CHAPTER TWENTY-TWO

5.6K 253 27
                                    


CHAPTER TWENTY-TWO

THERESIA'S POV

It has been five days since Coffee offered his time to be with Martha, at sa limang araw na 'yun ay lagi niya kaming iginagala. I even sent an email of leave for this week, para na rin makabawi kay Martha. It was a good thing that Martina signed it.

"Tito Pogi!" Martha shouted when she saw Coffee near the door. She immediately ran towards him to hug him and kiss his cheek. "Hello, Tito Pogi! How are you po?" malambing na tanong ni Martha nang kargahin siya ni Coffee.

Malaki naman ang ngiti ni Coffee sa anak ko. "I'm great, my little princess. How about you? Are you ready for later?"

Mabilis na tumango si Martha habang nakangiti. "Yes, Tito! So ready!"

Tumingin naman sa akin si Coffee saka ngumiti. "And you? Ready?"

Nginitian ko rin siya. "Kanina pa, actually."

Natawa siya saka nagyaya na para umalis kaya lang biglang nag-ring ang phone ko. I excused myself and let them walk first.

"Hello?"

(Ms. Myers, it's Charlotte.)

"Oh. Need anything?" Wala dapat akong pasok ngayon at alam nilang lahat 'yun kaya nagtataka ako kung bakit nila ako tinawagan.

Para naman siyang kinakabahan habang nagsasalita. (Ma'am, m-mukha pong k-kailangan po namin kayo.)

I frowned. "Why?"

(First time po kasi namin nakitang nagagalit si Fairy Queen. 'Di na nga po siya mukhang queen eh. Baka po Fairy King na, Ma'am)

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Baka naman time of the month niya."

(Hindi lang 'to time of the month, Ma'am. Para pong buntis.)

Natawa naman ako sa sagot niya. "Sige, I'll try to go there. Kaya lang saglit lang din kasi may pupuntahan pa akong importante, and Martina knows that."

(Thank you po, Ma'am! Maraming thank you po.)

"Sure sure." I said before ending the call. Pumunta naman ako sa labas ng bahay at nasa loob na ng kotse sila Martha at Coffee habang naglalaro ng bato bato pick. "Hey, kailangan ko munang dumaan ng shop."

Nakuha ko naman ang atensyon nilang dalawa. "But we'll still go to the mall. Right, Mommy?" cute na tanong ni Martha.

I softly pinched her cheek. "Of course naman, baby. Mommy promised, diba?"

Her face lit up. "Yehey!"

"Ihahatid na kita. 'Di ka naman matatagalan, diba?" Coffee asked.

"Hindi naman siguro." Mukha lang namang kailangan ni Martina ng napkin. "Hihintayin niyo na lang ba ako?" Sumakay na ako sa passenger seat at lumipat si Martha sa backseat before wearing her seatbelt.

"Yeah. May ice cream parlor at park naman na malapit sa shop, right?" he asked as he started the engine.

I nodded and wore my seatbelt. "Yep, doon muna kayo tumambay ni Martha at doon ko na lang kayo pupuntahan."

He agreed at pumunta na kami sa shop. The drive was fun, sinasabayan ni Martha yung kanta sa radyo na sinabayan din naman ni Coffee. I thank God for giving us Coffee. Sobrang laki rin ng itinulong niya sa amin—kay Martha.

~•~

MARTINA'S POV

"Paris! Akala ko ba nagawa mo na 'yung presentation mo for today‽ Bakit wala‽" Hindi ko mapigilang mapagtaasan siya ng boses. Hindi ko alam pero limang araw na akong bwiset sa lahat. Ang dali kong mainis. Nakakapikon!

"F-Fairy Q-Queen, b-bukas pa po a-ako magp-present," halos mahina niyang sagot.

Natigilan naman ako. Anong araw na ba‽ Tiningnan ko ang date sa phone ko. Sh*t!

"Nevermind. Prepare your presentation for tomorrow or pack your stuff," walang emosyon kong salita.

Tumango naman siya saka tahimik na lumabas ng opisina ko. I frustratedly combed my hair with my hands.

I then used my intercom on my desk. "Charlotte! Where's my godd*mn coffee‽"

Sakto namang bumukas ang pinto ng opisina ko. Handa na naman sana akong sumigaw nang makita ko kung sino ang may hawak ng kape ko. "Jusmiyo. 'Di mo na kailangang gumamit ng intercom. Rinig na rinig yung sigaw mo sa labas. Meron ka ba? O baka naman buntis ka na ha," tuloy-tuloy niyang salita habang papalapit sa desk ko at inilapag ang tasa ko. "Kumalma ka nga, bes." Medyo natawa pa siya.

"Tere..." Hindi makapaniwalang nasa harap ko siya.

"Ano? Na-miss mo 'ko 'no?" She chuckled and gave me an entrancing smile that caught my breath.

I slowly stood up and walked faster towards her before giving her a hug. I felt everything slowly clearing up. Nawawala ang pagkairita ko. I just hugged her and everything else felt okay.

"M-Martina, n-nakakaloka ka ah." She gave an awkward laugh but I tightened the hug.

"Antagal mong nawala," bulong ko. Not expecting her to hear it.

Medyo natawa ulit siya before she pat my back. "Limang araw pa lang ah, makatagal naman wagas."

I felt like she wanted to let go, and so I did. "A-Anong ginagawa mo rito?"

"Ayy oo nga! Nandito ako para pagalitan ka at pakalmahin, jusmiyo tinakot mo ang mga alitaptap mo."

Medyo natawa naman ako. "They're called fairies, not alitaptap."

"Parehong may pakpak," natatawa niyang sagot.

Silence surrounded us as we stared into each other's eyes. It wasn't an awkward silence for me, but it looks like it is to her. Kaya naman tumikhim na ako. "A-Anyways, magta-trabaho ka na ba ulit?" I continued to stare at her.

"Hindi 'no. Isang linggo ang leave ko, remember?" She playfully rolled her eyes and I sighed.

"So, umm..." I seriously don't know what to say.

"Well... ano... mukhang kalmado ka naman na. 'Wag mo na silang sungitan. I better get going, aalis pa kami eh." She slowly walked back to the door.

"Kami? S-Sino kasama mo?" I tried to hide my emotion.

"Someone." She flashed an awkward smile before opening the door. "So... umm... bye! See you after my leave ends," she said then went outside.

Should I let her go?

Should I follow her?

I should just let her be.

I sighed as I made up my mind. But instead of walking back to my chair, I just saw my feet heading towards the door and followed Tere.

"Tere!" I shouted and saw her stop before looking back at me.

Kaya lang hindi sa kanya napunta ang atensyon ko dahil biglang tumunog ang chimes ng main door and a little girl entered.

"Mommy!" the girl shouted as she... ran towards Tere?

I froze there in shock. M-Mommy?

Nagpalit-palit ako ng tingin kay Tere at sa bata. The shock was also visible on Tere's face.

Pero bago pa ako magtanong sa kanya kung anong nangyayari ay may pumasok ulit na lalake, this time, I clearly knew who he is.

He's the guy that helped Tere that night at the bar.

I felt my blood boil as I looked at them who definitely looked like a happy family.

Then it hits me... Where will I be?

Her Entrancing Smile [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon