13

7K 196 1
                                    

-

 Chapter 13

          Bumaba ako sa Stage saka ako umupo sa tabi ni Lara. Hindi na ako muling nag salita pa kahit na madami ang bumabati sa'kin.

"Well. Nice performance Ms.Vesconde." saad ni Sir.Leron. "Pero hindi pa iyon ang performance mo talaga." aniya, tumango nalang ako.. Hindi ko naman talaga performance yun kasi di ko naman akalain na darating agad sila..

 Muling bumunot si Sir.Leron, may nag pe-perform na sa Stage ng biglang may kumalabit sa'kin mula sa likod. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay

"Ang galing mo kanina ah. Ramdam na ramdam ko yung emosyon." aniya sabay kindat. Tss! tusukin ko mata mo eh! Hindi ko nalang siya pinansin saka ako umayos ng upo pero sadyang may lahi yata talaga ng pagka kulit ang Paolo na ito dahil kinalabit na naman niya ako..

"Ano ba?" mahinang tanong ko dahil baka marinig kami ni Sir.Leron at mapalabas na naman ako

"Sungit.." Aniya tapos muling ngumiti. "Turuan mo naman ako mag Piano" tumaas ang kilay ko

"No" maikling sagot ko saka ako umayos ulit ng upo

"Sige na. Matagal ko nang gusto matuto mag piano" pangungulit niya mula sa likuran ko. Hindi ko siya pinansin.

"Suswelduhan kita if you want. Turuan mo lang ako" aniya. Nilingon ko siya

"No" saad ko saka ko muling binalik ang tingin ko sa harap. Anong tingin sa'kin nito? Mukhang pera? Namumulubi?! Ha! Never!

"Bibilhan kita ng Pizza araw-araw" pangungumbinsi niya. Kulit talaga ng lahi ng Minion na ito. Umiling ako.

"Ice cream?" aniya, muli akong umiling "White Spaghetti? Your Favorite" aniya, natigilan ako saka ako tumingin sa kanya. Paano niya nalaman na paborito ko iyon? Nakangiti siya na tila sinasabing panalo na siya. Ngumiti din ako at muling sumimangot

"No" matigas na saad ko. Aba! kahit paborito ko iyon ay hindi naman ako araw-araw kumakain nun. Pupurgahin niya ba ako sa white spaghetti? Psh!

"Pa-lo-Loadan kita araw-araw" aniya. Ang kulit!

"Naka Line ang number ko" saad ko.

"I'll be your Slave for..Uh..One week"-siya. Muli akong umiling

"No." nilingon ko siya at nakita ko ang pag kamot niya sa ulo niya at ang pag pout niya. Nakaka konsensiya naman ang pag simangot niya. Tumingin siya sa'kin at nag tama ang paningin namin. Yung mukha niya ay parang nag mamakaawa na pumayag ako. Bigla siyang nag Puppy eyes with Pouty lips tapos pinag dikit niya pa yung dalawa niyang palad. Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang pag hagalpak ng tawa.

 May ganito palang side si Paolo. Haha! Ang cute niya, para siyang Aso na naulol.

"Okay" pigil tawa na saad ko. Namilog ang mata niya kasabay ng pag lawak ng ngiti niya

"Really? Tuturuan mo na ako?" tanong niya habang nakahawak sa kamay ko. Agad kong hinablot ang kamay ko. Aba! Chansing siya ah!

"Tuturuan lang kita kapag free ako, kapag hindi ako tinatamad o kaya kapag trip ko lang" sabi ko saka ako muling tumingin sa nag pe-Perform na si Lara! Napatingin ako sa kaliwa ko, aba! si Lara nga yung nasa Stage! hindi ko manlang napansin na siya na pala yung nabunot.

 Bumaba si Lara sa Stage saka siya pumunta sa pwesto namin at hinawakan yung kamay ni Kyle. Puro tilian ang naririnig ko sa buong GYM habang ako ay napapailing nalang sa pinag gagagawa ng Bespren kong patay na patay sa Minion.

"..at kung ikaw ay nakatawa..ako pa ba ay nakikita..Nalilimutan ko ang itsura ko kapag kausap na ikaw..." nakangiti siya habang kumakanta at hawak ang kamay ni Kyle.

 Si Kyle naman ay panay ang iwas ng tingin kay Lara at yung mukha niya ay pulang-pula na.

May sumasabay na din sa pagkanta ni Lara, enjoy na enjoy ang gaga at nagawa pang ilagay ang kamay ni Kyle sa Bewang niya habang ang isa niya namang kamay ay pinulupot niya sa Leeg ni Kyle. Ano ba pinag-gagagawa ng babaeng 'to?!

 Paki-paalala nga po sa'kin mamaya o kaya bukas na Bestfriend ko ang babaeng yan!

"..Dahil nabihag mo ang aking paningin..at damdamin..." lalo pang nilapit ni Lara yung mukha niya kay Kyle. Napatakip ako sa mukha ko sa kahiya-hiyang ginagawa ni Lara Abaca! "...Oh chinitooo.." kinindatan niya pa si Kyle bago siya tumalikod at binalik sa Stage yung Mic.

"Woah!..that was cool!" narinig kong saad ni Paolo mula sa likod ko.

 Napakalaki ng ngiti ni Lara ng pabalik na siya sa tabi ko.. Mababatukan ko talaga ito sa kalandian nito eh! GRRRRR!

 Napatingin ako kay Kyle, namilog ang mata ko ng makita kong nakatingin siya Kay Lara at ang pula-pula ng pisngi niya!

"iiiih!!! ang lambot ng kamay niya!" kinikilig na saad ni Lara ng makaupo siya sa tabi ko. Pinandilatan ko siya saka ko siya binatukan.

 "Landi mo!" bulong ko sa kanya. Hinimas-himas naman niya yung ulo niya habang naka pout

"Bakit ba?!! ganun talaga kapag lavidabs mo yung isang tao! Para-paraan lang 'yan! Hihi!" aniya saka siya sumulyap kay Kyle. Napailing nalang ulit ako.

 May tatlo pang natawag para mag perform, pero hindi pa din ako natatawag.

Palabas ng Gym, nagkasabay-sabay kaming lima. Ako,si Lara,si Paolo,si Kyle at si Nerd.

"Galing mo kanina ah" ani Paolo kay Lara, ngumiti naman ng parang loka-loka ang bespren ko.

"By the way,Allaine. Kaylan tayo mag-uumpisa?" baling niya sa'kin.

"Diba sinabi ko na nga? Kapag Free ako or kapag trip ko lang saka kita tuturuan. Wag mo na ako tanungin kung kaylan at baka mag bago pa isip ko" sagot ko saka ko siya inisnaban at nauna ng maglakad.

 Ayoko ng malapit sa kanila, masyado na kasing nagwawala ang puso ko. Baka hindi ko na mapigilan at bigla ko nalang maisigaw sa harap nila kung anong nararamdaman ng pasaway kong puso!

 Grrrrr!!! Dapat kasi hindi ko na sila nakilala! dapat hindi ko na siya nakilala!!

Napatigil ako sa paglalakad ng may maapakan ako..Dinampot ko ito at tinignan.. Parang familiar..

"Ah! Tama! Kay Lara 'to!" sabi ko sa sarili ko saka ako lumingon sa kanila, hinintay ko nalang na makalapit sila bago ko binigay kay Lara yung Keychain niyang Kerro-kerropi.

"Hala! Kanina ko pa hinahanap 'to! Huhu! buti nalang nakita mo pa!" aniya habang hinahalik-halikan yung weird na Palaka. Paborito niya kasi yun eh, si Kerroppi.

"Pasalamat ka nga at hindi ko naitapon" sabi ko. Tumingin naman siya sa'kin

"Salamat ah? Bait mo talaga Bespren" sarkastik na saad niya. Inisnaban ko nalang siya.

"T-teka! teka!" napatingin kami kay Paolo, problema na naman nito? Nakatingin siya sa hawak ni Lara na Kerroppi keychain habang nakaturo.

"si kerroppi 'yan diba?" tanong niya, nag katinginan kami ni Lara at sabay na nag kibit balikat at tumingin kay Paolo

"Oo" sagot ni Lara saka niya binulsa yung Kerroppi niya. Natahimik naman si Paolo tapos sumulyap siya kay Kyle na nakatingin lang sa malayo habang nakapamulsa. Maya-maya, ngumiti ng nakakaloko si Paolo.

"I see..." aniya habang tumatango-tango tapos nauna ng mag lakad ng pasipol-sipol pa. Sumunod naman agad sa kanya ang naiwan pang minions..

"Problema nun?" takang tanong ni Lara.

"Nahawa na sa kabaliwan mo!" sarkastik na sagot ko saka ako nag patuloy sa paglalakad.

 Haaaaaaayy People! Ano ba nangyayari sa paligid ko? Bumaliktad na ba ang mundo?

Nameet ko si nerd at ang Minions niya, tapos baliw na baliw ang Bespren ko sa mga Minions. Ako lang yata ang Hater ng Minions eh at ang Masaklap! Trinaydor ako ng Puso ko!!!

 Grrrr! sarap nilang pag buhol-buholin!!

That Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon