14

7.2K 187 1
                                    

-

 Chapter 14

           "For sure matatawag kana ngayon" kanina pa paulit-ulit si Lara, ako naman ay pinapanood lang yung kaklase naming sumasayaw. Ang pangit pala tignan kapag mag-isa ka lang sumasayaw nuh? Para ka lang baliw na nagkakalat.

 Matapos mag sayaw nung kaklase namin, nag palakpakan pa sila. Miyerkules na ngayon at hindi pa din ako natatawag. Tinatamad na tuloy ako.

"Kyle Angelo Jung" tawag ni Sir.Leron sa susunod na mag pe-Perform. Halos magulo naman ang buhok ko sa pag-alog na ginagawa sa'kin ni Lara dito sa tabi ko!

"Ohmygod! Ohmygod!Ohmygoooooooood! si Kyle na! Kyaaaaaaaaahhh!" tili ni Lara habang inaalog ako.

"Ano ba! Para kang sira-ulo diyan!" iritang sabi ko sa kanya saka ko tinanggal yung mahigpit niyang pagkakahawak sa Braso ko. Hindi niya ako pinansin at tanging kay Kyle lang nakatuon ang paningin niya. Tumingin na din ako sa Stage. Hawak na ni Kyle yung Mic. Kakanta pala siya.

"Ahh.." mukhang nahihiya pa siya, narinig din sa Mic.ang pag hinga niya ng malalim saka niya inumpisahang kumanta ng naka pikit.

"..Lift your head, baby don't be scared, of the things that could go wrong along the way..You'll get by with a smile..."

 Napalunok ako sa ganda ng Boses niya!! Tapos ang lakas-lakas ng dating niya!

"..Baby, you don't have to worry 'Coz there ain't no need to hurry No one ever said that there's an easy way When they're closing all their doors And they don't want you anymore This sounds funny but I'll say it anyway....."

 Hindi lang yata ako ang napapanganga sa boses niya eh! Pati yata mga lalaki dito ay humahanga sa ganda ng boses niya! Kakaiba! yung  talagang madadala ka sa emosyong pinapakita niya sa pag kanta niya..

"..In a world where everybody Hates a happy ending story It's a wonder love can make the world go round But don't let it bring you down And turn your face into a frown You'll get along with a little prayer and a song..."

Bigla siyang dumilat at deretsong tumingin sa pwesto namin..Hindi ko alam kung sino ang tinitignan niya pero napatingin ako kay Lara. Deretso lang din siyang nakatingin kay Kyle..

 Madami na din ang napapa tingin sa gawi ni Lara...

Hmm..parang may naaamoy akong secret dito ah..

"..Lift your head, baby, don't be scared Of the things that could go wrong along the way You'll get by with a smile Now it's time to kiss away those tears goodbye..."

 Nang matapos kumanta si Kyle, nakapamulsa lang siyang bumalik sa kinauupuan niya ng may ngiti sa labi.. May kakaiba talaga eh!!

"Nakita mo yun?" nakarinig ako ng chismisan sa harapan ko kaya medyo lumapit ako para marinig ko..

"Oo Gurl! Kitang-kita ng maganda kong mata!" nagbuhat pa ng sariling bangko -_-

"Kay Lara siya nakatingin!" sabi pa nung isa

"Oo nga! Hindi kaya..." lumapit pa ako ng konti, humihina ang boses nila eh!

"Si Lara mahilig sa color Green" sabi nung isa.. Tama, paboritong kulay ni Lara yung Green dahil daw yun ang kulay ng Nature.

"Si Lara makulit at palangiti" tama,tama! Bespren ko 'yang pinag-uusapan niyo!

"Si Lara, kahit makulit at mataray. Mabait pa din" tama ulit!

"Si Lara paborito si Kerro-kerropi!!" tama ulit! Sabay-sabay pa silang nag singhapan..

That Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon