CHAPTER THIRTEEN

6.3K 293 28
                                    


CHAPTER THIRTEEN

THERESIA'S POV

"Ivan Jester Castro Myers!" sobrang lakas na sigaw ko.

"Yes, ate kong napaka-babae?" pang-aasar niya.

"Alisin mo 'ko rito! Sinasabi ko sayo, Ivan Jester, magrarambulan tayo!" I swear my voice could be heard up to the next building.

Tinititigan na tuloy ako ng iba pang customer sa kabilang side pero wala akong pakialam!

"Jester!"

"Kumalma ka kaya. Mukha kang pinuputulan ng parte ng katawan kakasigaw." Kinamot pa niya gilid ng tenga niya

"Sino ba kasing matinong kapatid ang dadalhin ang ate niya sa pinaka-ayaw nitong lugar‽" pagalit kong tanong sa magaling kong kapatid.

"Sino pa ba? Edi ako," proud pa niyang sagot saka nagpatuloy sa pagbabasa ng magazine sa sofang katapat ko.

Parang kanina lang eh ang ayos ng usap namin nitong lalakeng 'to. Tapos nakatulog ako sa byahe dahil sa pinainom niyang juice na may sleeping pills pala. Ngayon nasa salon na ako at hindi ako makawala sa upuan dahil ang magaling kong kapatid eh ginawa akong baliw na nakatali sa upuan habang inaayusan ng hairstylist.

"Ivan Jester!" Ngayon ay punong-puno na ng pagbabanta sa buhay niya ang pagkakasigaw ko.

"Kalma lang, Ate. Patapos naman na oh," tukoy niya sa itsura ng buhok ko.

Nanatiling masama ang tingin ko sa kanya. "Ano ba kasing rason at pinapagganto mo 'ko‽" Magda-dalawang oras na kami rito sa salon. Buhok na lang ang inaayos sa akin dahil na-cutics-an na ako kanina habang tulog ako.

"Have you heard of the charity ball held by Narae Lee?"

Gulat akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. "No, please. No. I'm begging you, Jes. 'Wag ako. 'Wag sa ganon. Please lang," I begged.

Nginisihan niya lang naman ako. "Nonsense 'yang please mo, Ate. Mama and Papa have already decided that you'll represent the Myers."

"No!"

"Yes, Ate. Kaya whether you like it or not, you'll be attending the ball," pang-aasar ni Jester.

"Bakit hindi ikaw? Bakit hindi si Dad? Bakit hindi si Mom?" I can't see a reason why they have to do this to me!

"Busy kami," simpleng sagot ni Jes sabay balik sa pagbabasa ng magazine.

"Busy saan?"

"Kay Martha."

Natulala naman ako sa sagot niya. "Hoy! Ako ang ina! Ba't kayo ang mabu-busy? Ako dapat ang nagbabantay sa anak ko."

Ibinaba niya naman ang hawak niyang magazine saka tumingin sa akin. "Ate, majority wins. Wala kang pag-asa. So if I were you, prepare yourself." Nginisihan niya na naman ako bago tumingin sa hairstylist ko. "Tapos na ba?"

"Yes, Sir!" sagot nung babae at iniharap ako sa salamin.

Waterfall Braids na may kung ano-anomang kumikinang. Panigurado kung nandito si Dad, tuwang-tuwa na siya. "Babae na ang anak ko!" rinig kong sigaw ng boses lalake—not Jester.

Pinaikot ko naman sa babae yung upuan ko para makita ko kung sino. "Dad‽" gulat kong sigaw.

Naka-video call lang naman si Jester kela Mom and Dad.

"Theresia, babae ka na!" sigaw na naman ni Dad.

Agad nanliit ang mga mata ko at sinamaan ng tingin si Dad. "Mukha ho bang lalake ako? Sigurado naman akong nanggaling sa perlas ko 'yang si Martha, tapos ngayon niyo lang ho nalaman na babae ako?"

Her Entrancing Smile [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon