27

6.7K 180 6
                                    

A/N: Dahil Valentines day, here's my Gift for you guys! =)) Isang tumataginting na Update! Hehe!

Happy Valentine's day! Dedicated to everyone! <3

Keep smiling! ^_^

-

 Chapter 27

“Good morning,Ate!” ngiting bati sa’kin ni Sky ng makaupo ako sa dinning para makapag-almusal, nginitian ko din siya ng pagkalaki-laki

“Good Morning din,Sky.” Ngiting saad ko saka ako kumuha ng hotdog at toasted bread.

 Bakit ba? Ang saya ko ngayon eh. Hihi! Ang landi ko na!

“Ganda ng gising mo ate,ah? Hulaan ko, si Kuya Aichee ba ‘yan?” sumulyap ako kay Sky habang kumakagat sa Hotdog ko saka muling ngumiti. “Yihie! Ibang klase talaga magpakilig si Kuya Aichee!” dagdag niya pa.

 Nasa kalagitnaan na ‘ko ng pagkain ng may biglang mag doorbell. Agad-agad akong nagpunas ng bibig saka ako tumayo at nagtatakbo papunta sa Main door.

“Manang! Manang! Ako na po!” pigil ko kay Manang sa pagbukas ng pinto. Napabitaw naman si Manang sa doorknob saka nagtatakang tumingin sa’kin.

 Nginitian ko naman siya saka ko bahagyang inayos ‘yung buhok ko bago ko buksan ‘yung pinto.

“Good morni—SPENCER?!” Gulat na saad ko. Sinilip-silip ko pa ‘yung likudan niya kung nasa likod ba si Aichee pero wala.

“Morning Ate. Si Sky po?” tanong ni Spencer. Niluwagan ko ‘yung pagbukas sa pinto saka ko siya pinapasok.

“N-nag…Nag-aalmusal pa. Pasok ka” saad ko. Muli akong sumilip sa labas bago ko isara ang pinto.

“May hinihintay ka ba,Ate?” takang tanong ni Spencer, nginitian ko naman siya saka umiling.

“Wala..wala..hmm, sige na, puntahan mo na si Sky” saad ko saka ako pumanhik papunta sa kwarto ko.

 Napatingin ako sa wrist watch ko, It’s 6:30! Bakit wala pa siya? Sabi niya kahapon susunduin niya ‘ko!

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng may kumatok.

“Ate? Ate?” si Sky.

“Pasok” matamlay sa sagot ko. Agad naman niyang binuksan ang pinto saka siya sumilip.

“Ate, sabi kasi ni Spencer, ibinilin ka daw ni Kuya Aichee sa kanya. Isabay ka daw pagpasok.” Aniya. Napakunot ang noo ko. Iindiyanin na naman ba ako ng Nerd na ‘yon?!!

“Ano Ate? Let’s go?” muli akong napatingin kay Sky saka ako huminga ng malalim. Tumayo na ‘ko at basta nalang hinablot ‘yung Bag ko.

“Ok.”

 Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana habang nag-uusap si Sky at Spencer sa tabi ko.

 Nasa’n kaya ‘yung Nerd na ‘yun?! Pangalawang beses niya na ‘tong pang iindiyan sa’kin ah! Pasalamat siya ano…ano… Mahal ko siya! -_-

“Thanks,Spencer” ngiting saad ko ng makababa ako sa sasakyan kasunod sila.

“Wala ‘yun, Ate.” Aniya saka nahihiyang ngumiti. Ang Gwapo talaga ng batang ito! Lalong nag pa-gwapo ‘yung dimple oh! Hmp!

“una na kame,Ate. Bye!” paalam ni Sky. Tumango nalang ako saka ko sila pinag masdang maglakad patungo sa Building nila. Kita ko din kung paano inaalalayan ni Spencer si Sky. Ang Gentleman lang naman talaga. Kung ganyan ba naman si Aichee? Edi sana hindi ko na alam ‘yung salitang simangot!

That Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon