CHAPTER TWELVE

6.3K 282 13
                                    


CHAPTER TWELVE

THERESIA'S POV

After our lunch in Heaven Taste, bumalik na kami ni Martina sa normal, and by normal I meant yung pagiging ewan niya.

Akala ko pa naman yung kapatid ko yung haharutin niya, but I think I guessed wrong. Dahil kung minsan ay nakikipagtalo siya sa kapatid ko, minsan naman bati sila. 'Di ko na rin alam kung anong meron sa kanilang dalawa pero paniguradong hindi magiging sila.

Well, Martina still has Noah. Speaking of Noah—

"Kelan ba kasal niyo?" bigla kong tanong kay Martina habang nasa opisina kami at balik na naman sa trabaho.

Halata namang natigilan siya bago biglang ngumiti ng pang-asar. "Selos ka 'no?"

Inungusan ko naman siya. "Anong nagseselos? Paano 'yun pumasok sa usapan?"

Nginisihan niya lang ako. "Sus, tatanggi ka pa, Tere. Alam ko namang nagseselos ka."

Oo nga, nagseselos nga ako, eh ano namang sense? "Tigilan mo 'ko sa kabaliwan mo, Martina," napipikon kong sabi sa kanya.

Tinawanan niya lang naman ako. Hindi nawala ang sama ng tingin ko sa kanya.

Nang wala nang muling nagsalita ay bumalik na lang ulit kami sa pagtatrabaho. Saka naman kumatok si Charlotte. "Fairy Queen?"

"Fly in!" sigaw ni Martina na ikinatawa ko.

"Fairy Queen, may pinadala pong invitation po from Ms. Narae Lee. A charity ball po. Any representative of the family is to attend daw po," imporma ni Charlotte.

Nakita ko namang tumango si Martina. "'Di a-attend si Dad?" may pagtataka sa boses niya.

"Your parents have been on a business trip since last week, Fairy Queen," sagot ni Char.

Napabuga naman ng hininga si Martina. "But I don't want to attend. Nakakatamad." He even pouted sabay upo sa swivel chair niya. "Required ba?" Tumango naman si Charlotte. "Sige sige. I'll think about it. What time?"

"Tonight at seven PM."

"Tonight? Agad-agad?" Mukhang stressed si Martina.

"Yes, Fairy Queen. Yung invitation po kasi ay nakuha nila Mr. and Mrs. Gill two days ago. Ngayon lang nila naipadala pabalik since 'di pa raw sila makakabalik sa Pilipinas."

Napahilamos naman ng mukha si Martina. Nakatingin lang naman ako sa mga papeles na inaayos ko. I'm not staring at them, just eavesdropping and silip-silip ng tingin kay Martina. "Anong oras na ba?" rinig kong tanong niya.

"Three PM, Fairy Queen," agad na sagot ni Charlotte.

I heard him sigh again. "Fine. Just leave the invitation here and you may go."

Narinig ko naman ang saglit na paglakad ni Charlotte bago tuluyang lumabas ng office.

"Ba't ka ba mukhang stressed na stressed?" tanong ko sa kanya kahit hindi ako nakatingin sa kanya.

Huminga lang siya nang malalim saka sumagot. "I don't feel like going. Plus malapit na ang fifth anniversary ng LUST DAWN. Kailangan na ng apat na kliyente ang mga damit nila."

Napatango na lang ako. Hindi ko naman na kasi sakop 'yun. Ang trabaho ko lang ay sa magaganap na Paris MG Styles Fashion show months from now.

Thirty minutes passed when I received a text from Jester informing me that he'll pick me up five minutes from now. "Bes, susunduin na daw ako ni Jes. Mukhang may kailangang puntahan eh," pagpapaalam ko kay Martina na busy pa rin sa mga scratch ng designs.

Tumingin siya sa akin saka tumango. "Sure sure. Take care," sabi niya saka bumalik sa pagd-drawing.

Para namang nalungkot ako dahil hindi ako sanay na ganyan lang ang sinasabi niya, madalas kasing may kasunod na pang-alien na linyahan eh.

Sus, Tere! Akala ko ba gusto mo na siyang patigilin?

Napabuntong-hininga na lang ako saka tuluyang kinuha ang gamit ko at lumabas na ng office niya.

"Ms. Myers?" narinig kong tawag sa akin kaya agad akong tumalikod.

"Yes, Maecel?"

"Ito po yung pinagawa pong cocktail dress niyo po. Ngayon lang po kasi natapos," anya habang inaabot yung box na paniguradong dress ang laman.

"Cocktail dress ko?"

'Di naman ako nagpagawa ng dress ah. Plus I don't wear this kind of clothes. Too short for my preferences.

"Opo, inyo po, Ma'am. Pinagawa po ni Sir Jester po three days ago po." sagot niya na mas nagpagulo sa akin.

Pinagawa ni Jes?

Tinanggap ko na lang kesa humaba pa ang usapan, paparating na rin naman yung lalakeng 'yun eh.

At tama nga ako, dahil saktong paglabas ko ng shop ay ang pagtigil ng kotse niya sa harap ko.

Ibinaba niya ang window ng passenger seat. "Tara na, 'Te! Malelate pa tayo eh. Mahirap ka pa naman kausap," sabi pa niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano bang meron?" Sumakay na ako sa passenger seat at nilagay sa back seat yung box. "At ano yung sinasabi ni Maecel na cocktail dress ko?"

"Mamaya na kita papaliwanagan, Ate. Kasi panigurado magkakabatukan tayo." Agad na pinaandar ni Jes ang sasakyan. May tinawagan naman siya bigla. Okay lang naman 'yun dahil naka-bluetooth earphones siya. "Hey, I got it... Yes yes, thank you. Anyways, send him a copy... Yeah, kahit yung sketch lang... Pwede 'bang videohan mo habang pinapakita mo sa kanya? Just kidding... Thanks again. Bye." Pinatay niya yung tawag.

Nakatitig lang naman ako sa kanya. Anong meron?

~•~

Martina's POV

Nang makaalis si Tere ay mas lalo akong tinamad mag-drawing. Ano bang nangyayari sa akin?

Hindi normal na apektado ako nang ganito sa iisang tao. Mas lalo nang hindi normal na sa babae ako apektado.

Tere is just a friend. I should definitely stop what I kept doing.

And I can't even stop my mouth from saying those things!

Ano ba kasing nangyayari sa akin?

Napabalik ako sa reyalidad nang may kumatok sa pintuan.

"Fly-in!" sigaw ko. Agad namang pumasok si Maecel. "Maecel, is that the Set C of DAWN?" agad kong tanong.

Umiling naman siya. "Fairy Queen, pinasabi po ni Sir Jester na ipakita ko raw po sa inyo ito." She gave me a sketch of a short and sexy cocktail dress.

Kumunot naman ang nuo ko nang maalala ang pangalan ng kapatid ni Tere. "Bakit daw?" I analyzed the design. A red wine-colored mini cocktail dress. Banded ang design ng waistline, plunging neckline, tulip hem. It really is a very sexy type of clothing.

"'Yan po kasi yung pinagawa ni Sir Jester three days ago for the event tonight."

Napatango naman ako sa sagot ni Maecel. "Mukhang may girlfriend na pala siya," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin pa rin sa sketch.

"Para daw po kay Ms. Theresia—"

Agad akong napatayo sa sinabi ni Maecel. "Si-Sinong magsusuot niyan?"

"Si Ma'am Theresia po para sa gala mamaya—"

'Di ko na pinatapos ang sinasabi ni Maecel at agad akong lumabas ng shop habang tinatawagan si Ate Cherry, ang may-ari ng Serenity Salon. "Ate Cherry, I'll be there by 10."

(Sure, the salon is all set.)

I ended the call as I walked towards my car. "You can't wear that sinful dress in front of predators, Tere. Not on my watch."

Her Entrancing Smile [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon