CHAPTER EIGHT
THERESIA'S POV
Dalawang araw.
It has been two days since that show happened. Hindi ako pumasok sa company nila mom dahil tamad na tamad ako. Pakiramdam ko masakit ang buong katawan ko. Ayaw niyang makipag-cooperate sa utak ko. Funny thing is kahit ang puso ko eh nasasaktan.
Why would it hurt?
Maybe dahil lang sa nasasaktan ako para sa anak ko. Alam ko namang desisyon ko kung bakit hindi agad nakilala ni Martha kung sino ang ama niya, but I hoped. I hoped na itong pag-uwi namin sa Pilipinas ay makakayanan ko nang ipakilala si Martina.
Pero hindi pa rin pala, dahil lalo ngayon, Martina will tie a knot with his boyfriend, at wala akong planong saktan si Martha at pahirapan si Martina sa sitwasyong 'to.
I took a deep breath before sitting down on my bed. Kaninang umaga pa ako gising pero naka-stuck lang ako sa higaan.
"Mommy! Mommy!" I heard a little girl's voice behind the door. She kept on knocking and I don't know what to feel.
Ayoko nang magpaulit-ulit sa kakasabi ng kasinungalingan sa anak ko pero ayoko rin naman siyang saktan agad.
"Mommy! Wake up na po!" She seemed happy, I don't know why.
"Coming, baby."
Tumayo na ako at inayos ang higaan ko bago ako lumabas ng kwarto at salubungin ng yakap ng anak ko.
Hindi naman talaga naka-lock yung pinto, sadyang naturuan lang si Martha na 'wag bigla-biglang nagbubukas ng pinto. Nagsimula 'yun nang makalakad siya nang maayos, tapos medyo naguguluhan pa ako sa nangyayari at may mga gabi akong mag-isang umiiyak sa CR, Martha almost caught me buti na lang nakuha agad ni mom.
I never would want my daughter to see me crying. Matatag ang mommy niya.
"Hey, have you eaten breakfast?" I caressed her hair.
"Not yet, Mommy. Sabay po tayo, then watch ng show mo po." Bigla akong hinila ni Martha pababa papuntang dining area. Nakita ko namang nandoon sina Mommy at Daddy. Agad silang nilapitan ni Martha at hinalikan sa pisngi. "Good morning, my beautiful grandma. Good morning, my beautiful grandpa," bati pa niya.
"Good morning din, our beautiful baby," bati naman ni Mommy.
All of them looked happy, to the point that I knew, I shouldn't spoil the day. With that, I temporarily erased my negative thoughts.
"I thought I'm your baby," biro ko naman sabay upo sa upuan na nasa harap ni Mom at sa tabi ni Martha.
"You said so yourself, may baby ka na meaning you're not my baby anymore."
I playfully rolled my eyes at my mom's words before settling my daughter first above everything else.
Nagsimula na kaming kumain ng agahan. Bigla namang binasag ni Daddy ang katahimikan. "How was the fashion show of Marvin's son?"
Natigilan naman ako pero 'di ko pinahalata at dumeretso lang sa pagkain hanggang sa kumalma ako. "Ayos naman, Dad."
"We're going to watch it later, Grandpa. Want to watch it too?" pagyayaya ni Martha.
Dad smiled as he looked at my daughter. "Sure, princess."
Tiningnan ko si Martha at magana siyang kumain. Talagang nakangiti pa at excited pa. Hay! Paano ko kaya ie-explain sa kanya na tatay niya ang may-ari ng show na 'yun?
Nang matapos kaming kumain, pinasalang na ni Martha kela mommy ang video. Tamang search lang naman sa YouTube eh.
"Mommy, Mommy, when I grow up I want to design dresses din po," sabi sa akin ni Martha habang naka-upo siya sa hita ko. "I will draw a lot of clothes, mommy," dagdag niya pa habang nakangiting nanonood sa tv. "Grandpa, grandma, Mommy is pretty po oh!" She pointed at the TV.
![](https://img.wattpad.com/cover/259008387-288-k233384.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Entrancing Smile [COMPLETED]
Romance~•~•~ Risus Series 1 ~•~•~ Since high school, Martin knew that he bats for the other team, at alam din 'yun ng mga magulang niya. His mother accepted him wholeheartedly, and his dad... Well, he's trying. But Martina's dad didn't give up and continuo...