23

6.5K 164 1
                                    

-

 Chapter 23

  Kanina pa ako palakad-lakad sa harap ni Aichee habang siya ay prenteng naka-upo lang. Muli ko siyang tinignan saka ako tumigil sa paglalakad.

"Seryoso?!" muling tanong ko. Napakamot naman siya sa ulo niya saka niya ako hinila paupo sa tabi niya.

"Kulit mo" aniya saka siya humarap sa'kin. "Yes, I'm serious"

"Weh?" saad ko at muli niya akong pinitik sa noo.

"Tutulungan mo ba kami o tutulungan?" tanong niya. Napa ngisi ako

"Ganda ng Choices mo ah!" sarkastikong saad ko. "Teka muna kasi! Bespren ko na ang pinag-uusapan natin dito! " alalang tanong ko. Bigla niya naman akong inakbayan, pasimple tuloy akong napangiti. Hihi! Ay,Landi!

"Akong bahala sa'yo. Basta, tulungan mo lang kami" aniya. Napakalapit ng mukha niya sa mukha ko kaya hindi ako makapag salita,kakakain lang kasi namin ng Kwek-kwek.

Inalis ko yung braso niyang nakaakbay sa'kin saka ako tumayo at pinag pagan ang P.E uniform ko.

"Okay! Basta ikaw bahala sa'kin ha?" sabi ko. Napangiti naman siya at tumayo na din. Muli na naman niya akong inakbayan sabay gulo ng buhok ko.

"Opo.Ako bahala sa'yo" bulong niya saka siya naglakad. Dahil nga nakaakbay siya sa'kin ay nadala niya ako sa paglalakad niya pabalik sa GYM.

"Kaylan niyo pa ba plinano 'yun?" takang tanong ko habang naglalakad kami

"Last week. Si Kyle ang nag plano. Tutulungan lang namin" sagot niya. Napatango nalang ako. Haaay, buti pa ang bespren ko ay magkaka-lovelife na.

 Natigil sa Pag tsi-sismisan ang mga nasa Gym ng Nakaakbay pa din si Aichee sa'kin ng pumasok kami sa Gym, Halos lahat ng Mata ay sa'min nakatuon. Maging ang Pagsubo ni Lara sa kinakain niya ay na-Stock sa ere habang nakatingin siya sa'min.

 Narinig ko ang tikhim ni Aichee saka niya dahan-dahang inalis ang Pagkaka-akbay sa'kin. Napa Pout ako, bakit niya inalis? Kainis naman oh!

 Bigla siyang tumingin sa'kin sabay kindat..

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti.. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko dahil pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko sa ginawa niyang pagkindat.

 Naman oh! Wala na bang mas su-swet pa dun?! Haha!

 Buong oras ng P.E ay hindi ako makapag Concentrate, bukod kasi sa katabi ko na nga si Aichee, panay pa ang pangungulit sa'kin ni Lara. Kanina pa siya kalabit ng Kalabit at tanong ng tanong. Kulang nalang ay hampasin ko ang kamay niya sa sobrang kakulitan niya.

"Kwento na kasi.." bulong niya. Muli akong napatingin sa kanya at inambaan kong babatukan siya ng bigla niyang iharang ang braso niya. "Ohh. Chill!" aniya sabay ngiti sa katabi niya at bumulong pa na. "Sungit no?" habang nakaturo sa'kin.

 Napailing nalang ako sa kalakohan ng Babaeng ito ngunit bahagya akong napanguso ng maalala ko ang napag kasunduan namin ni Aichee kanina.

 Buong Maghapon ay 'yun ang iniisip ko. Hindi naman siguro siya magagalit 'no? Para din naman sa kanya 'yung gagawin ko,eh. Para na din magkaayos sila ni Kyle at magkamabutihan. Bahala na nga!

Kaya naman kinabukasan ay dumeretso ako kung nasaan si Aichee,Paolo,Kyle,Spencer at Sky. Oo! Kasama sa kalokohan ang dalawang makulit.

"Hey.." bati ko kay Aichee ng makaupo ako sa tabi niya. Hinawi ko ang buhok ko pakanan saka ko bahagyang hinipan ang side bangs ko.

"So.." natuon ang pansin namin ng magsalita si Kyle. Panguso-nguso pa siya na tila nag-iisip ng tamang gawin.

 Nakatitig lang kami sa kanya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.. Lumipas ang tatlong minuto na hindi pa din siya nag sasalita kaya naman nag tanong na ako.

That Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon