CHAPTER THIRTY-SIX
THERESIA'S POV
Finally, my family got discharged. Bruises and stitched cuts na lang ang nagpapaalalang may nangyaring aksidente, but other than that, they're fine. Ultimong si Martha ay maligalig at mas naging madaldal pa. Wala atang minutong gising siya na hindi niya kausap si Martina. Lagi na silang magkausap at minsan pa nga ay mas gusto pa nilang sila lang lalo na kung pagdating sa sweets ang usapan nila.
Alam kasi nilang 'di ako papayag na kumain si Martha nang kumain ng maraming chocolates at sweets, pero itong si Martina, jusko! Lahat na lang ata ng hilingin nitong bata eh ibibigay niya.
'Di ko namang maiwasang hindi mapangiti kada papanoorin ko silang mag-ama. They both do not know about the truth pero kung umasta sila ay parang alam nila.
I sighed. Kung wala lang talagang Noah na bumalik ay hindi na ako matatakot na sabihin ang totoo.
Alam kong pinlano ko noon na agawin na lang si Martina pero mahirap din pala lalo na't nakita ko pa silang naghahalikan.
"Ate, kami-kami na lang nila Mama at Papa sa kotse ko, tapos sumabay na lang kayo ni Martha kay Martina," nakangiting sabi ni Jester sa akin.
"Oo nga, anak. Mukha namang ayos lang kay Martin na ihatid kayong mag-ina eh," tulak pa ni daddy.
"Baka nga gusto niya ring maging ama ni Martha edi mas okay—"
"Mom!" napasigaw ako kaya napahinto si Mommy sa pagsasalita. "Tumigil na nga kayo sa kakaganyan."
Mom giggled. "Nako naman, Theresia. Tatanggi ka pa ba kay Martin? Tingnan mo oh." Itinuro niya yung direksyon kung nasaan sina Martina at Martha.
They're both laughing and playing habang nasa harap ng kotse ni Martina. Ilang metro ang layo nila sa amin kaya 'di nila kami naririnig.
"Martha loves him already, at sa nakikita namin, Martin cares for your kid, Theresia," dagdag pa ni Daddy.
I sighed bago tumingin kela Mom. "Kay Martina na lang kami sasabay ni Martha. Baka mas humaba pa 'tong usapan na 'to kapag dito kami at magka-ideya pa si Martha."
Mahina silang natawa saka nagpaalam sa akin at tuluyan nang sumakay ng kotse ni Jester at umalis.
Naglakad naman ako pabalik kela Martha na tumigil sa paglalaro nang makita ako. Martha waved her hand at me before making Martina carry her.
"Nasaan na sila Jester?" Martina asked me nang makalapit na ako sa kanila.
"Nauna na. Sayo na lang daw kami sumabay." Itinuro ko si Martha. "Mukha rin namang wala siyang planong lumayo sayo."
Martina chuckled before facing my baby. "You're getting heavier and heavier every day, Martha," pang-asar ni Martina sa bata.
Martha grinned. "I'll also get older next month, Tito Martin."
Sumakay na kaming tatlo sa kotse ni Martina. Martha was in the backseat at nasa passenger seat naman ako. "Seat belt on, Martha," paalala ni Martina saka lumingon pa para icheck si Martha bago binuhay ang makina at nagsalitang muli. "When exactly is your birthday?"
"September twenty-eight po, Tito Martin!" she happily answered.
"Weeks from now. What do you want for your birthday?"
Nakikinig lang ako sa usapan nila habang nakatingin sa labas ng bintana at nakangiti. But I lost my smile when I heard Martha's answer. "My daddy," she softly answered, almost a whisper.
![](https://img.wattpad.com/cover/259008387-288-k233384.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Entrancing Smile [COMPLETED]
Romance~•~•~ Risus Series 1 ~•~•~ Since high school, Martin knew that he bats for the other team, at alam din 'yun ng mga magulang niya. His mother accepted him wholeheartedly, and his dad... Well, he's trying. But Martina's dad didn't give up and continuo...