CHAPTER THIRTY-SEVEN
THERESIA'S POV
"Tere! Would you stop walking‽" Napapatingin ang mga taong nalalampasan namin sa lakas ng boses ni Martin.
Ang kulit-kulit ng isang 'to. Sinabi nang 'wag na akong sundan pagkatapos ng pag-uusap namin pero sumunod pa rin. Kaasar! "Would you stop following‽" sigaw ko naman pabalik. Ano ako? Magpapatalo? No way! Pinikon-pikon niya ako tapos siya pa may ganang sumigaw?
"I won't stop unless we talk!" 'Di ko siya sinagot at tuloy lang ako sa paglalakad nang mabilis. "The hell, Theresia! Stop, okay‽"
"Eh sa ayoko nga!" Mas binilisan ko pa ang paglalakad.
Some people are giving us a funny look dahil paikot-ikot din naman kami sa nilalakaran namin. "Freaking hell! I love you, okay? I love you. Now would you stop walking away‽"
And just like he said, I stopped walking. I turned around to look at him. We have at least one and a half meters between us.
"Don't freaking grin at me!" pagalit na sigaw niya. Sobrang namumula ang mukha niya kaya hindi ko maiwasang mas masiyahan.
"Eh sa masaya ako eh." I let out a chuckle when he turned his back on me. "Hey, Martina!"
Lumingon siya sa akin at sinamaan ako ng tingin. "Stop calling me that!"
I smiled sweetly. "I love you too."
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip ko. Anong klaseng eksena 'yun? Ni hindi ko alam kung matutuwa ako o mamomroblema lalo.
Nang dahil sa tanong ni Martina na 'yun ay hindi na muli akong nakapag-isip pa ng ibang bagay. Hindi rin naman kami natuloy nun sa mall dahil may emergency meeting si Martina. Good thing Martha felt tired and sleepy kaya hindi na rin siya nagpumilit. Hanggang sa makatulog ako ay 'yung tanong ni Martina ang bumabagabag sa akin.
I sighed before getting out of the bed and going out of my room. At dahil mag-uumaga na rin naman at dumiretso na lang ako sa kusina para uminom ng kape.
"Oh! Ang aga mo ata," bungad sa akin ni Jester nang mapadaan siya sa kusina.
"I should say the same thing to you. May lakad ka?" tanong ko nang makita kong nakapang-alis siya.
Ngumiti naman siya. "I'm playing hide-and-seek with her."
"Trecia Davies?" tanong ko at tumango naman siya bago napagdesisyunang kumuha ng maiinom sa katabi kong ref. "Anyways, he wanted to be Martha's father—Jusko naman, Ivan Jester! 'Di mo sinabi sa aking fireworks ka pala!" Inabot ko yung tissue para punasan ang tumalsik na juice sa may braso ko.
Bigla kasing nabuga ni Jester yung iniinom niya bago 'di makapaniwalang tumingin sa akin. "S-Si Martina ba pinag-uusapan natin?"
I let out a deep sigh as I gave him tissues to wipe himself. "Yeah. Imagine, hindi naman niya kilala ng lubos si Martha, and yet, he said he's willing to be Martha's father. Can you believe it?"
"Hindi ba okay 'yun?" Seryoso na ang mukha ni Jester nang tanungin niya ako. "I mean... mas madali na niyang matatanggap na anak naman niya talaga si Martha. Siya na mismo ang nag-bring up ng topic, Ate."
Napabuntong hininga na naman ako. "Alam ko naman..."
"Pero?"
"Pero parang ang hirap pa rin." I humorlessly chuckled. "Sabi ko noon, ayokong ipaalam sa kanilang dalawa kasi komplikado, dumating si Noah sa buhay ni Martina, tapos ngayong wala nang Noah ang pwedeng maging hadlang, bigla naman akong mas naduwag ipaalam."
![](https://img.wattpad.com/cover/259008387-288-k233384.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Entrancing Smile [COMPLETED]
Romance~•~•~ Risus Series 1 ~•~•~ Since high school, Martin knew that he bats for the other team, at alam din 'yun ng mga magulang niya. His mother accepted him wholeheartedly, and his dad... Well, he's trying. But Martina's dad didn't give up and continuo...