CHAPTER SEVENTEEN

6.1K 240 22
                                    


CHAPTER SEVENTEEN

THERESIA'S POV

It has been three days since that woman barged into Martina's office. At tatlong araw na rin akong nababadtrip, but I do now know who she is.

The woman is Trecia Davies. A famous actress in America, came from a well-known and rich family, a bit of a brat and snob, a poise twenty-two-year-old lady, and Martina's childhood best friend. She has been staying in the Philippines for quite a while now at noon lang nagpakita.

How did I know about those things? Some info was from Martina and some are from my dear brother who happens to be Trecia's ex-boyfriend, which is kahapon ko lang nalaman.

A really small world.

According pa kay Jester, may hindi talaga kagandahang ugali ang babae pagdating sa ibang tao pero mabait daw talaga 'yun at sweet as a girlfriend.

Anyways, the very reason ng pagka-badtrip ko ay ang pagiging clingy niya kay Martina.

Nakakapikon lang kasi nagseselos ako kahit alam kong hindi naman pwede. Naba-badtrip ako kasi lagi siyang nasa office kahit wala naman siyang ginagawa. She always cuts me off every time I try to talk to Martina. And most importantly, She's a silent killer watching over me! Ano bang problema niya‽

Lagi na lang masama ang tingin niya sa akin na para bang may ginawa akong mali sa kanya. I don't even know her personally, and I know for a fact na wala pa akong ginagawan ng masama.

Baka siya pa lang kapag tuluyan na akong napikon.

Finally, today ay wala pa naman siya rito. Kami pa lang ni Martina sa office niya. Kaya lang sa pagkapikon ko kay Trecia ay hindi ko tuloy magawang makitungo kay Martina nang maayos.

"Tere, wanna have lunch later?" rinig kong tanong ni Martina pero 'di ko na lang pinansin.

Badtrip ako sa best friend mo kaya damay ka, whether you like it or not.

"Hey, Tere," tawag na naman siya sa akin. "Tere naman eh."

'Di ko pa rin siya pinapansin. Bigla naman siyang tumigil sa pagtawag at nabalot ulit kami ng katahimikan. Ginawa ko na lang na busy ang sarili ko sa pag-aarrange at paglalagay ng comment sa bawat design.

"Tere..." Medyo nagulat ako nang may marinig akong nagsalita sa tabi ko. Alam kong si Martina 'yun kaya mas lalong wala akong planong lumingon kaya lang bigla ko na lang napansing nakahawak siya sa balikat ko at pilit akong pinaharap sa kanya.

Nakalimutan kong huminga nang mapansin ko kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa.

"Why are you avoiding me?" Martina asked seriously while looking deep into my eyes and sending shivers down to my spine. "Please tell me before I go crazy."

Sobra siyang seryoso to the point that I forgot he's gay. "I'm uncomfortable with Trecia." I don't know why but I suddenly want to be honest about my feelings.

"Hmm? Why?" he softly asked. Medyo napapansin ko namang papalapit ang mukha niya sa akin at hindi ako lumalayo.

"N-Nagseselos ako..." bulong ko.

"Hmm..." tanging sagot niya saka mas lumapit. Our lips were about to meet nang may pumasok, agad akong lumayo kay Martina and he remained unmoving.

Nang tingnan ko kung sino ang nang-istorbo—este pumasok, I saw Trecia standing there with her insulting expression. Agad na namang bumalik sa pagka-badtrip ang mood ko. Tumayo ako saka kinuha ang gamit ko bago naglakad papunta sa pinto.

Her Entrancing Smile [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon