CHAPTER NINE
THERESIA'S POV
"Tere, let's have dinner," pagyaya sa akin ni Martina. Nasa loob kami ng office niya at katatapos lang naming pag-usapan ang first quarter ng main plan for the next fashion show ng MG Styles.
"Uh... nope, I have to be somewhere," pagdadahilan ko. "Why not ask Noah?"
Agad siyang ngumiti at talagang kumikislap pa ang kanyang mga mata. "Oh, he's busy. Ayaw mo lang akong kasama eh." He pouted.
Aba syempre! Nakakakaba kaya 'yang pinaggagagawa mo nitong mga nakaraang araw! Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero 'wag na lang.
"So, ano? Have dinner with me o ako na lang dinner mo?" aniya.
"Hoy, Martina! Tigil-tigilan mo 'yan. 'Di bagay sayo!" Hindi ko tuloy mabigilang mapagtaasan siya ng boses.
Pero anong ginawa niya? Tumawa lang naman. "'Di bagay kasi ikaw ang bagay sa akin?" Tumawa na naman siya nang mahalata niyang namumula na ako sa pikon sa kanya. "Charot lang, bessy. Ito naman, so serious with everything ha!"
"'Di ko alam kung anong kaluluwa ng alien ang sumapi sayo pero ikaw ang 'di nakakatuwa." Dahil bumibilis ang tibok ng puso ko. "Kaya kung ako sayo, tigil-tigilan mo na before your fiance catches you in act. He might get jealous," dagdag ko pa bago tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. "Anyways, thank you for the dinner offer but I'll reject it. I'll go ahead, bessy." Binigyan ko pa ng diin ang bessy. Tuluyan na akong lumabas ng office niya at ng shop.
I have to go home, for sure naghihintay na si Martha sa akin.
Hindi ko dala-dala ang kotse ko ngayon araw dahil may pinapaayos ako kaya naman nakatayo lang ako sa shop at naghihintay sa driver ko.
Ilang minuto lang ang lumipas nang may humintong pulang Bentley Continental GT.
"Ba't ka nandito?" agad kong tanong nang bumaba ang driver ng sasakyan.
"Malamang para sunduin ka," pabalang niyang sagot sabay ikot papunta sa pintuan ng passenger seat at binuksan iyon. "Sakay na."
"Tere!" rinig kong sigaw ni Martina. Nilingon ko siya at nakitang papalapit siya sa akin. "Sino siya?" tukoy niya sa lalakeng sumundo sa akin. Nagtaka naman ako na hindi na pangbabaeng boses ang gamit niya.
"Hi, I'm Jester." Inilahad ni Jes ang kamay niya. "And you are Martina Gill, am I correct?"
Nakipagshake hands naman si Martina. "It's John Martin Gill." Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya "Are you Theresia's boyfriend?"
Mas lalo naman akong nagulat sa tanong niya. Anong klaseng tanong 'yan, Martina‽
Napatingin naman sa akin si Jester. Hayst! "Yes, he's my boyfriend," paggitna ko sa kanila. "And we're about to have our dinner date. Kaya naman may kailangan ka pa ba, bes?"
Ilang saglit pa muna kaming tiningnan ni Martina. Hindi ko alam kung alam niya bang nagsisinungaling lang ako o ewan sa uri ng tingin niya.
"Wala naman na. Have fun you two." Tumalim ang tingin ni Martina kay Jes. "And take care of Theresia."
Bakit niya ako finu-full name‽
"Well then, we'll take our leave. Nice to finally meet you, Mr. Gill," nakangiting paalam ni Jes bago ako pinapasok sa kotse at umikot para makapunta sa driver's seat.
Ramdam ko ang titig ni Martina hanggang sa makaalis kami.
"I heard from mom and dad that you're currently working with him," pangbabasag ni Jes sa katahimikan.
"Mmm-hmm... Thank you sa pakikisakay kanina." I stared over the car window.
"I always got your back, ate."
Napangiti naman ako sa sagot niya. "By the way, kelan ka pa nakauwi?"
"Oh just this morning. 'Di kita naabutan sa bahay since ang aga mo raw pumapasok."
"And Martha?"
"Of course marami akong pasalubong para sa pamangkin ko." He smiled.
Ivan Jester is my younger brother. Two years younger to be exact. At sa buong pamilya, si Jes lang ang may alam kung sino ang ama ni Martha.
"So why are you working with him?" tanong niya.
"Mom said so."
"So, shini-ship ka pa rin nila sa kanya?" pang-aasar ni Jes.
"They still want a union." I sighed before looking at him. "I mean sa lagay ni Martina, tingin pa ba nila may kasal na mangyayari?"
Tinawanan lang ako ni Jes. "Well, he proclaimed himself as John Martin Gill in front of me when I called him Martina." Tumawa na naman siya.
Nakakacurious nga rin naman yung pag-akto niya kanina. Hayst, Martina nasapian ka na ata.
Kinabukasan ay pinapapunta na naman ako sa office ni Martina kaya lang ngayon eh iba na ang trip ng kapatid ko.
"Good Morning, Ms. Myers—" napatigil si Charlotte sa sasabihin nang makita niya si Jester sa tabi ko.
"Hey," nakangiting bati ni Jes sa tulala.
"H-Hi po, Sir." Charlotte cleared her throat and forced herself to take her eyes off Jes. "M-Ms. Myers, hinihintay na po kayo ni Fairy Queen."
"Thank you." Nginitian ko siya.
Nilingon ko naman si Jes at magpapaalam na ako pero nang tingnan ko siya ay may pagkamangha na pagkalito sa mga mata niya.
"Fairy Queen?" Jes asked.
"S-Si Ms. Martina po, Sir," sagot ni Char.
"Ahh... Nice. Thanks," anya kay Char. "Let's go, love," tawag sa akin ni Jes.
Natawa na lang ako sa trip ng kapatid ko. Nang makarating kami sa pinto ng office, ako ang una niyang pinapasok.
"Good morning, bes—" agad napatigil si Martina. "What is he doing here?" Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Martina.
"Hinatid ko lang, girlfriend ko brad. Anyways, nice shop." Ipinapalibot ni Jes ang tingin sa opisina ni Martina.
"Nahatid mo na siya, wala ka pa bang balak umalis?" prangkang tanong ni Martina.
Medyo natawa naman si Jes saka tumingin sa akin. "Okay ka na ba dito, love?" Tumango naman ako. "Balik ako mamayang lunch. Kain tayo sa favorite resto natin?"
I was supposed to say sure, when Martina cut me off. "Magiging busy si Tere mamaya, 'wag ka nang mag-abala. May pagkain namang ide-deliver mamaya rito."
"Well then, you wouldn't mind if I come here later para sabayan ang girlfriend ko, diba?" Hay! Ano ba kasing trip nitong kapatid ko? Ihahatid niya lang naman dapat ako ah.
"Sure," pagpayag ni Martina. "Now, would you leave my office? Nakakaubos ng oras 'yung presensya mo."
Jester just laughed and looked at me. "Welp, I don't feel welcomed here pero babalik pa rin ako mamaya for you, okay?" Tumango na naman ako. "See you later then." Niyakap niya ako sabay bulong, "Kapag 'di mo pa napansin yung mga napansin ko, 'Ye. Pepektusan kita kahit ate pa kita." Bumitaw siya sa pagkakayakap saka tuluyang nagpaalam.
Nang mawala si Jes sa opisina, nanatiling tahimik ang paligid. Martina was working silently on his desk at ako naman ang nagtatrabaho sa sofa. This has been our daily routine ever since pinatulong ako ni mom dito. Nabasag naman ang katahimikan nang umubo si Martina. "So, kelan pa naging kayo?" tanong pa niya sa akin.
Bahagya naman akong natigilan. I did not expect him to bring that up. "Bakit mo gustong malaman?"
Nanahimik si Martina at nagpatuloy sa pagt-trabaho na para bang walang nangyari. Kaya naman ganon na lang din ang ginawa ko.
Ano ba kasi yung sinasabi ni Jester?
![](https://img.wattpad.com/cover/259008387-288-k233384.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Entrancing Smile [COMPLETED]
Romance~•~•~ Risus Series 1 ~•~•~ Since high school, Martin knew that he bats for the other team, at alam din 'yun ng mga magulang niya. His mother accepted him wholeheartedly, and his dad... Well, he's trying. But Martina's dad didn't give up and continuo...