EPILOGUE
MARTINA'S POV
Three years. Three years na kaming kasal, three years na simula nang mag-propose kami sa isa't isa, at three years na rin simula nang legal nang gamitin ni Martha ang apelyido ko.
The moments, the favorites, the worries, and the love. Being the biological father of Martha explains it all. And as of now, I won't be just Martha's father, because right now—
"Martina!" sigaw ni Tere habang nakahiga sa wheeled stretcher.
"T-Teka lang naman. 'W-Wag kang sumigaw," natataranta kong sabi sa kanya.
She screamed again. "'Wag na 'wag kang lalapit sa akin at sasabunutan kita!" sigaw niya pa lalo kaya mas napraning ako.
"H-Hinga ng malalim. Ginagawa mo na 'to noon kay Martha, d-diba? Kaya mo 'to—"
"Magkaiba 'to! Hindi ka na ulit makakaulit, Martina!"
Bigla naman akong kinabahan. "'Wag ka namang magbiro ng ganyan. Dahil lang 'yan sa sakit, diba? K-Kumalma ka. G-Gusto mo rin namang may nangyayari sa 'tin, diba—"
"Manahimik ka—" Tere screamed again. "Lalabas na yung bata!"
Mas binilisan namin ang pagtakbo sa delivery room.
"Grabe naman makasigaw si Ate. Hindi naman siya ganyan noon ah," loko ni Jester.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Akala ko ba kapatid ka, ba't ka ganyan makapagsalita?"
Mahina siyang natawa. "Anong gusto mong gawin ko? Sumigaw rin katulad ni Ate?"
I rolled my eyes and didn't mind him. I was pacing back and forth while waiting for Tere. Napag-usapan na kasi namin toh noon. Ayaw niya akong pasamahin sa loob ng delivery room. We even argued about that. I already missed Martha's birth tapos pati ba naman yung pangalawa kong anak?
But she kept pushing that it's a surprise, so I let it go. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya at ngayon eh ako ang kinakabahan.
According to what I've searched, fifty-fifty ang buhay ng mga babae kapag nanganganak. Jusmiyo, Tere! Siguraduhin mong ayos ka lang dahil sasabunutan din kita kapag 'di mo kinaya yan!
Kung ano-ano na ang naiisip ko dahil sa kaba. Si Jester lang ang kasama ko dito dahil nagpaiwan sila Mama sa bahay kasama si Martha. Si Trecia naman ay papunta na rin dito at nalate dahil may inasikaso pa.
"Hello? Nasaan ka na? Sunduin na lang kaya kita... Oo na, oo na, pasalamat ka talaga at mahal kita." Mahinang natawa si Jester. "'Wag ka nang tumanggi, alam ko rin namang mahal mo 'ko... Asus! 'Wag kang mag-alala, loyal ako sa Tatlo." Tumawa na naman siya. "Sige na, sige na. Ingats ka," sabi ni Jester bago ibinaba ang tawag at nakangiting tumingin sa akin.
"Kelan ang kasal?" tanong ko sa kanya.
"Malapit na. Basta imbitado kayo," natatawa niyang sagot.
"Malapit na? Eh akala ko ba 'di ka pa rin niya sinasagot?" I flatly said.
Bigla niya naman akong inakbayan. "Susundan ko yapak mo, bayaw. 'Wag nang girlfriend-boyfriend, kasal agad. Doon din naman ang punta."
"Ako kasi may anak nang iintindihin—"
"So, dapat magkaanak na rin kami ni Tatlo—"
May bigla namang papel ang humampas sa ulo ni Jester. "Anak ka dyan, tigil-tigilan mo 'ko, Ivan. And how many times do I have to remind you that my name is Trecia and not Tatlo?" seryosong tanong ni Tres.
![](https://img.wattpad.com/cover/259008387-288-k233384.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Entrancing Smile [COMPLETED]
Romance~•~•~ Risus Series 1 ~•~•~ Since high school, Martin knew that he bats for the other team, at alam din 'yun ng mga magulang niya. His mother accepted him wholeheartedly, and his dad... Well, he's trying. But Martina's dad didn't give up and continuo...