SPECIAL CHAPTER - WILL ALWAYS BE YOURS
MARTINA'S POV
OMG! OMG! OMG! Bakit ba kasi nangyayari 'to?
I quickly picked up Josh from the tatami mat and quickly ran to catch the crawling Thierry na malapit nang tumama sa table.
"TJ! Goodness!" sigaw ko at saktong nabuhat ko na siya.
Karga-karga ko sa magkabilang braso ko ang kambal. Si Josh ay nakangiting nakatitig lang sa akin at si Thierry naman ay sinamaan ako ng tingin.
"Hanggang sa mukha lang kayo magkapareho," natatawa kong usap sa kanila.
The twins are nine months old and just starting to crawl. Kaya lang mas gala si Thierry, bibitawan mo lang saglit ay gagapang na papunta sa kung saan-saan at bigla mo na lang maririnig na umiiyak dahil nauntog na pala. Si Josh naman ay kapag iniwan mo sa isang tabi ay magsisimulang gumapang pero biglang mapapahiga tapos tatawa, ang problema sa kaniya ay baka mamali ang bagsak niya.
Naglakad na ako pabalik sa sofa at pinaupo ang dalawa sa magkabilang lap ko. Kumuha lang kasi ako kanina ng milk bottles nila sa kusina kaya naloka ako pagbalik at nakitang naggagagala na sila. "Would you want to drink more?" Josh smiled wider as his eyes twinkle, while Thierry shoots daggers at me using his eyes.
Sa 'di malamang dahilan, madalas na masama ang tingin sa akin nitong si TJ, tapos pagdating kay Tere, jusko! Nagniningning ang mga mata. Mommy's boy talaga. Habang ito namang si JA eh daddy's boy.
Pareho kong inihiga sa magkabila kong side sa sofa ang kambal at inabutan ng milk bottle nila para makatulog na ulit. It's time for their afternoon nap, at paniguradong pauwi na rin sila Tere at Martha. My wife from work and my princess from school.
Nakapag-usap na kami noon ni Tere, salit-salitan kami ng araw ng trabaho. I don't want to stop her from working dahil 'yun ang gusto niya. Kaya naman meet halfway kami, M-W-F ang pasok ko at T-Th-Sa naman si Tere. Sunday is Family day, no school, no work. Pareho naman kaming may-ari ng kaniya-kaniyang kumpanya at business kaya ayos lang sa amin.
Pareho rin kaming nag-agree na hindi pwedeng maiwan na walang bantay ang mga bata. Ayaw rin naman kasi naming mag-hire ng yaya kung kaya rin naman naming alagaan ang mga bata. Mas okay rin na mas malapit kami sa mga anak namin. Hindi namin gugustuhin na lumayo ang loob ng mga bata sa kahit sino sa amin dahil sa trabaho.
Ang bagong usapan namin ni Tere ay kapag nag-one year old na ang kambal ay pu-pwede na naming gawin ang three-day trip namin sa iba't-ibang bansa. Hiling din kasi sa amin 'yon ni Martha.
Ilang saglit ko pang tinitigan at binantayan ang kambal, at nang masiguro kong tulog na sila ay tumayo ako at inabot ang phone ko saka tinawagan si Tere. Makatapos ang dalawang ring ay sumagot na siya. "Hey, nasaan na kayo?" tanong ko agad.
(Kasusundo ko lang kay Martha sa school — Hi, Daddy!) Bigla kong narinig ang boses ni Martha.
"Hello, my princess. What do you want for dinner?" For sure ibinigay na ni Tere kay Martha ang phone. Narinig ko naman ang pagbukas at sara ng pintuan ng kotse nila pati ang pagkabuhay ng makina nito.
(Hmm... How about mushroom steak, Daddy?)
"Your wish is my command, my little princess."
(Yehey — Hindi ba't kakakain lang natin ng mushroom steak nung isang araw?) Biglang salita ni Tere. (But Mommy, I still want that po. Plus, Daddy can only cook that good.)
Medyo natawa naman ako dahil mukhang sa tono ng pagsasalita ni Martha ay naka-pout na naman siya. "How about I'll just cook that one for you and then iba ang food namin ni Mommy?"
![](https://img.wattpad.com/cover/259008387-288-k233384.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Entrancing Smile [COMPLETED]
Romance~•~•~ Risus Series 1 ~•~•~ Since high school, Martin knew that he bats for the other team, at alam din 'yun ng mga magulang niya. His mother accepted him wholeheartedly, and his dad... Well, he's trying. But Martina's dad didn't give up and continuo...