CHAPTER TEN

6.5K 280 38
                                    


CHAPTER TEN

THERESIA'S POV

"Bessy—"

"Charlotte, pakidala rito sa office yung Set G ng drafts for the Winter Collection," ani ni Martina sa intercom.

"Got it, Fairy Queen."

Ever since Jester left the room, ni ayaw na akong pansinin ni Martina. He always has something to say, or stuff to cut me off.

"Martina—"

"Oh, and Charlotte, prepare the Set I of the Summer Collection," salita na naman niya sa intercom.

"Martina—"

"Bring me some coffee too, Char."

"Mart—"

"Anong oras meeting natin with the DAWN?"

"Ma—"

"Make sure na maayos na ang tatlong set ng damit nilang apat."

"M—"

"Char—"

"You know what‽ Kung ayaw mo naman akong kausapin, magsabi ka lang. Hindi 'yung para mo 'kong binabastos! Ni hindi ko alam kung ba't ka nagkakaganyan eh. If you don't want to talk to me, then I'll leave. I'll just send my reports to your email. Damn it." I stood up and took my purse and phone before getting out of the room and out of the shop.

I've decided to call Jester pero nakakatatlong ring na at lahat eh 'di pa rin nasagot. Bigla ko namang naramdamang may tao sa likod ko kaya naman agad akong lumingon.

"Jes—"

"Jester na naman? Kaaalis niya lang, Jester ulit. Can't you forget about him even just for a minute?" Halata sa boses ni Martina ang inis. Pero ba't naman naiinis?

"Ano bang pinagsasasabi mo ha? Anong puro Jester ka riyan? Eh kanina pa ako Martina nang Martina pero ayaw mo 'kong patapusin. Eh kung batukan kaya kita? Ha?" gigil kong reklamo.

He never removed his sight from me, so I did the same. Then he sighed and turned his back on me. "Come on. We still have some work to do," ani niya bago tuluyang bumalik sa shop.

"Tingnan mo 'tong baklang 'to. Ni hindi ko na alam kung sinasapian ba at ang gulo ng mood. Meron ba siya ha?" inis kong bulong sa sarili ko saka sumunod kay Martina.

Pagkarating ko sa office ay agad bumungad sa akin si Martina na nasa sofa at busy sa mga papel sa coffee table.

Napaangat naman ako ng kilay. "Why are you in my place?"

"It's my office, I can work anywhere I want," sagot niya habang nakatingin pa rin sa mga papel na hawak na niya.

"Then where will I work?"

Finally, his brown eyes laid on mine, then he tapped the space beside him. "Here. Sa tabi ko. We could work properly if we're near each other," he said, making me blink twice... or maybe thrice.

"What now?" Mas lalong umangat ang dalawa kong kilay. "Hindi ko alam kung anong nangyayari sayo ha, but you suddenly changed your mood. Pahihiramin na ba kita ng napkin? Time of the month mo ba? Kanina lang ni ayaw mo 'kong pansinin tapos ngayon tatabi ka sa akin?"

He sighed again na parang pagod na pagod na siya. "Look. I also don't know why I'm doing and saying these so just let me be, okay?"

"Let you be? Paano naman ako? I get confused with the way you treat me. Can't we just go back to the way we were?"

Wow, Tere. Parang noon lang ikaw ang ilang na ilang at ayaw na makipag-kaibigan sa kanya ah.

Halata namang natigilan si Martina. May binulong siya na hindi ko narinig at akmang tatanungin ko kung ano 'yun nang may kumatok at pumasok si Charlotte. "Coffee for Fairy Queen and Ms. Myers." Maingat niyang inilapag ng tray sa coffee table. "Ito na rin po yung mga pinapakuha niyo po, Fairy Queen." Inabot niya kay Martina ang mga hawak niyang papeles. "Labas na po ako." She bowed and went out of the room.

Bumalik naman na sa katahimikan ang paligid, and I had no choice but to sit beside Martina. Though I made sure that there's space between us. Tuloy lang kami sa pagtatrabaho habang nainom ng kape nang may kumatok ulit.

Nang hindi nagsalita si Martina, kumatok ulit ang nasa labas. Ako na lang ang tumayo at nagbukas ng pinto dahil mukhang busy na busy talaga siya.

"Hi, love! Lunch na?" tanong ni Jes pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.

I quickly took a glance at the wall clock. "Right, magte-twelve na pala." I looked back at him. "Saan tayo kakain?"

Bigla namang napatingin si Jes sa likod ko then he smiled widely. "What's up, Martin?"

Napalingon naman ako sa likod ko. "Martina..."

"Dito lang pwedeng mag-lunch si Tere. We're still busy, you know?" Anlalim ng boses ni Martina. Just like the voice he used that night.

Napailing naman ako saka tumingin kay Jes. "Medyo busy pa nga kami pero I'm hungry already."

Bigla naman akong pinihit ni Martina paharap sa kanya. "Gutom ka na pala, ba't 'di ka nagsabi? Edi sana nagpa-deliver na ako nang maaga. What do you want? I can ask Charlotte to buy you food," sunod-sunod na sabi niya sa akin.

"Hey, I think I can handle my girlfriend's food from here," biglang sabat ni Jester mula sa likod ko.

Still with his eyes on me, Martina answered my brother back. "She's already in my place, I can take care of her."

Bigla namang natawa si Jester. "If I'm not mistaken, you're already engaged with Mr. Noah, at kung ako sa kanya, magseselos na ako kapag narinig ko 'yang mga sinasabi mo kay Tere." Halata namang nang-aasar siya.

Natahimik naman si Martina saka tumalikod sa amin at pumasok sa office, this time nasa desk na niya siya.

Humarap naman na ako nang tuluyan kay Jester. "Ano ba yung mga pinagsasasabi mo, ha? Anong magseselos ka riyan?" pagalit kong bulong sa kapatid ko.

"Mamaya, 'Te. Babatukan kita habang pinapaliwanag ko sayo ha?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Oh, tara na muna. Mag-lunch na tayo. Gutom na ako. Pabayaan mo na 'yun, ginugulo niya isip ko."

Napa-facepalm naman si Jes. "Jusmiyo, Ate! Manhid ka talaga?"

I frowned. "Anong manhid?"

"Ni ayaw ka nga niyang paalisin sa office niyo eh. 'Di mo talaga gets?"

I frowned even more. Ano bang pinagsasasabi nitong batang 'to?

"'Di pa ba kayo maglulunch?"

I startled when I heard someone behind me. "Kabute ka ba ha? Bigla-bigla ka na lang sumusulpot," reklamo ko kay Martina.

"Yung pinadeliver kong pagkain kela Charlotte na lang. Tara kain tayo sa labas." Tiningnan niya si Jester. "You wouldn't mind if I tag along for lunch, right?"

Ngumiti lang naman si Jester. "Nah, it's fine. Mas makikilala ko kung sino ang katrabaho ng girlfriend ko."

Tumango naman si Martina saka naunang lumabas sa office kesa sa akin.

"Ano na naman bang trip 'nun?" naibulong ko sa sarili ko.

"Manhid ka nga," rinig ko pang komento ni Jester bago ako yayaing umalis. "Tara na, 'Te. Bago pa sumabog sa kaselosan yung isa." Bigla siyang tumawa.

Time of the month na nga ni Martina, tapos yung kapatid ko kailangan nang dalhin sa mental hospital.

Hay! Ako na lang talaga ang normal.

Her Entrancing Smile [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon