familiar po."
Bahagya naman akong natigilan sa hindi malamang dahilan. "Really?"
Cute na naman siyang tumango saka ngumiti. "I saw you from my Mom's magazine po and I saw you on TV po."
Napangiti naman ako. "Ahh, I see. That's cute. What's your name?"
Sasagot na sana siya nang may biglang sumigaw. "Martha!" Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ko ang lalakeng papasok ng shop at papalapit sa batang kausap ko. "Martha, ba't ba bigla-bigla ka na lang nagpupunta sa kung saan-saan?" Napalingon naman sa akin yung lalake at parang nagulat pa.
"Hey, Jester. Your kid?" I was referring to the little girl he's carrying.
"Ah o-oo. Si-sige, Martina. Una na kami," pagpapaalam nito saka parang nagmamadaling umalis.
Sinundan ko naman sila ng tingin at nakita ko pang lumingon sa akin yung batang babae saka ngumiti at kumaway pa.
Napangiti na lang ako saka kumaway pabalik.
"What a cute kid."
~•~
THERESIA'S POV
"Anong oras ba uuwi ang apo ko?" nakapalumbabang tanong ni Mommy sa akin.
"Bakit kasi kinuha pa si Jester si Martha eh." nakapalumbabang reklamo naman ni Dad.
Nasa dining room kaming tatlo nakatambay at literal na nasa baba nila Mom and Dad yung mga kamay nila. Mukha silang bored na nalulungkot dahil kinidnap ni Jester si Martha kaninang umaga.
Bonding time naman daw nila na kahit akong sariling ina ni Martha eh hindi napigilan si Jester.
"Ba't mas nalulungkot kayo, eh ako yung inagawan ng anak?" blanko kong tanong sa kanila. Pareho naman silang bumuntong hininga.
"We're home!" rinig kong sigaw ni Jester mula sa sala.
Agad nagliwanag ang mga mukha nila Mom at nagmamadaling pumunta sa sala. Napailing na lang ako saka sumunod sa kanila. Nakita ko namang karga-karga ni Dad si Martha at kinakamusta sa lakad nila ni Jester.
Lumapit naman sa akin si Jes saka bumulong. "Ate... ano... may kasalanan ako."
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Sinobrahan mo ba ang pagbili na naman ng ice cream kay Martha?" Umiling siya. "Spoiled her with too many toys?" tanong ko ulit at umiling na naman siya. I frowned. "What did you do then?"
Nag-aalangan at kinakabahan siyang tumawa bago muling bumulong. "Ate, nagkita sina Martha at Martina."
Dahan-dahang nagsink in sa utak ko ang sinabi ni Jester. Nanlaki ang mga mata ko saka nagtanong sa kanya. "S-Sure ka?"
Tumango ni Jes. "Sorry, Ate. 'Di ko nabantayan nang maiigi si Martha." Halata ang pagsisisi sa boses niya.
Napabuntong hininga na lamang ako. "A-Anong nangyari?"
"Tinanong ako ni Martina kung anak ko ba si Martha."
"Anong sagot mo?"
"Syempre sinabi ko na lang na oo, kesa humaba pa ang usapan. Iniwasan ko na lang din yung gulo."
I sighed once again. Gulong-gulo na ako. Paliit na nang paliit ang mundo naming tatlo. One way or another malalaman nilang dalawa ang totoo, and I'm scared for that day.
Hindi ko na talaga alam kung ano ang tamang gawin.
Should I tell him as early as possible?
Pero paano kung magulo ko ang buhay niya lalo na't may Noah pa siyang pakakasalan?
Paano kung masaktan ang anak ko kapag nalaman ni Martha na hindi matutuloy ang gusto niyang one happy and complete family?
Damn! What should I do?
![](https://img.wattpad.com/cover/259008387-288-k233384.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Entrancing Smile [COMPLETED]
Romance~•~•~ Risus Series 1 ~•~•~ Since high school, Martin knew that he bats for the other team, at alam din 'yun ng mga magulang niya. His mother accepted him wholeheartedly, and his dad... Well, he's trying. But Martina's dad didn't give up and continuo...