CHAPTER ELEVEN

6.4K 289 32
                                    


CHAPTER ELEVEN

THERESIA'S POV

Nasa loob na kami ng Heaven Taste, a fine restaurant known sa buong Asia. Though I heard that the owner never branch out, kaya naman maraming taga-ibang lugar ang dumadayo talaga para makakain dito.

"Do you have a reservation, Sir?" tanong ng receptionist kay Martina.

Seryoso naman siyang sumagot. "No."

"Then I'm sorry, Sir. We prioritize those with reservations since the tables are almost full." The lady professionally explained the situation making me nod my head in agreement.

Akmang aalis na ako para makahanap ng ibang kakainan nang may babaeng lumapit sa amin. "Chill. Martina Gill doesn't need a reservation."

The woman has dark red hair, light brown eyes, a Latina-vibe, with a strict-looking aura surrounding her. She's Wynter Vazquez, the W in DAWN. One of the four owners of LUST DAWN, ang bar kung saan kami nagsimula ni Martina.

Isa sila sa mga kliyente ni Martina kaya paniguradong kilala niya siya.

The owner flashed a professional smile. "Welcome to Heaven Taste. A table for three or maybe four?"

"We're only three, Ms. Wynter," nakangiting sagot ni Martina na ikinainis ko.

Tss. Kanina lang bad mood tapos ngayon ngingiti-ngiti sa iba.

Eh! Ba't ka naiinis, Tere? Ha?

Mas lalo naman akong nainis sa sinasagot ng inner self ko.

Ah basta! Nakakaasar na nakangiti siya sa iba tapos sinusungit-sungitan niya ako!

"Well then, come on, follow me." Ms.Vazquez went ahead of us and led us to the second floor, on a terrace with a great view of the city. "Only the best seat in the house for the best fashion designer." Humarap sa akin si Ms. Vazquez. "Enjoy your meal, Ms. Myers and Sir." She just called a waitress to assist us and she went off. Tiningnan ko naman si Martina na nakangiti na ngayon habang may hawak-hawak na menu.

Anong nginingiti-ngiti niya, ha? Don't tell me may gusto siya sa Vazquez na 'yun?

At ba't ka ba galit na galit‽ Ha, Tere‽ Nababaliw ka na ba? Napailing na lang ako saka umupo sa upuang hinugot ni Jester para sa akin.

"What do you want, Tere?" tanong ni Martina sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

Ang tigilan mo ang kangingiti dahil sa Vazquez na 'yon!

"Sabi ko naman, kaya ko nang i-handle yung kakainin ng girlfriend ko," sagot ni Jester kaya naman sumama ang tingin nito sa kapatid ko na wala nang ginawa kundi ang ngumiti.

Sakto namang may lumapit na sa aming waitress. "Are your orders ready? Ma'am, Sir?"

Martina was the first one to order. "One Fideuà and a bottle of red wine."

"Katanghaliang tapat, magre-red wine," pabulong kong reklamo.

Narinig ko namang natawa ang katabi ko bago umorder. "One Mushroom Risotto, one Pasta Carbonara, and two lemon iced tea."

"Would that be all?" nakangiting tanong ng babae.

Pinakiramdaman ko naman ang dalawa kong kasama. Martina's eyes were still on my brother, while Jes acted as if he doesn't get bother of it.

I let out a sigh before nodding my head. "Yes, I believe so."

Nag-bow lang yung babae saka umalis. I took out my phone to keep me busy. Naramdaman ko namang humarap sa akin si Jester. "Love, how's work? Pinapagod ka ba masyado? Baka nai-stress ka na ha."

Ibinaba ko ang phone ko sa mesa tsaka tumingin sa kanya. "Not really. Mas nai-stress pa ako sa kanya kesa sa trabaho," tukoy ko kay Martina.

Martina cleared his throat before talking. "Speaking of work, mauuna ang mga damit ng DAWN bago ang fashion show sa Paris."

Tiningnan ko siya. "Ba't mo sinasabi sa akin? Paris Fashion Show lang ang aasikasuhin ko, hindi ibang tao." Nilingon ko si Jes. "Susunduin mo 'ko mamaya, diba?"

Tumango siya bago nagsalita. "Yeah, pero daan muna tayo sa mall. May kailangan akong bilhin."

Agad ko namang nakuha ang ibig sabihin niya. He's going to spoil my daughter. Sinamaan ko siya ng tingin. "'Wag marami, ha?"

He nodded again. "Sure but I can't promise." Nginisihan niya lang ako.

Sakto namang dumating na ang orders namin kaya naman nagsimula na rin kaming kumain.

"So, kumusta naman si Tere sa trabaho?" tanong ni Jes kay Martina na ikinatigil ng huli.

I thought he wasn't going to reply because of a somehow long pause but he just ate the food on his fork.

"She works fine. Mas okay nga nung 'di ka pa nang-iistorbo eh," sagot niya sabay balik sa pagkain bago biglang tumayo. "If you may excuse me, I need to make a call."

Tumango lang kami ni Jes saka hinayaan siyang umalis. "Baka si Noah ang tatawagan," 'di ko napigilang sabihin.

"Selos ka 'no?" Napataas naman ako ng kilay sa pang-aasar niya. "Kanina pa kita napapansin, Ate eh. Kahit nung nandito yung may-ari." Tumawa pa siya. "Kawawang may-ari, 'di aware na pinagseselosan."

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Anong nagseselos ka riyan? Alam mong wala akong karapatang magselos."

"Sabi nino? Ng jowa nun?"

"Hindi. Sinabi ko lang sa sarili ko," pagtatapos ko sa usapan saka tumuloy sa pagkain.

Pero 'di pa rin pala tapos sa kanya ang topic. "Wala kang karapatan? Eh so may karapatan siyang magselos?"

Napakunot naman ang nuo ko. "Sino ba kasing nagseselos?" naiintriga kong tanong.

"'Yang kasama mo sa trabaho. Nagseselos."

Mas lalo naman akong naguluhan. "Si Charlotte?"

Bigla akong binatukan ni Jester. "Napaka-manhid na nga, napaka-slow pa. Kapatid ba talaga kita?"

Ako naman ang nambatok sa kanya. "Ayusin mo kasi 'yang pagpapaliwanag mo."

"Si Martina. Nagseselos. Gets na?" Ngumingiti pa siya habang nagpapaliwanag.

"Ba't naman—Oh!" Sudden realization hit me.

"Nakuha mo na?" Napatango naman ako. "Finally!" Napapalakpak pa siya bago maganang bumalik sa pagkain.

Ako naman eh tulala sa nalaman ko.

Sakto namang bumalik si Martina sa table namin. Inayos ko ang pag-upo ko saka nagsimulang magpaliwanag.

"Martina..." kuha ko sa atensyon niya. Agad naman siyang tumingin sa akin, at kahit si Jester eh napatingin din. "Aamin na ako."

He stopped eating and focused his attention on me. "Ano 'yun?"

"Hindi... Hindi talaga kami magjowa ni Jester. Bale... Bale magkapatid talaga kami. Sinabi ko lang na boyfriend ko siya kasi baka masyado pang humaba yung usapan natin nung gabing 'yun."

Para namang lumiwanag ang mukha niya kaya lungkot na lungkot ako nang sabihin ko ang nasa isip ko.

"Pero Martina... Straight yung kapatid ko. Babae ang gusto niya. Kaya ako na ang nagsasabi, hindi pwedeng maging kayo—"

Bigla ko namang narinig ang malakas na tawa ni Jester. Nang tingnan ko siya ay nabuga niya rin pala yung iniinom niya.

Bakit siya natawa?

Agad kong tiningnan si Martina. Ngayon naman ay para siyang naguguluhan. "What?" tanong niya pa.

"Sorry talaga—"

Mas lumakas pa lalo ang tawa ni Jester.

Ano bang tinatawanan nito‽

Her Entrancing Smile [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon