-
Chapter 9
Nakaupo lang ako dito sa harap ng Table ni Sir.Leron, Monday na ngayon at mamaya na yung Start ng Performance chuchu na yun. Muli akong bumuntong hininga,Ang tagal naman ni Sir? Malapit na matapos yung Breaktime! Tss! Kasi naman eh! Bakit kaylangan pa na kasabay namin yung 4-A? Pwede naman yung 4-C,4-D o kaya yung 4-E! Bakit dun pa sa Section kung saan kabilang ang Tatlong Minions na pinagmulan ng Crazy Fans?!
Napatayo ako ng makita ko si Sir.Leron na papasok na sa Faculty, sinulyapan niya lang ako saka siya dumeretso paupo kaya umupo na din ako.
"Sir." panimula ko. Sumandal siya sa upuan niya saka niya pinag saklob ang Kamay niya.
"What is it Ms.Vesconde?" tanong niya. Tinukod ko yung dalawa kong siko sa Desk niya saka ako humarap sa kanya
"Eh Sir.Leron..Sing & Dance po kasi yung nabunot ko." hindi siya sumagot at tumingin lang sa'kin na parang sinasabi na ituloy ko. Umayos ako ng upo "Eh kasi Sir. Pwede po ba na kanta nalang yung gawin ko?" kasi naman! Ayoko nga sumayaw sa harap nung tatlong Minions! Lalong-lalo na sa Nerd na 'yun! Baka mawala ako sa konsentrasyon.Tsaka, bakit ba kasi nakipag palit pa ako kay Lara? Malay ko ba naman na kasabay pala namin yung 4-A! Tumikhim si Sir saka siya dumantay sa Desk niya.
"Minus sa Grade mo 'yun, Ms.Vesconde" saad niya. Bawas sa Grade?! No Way! As in NO-WAY!
"Sir naman!" protesta ko. Aish! Sumandal muna ako habang nag-iisip ng ibang dahilan. Ah! Muli akong tumukod sa Desk ni Sir. "Gagamit nalang po ako ng Instrument,Sir.? Ok na po ba 'yun?" nakangiting tanong ko. Papayag 'yan!
Tinignan muna ako ni Sir saka niya tinaas yung kilay niya. Naks! Gumaganun si Sir. Bumuntong hininga siya na tila sinasabing Ok,suko na siya. Hihi!
"Ok Ms.Vesconde." yun lang atsaka ulit siya tumayo at lumabas. Aba't! Bastusan?! Pero Ayos lang, atleast diba? Hindi na ako sasayaw! Di pa naman ako sure kung ako ang unang mabubunot mamaya. Tsaka! Ayoko nga sumayaw sa harap nila na naka Skirt! Ang iksi pa naman nitong Skirt namin sa School na 'to!
Nang mag bell na ay bumalik na ako sa Room. Panatag na ako na hindi ako mapapahiya mamaya or bukas or kung kelan man ako mabunot. Kasi marunong naman ako mag Piano at Gitara!
Nakinig lang ako sa Sermon ng mga Teacher ko. Yung mga kaklase ko kasi! Ang iingay! Dito pa naman, Naniniwala sila na 'Ang kasalanan ng isa ay kasalanan ng lahat!' tsk!
Lunchtime, hindi na kami nag-abala ni Lara na bumaba pa sa Cafeteria kasi May baon naman siya at Share daw kami. Siyempre, Masama at bawal tanggihan ang Grasya. Kaso, hindi naman ako makakain ng ayos kasi ang ingay nitong katabi ko! May hawak siyang isang pirasong papel tapos pakumpas-kumpas pa yung isa niyang kamay habang kinakabisado niya yung kakantahin niya daw.
"..oh chinitoooo~" uminom muna ako ng Baon niyang Juice saka ko inagaw yung Hawak niyang Papel. "Yah! Nagpa-Practice kaya ako!" aniya habang inaagaw sa'kin yung Papel. Tinabi ko naman yung papel saka ako humarap sa kanya
"Oh chinito kapa diyan! Pwede ba, kumain ka muna! Tsaka. Ano ba naman 'yang kakantahin mo! Chinito?!!" sabi ko saka ko siya inisnaban at pinag patuloy ang pag kain. Pinag saklob naman niya yung kamay niya saka siya humagikhik na parang baliw
"Ano kaba Bespren! Chinito, kanta ko 'yan para kay Aichee, Pwede din kay Kyle, o kaya kay Paolo. Hindi mo ba pansin? Mga chinito sila! iiiiihhh.." kinikilig na sabi niya. Napailing nalang ako.
"Mabubusog ka ba niyang Chinito na 'yan?" saad ko. Sumandal na ako ng matapos ako kumain.
"Duhhh~! titigan mo pa lang sila,mabubusog kana eh!Hihi!" aniya saka siya kumain. Baliw talaga! Tsaka, ano daw?! Mabubusog kapag tinitigan?! biglang pumasok sa isip ko yung mga mukha nung tatlong Minions, tapos yung tingin ko bumaba sa dibdib nila, hanggang sa katawan.. hanggang sa..Napalunok ako.. erase! erase! dinedemonyo lang ni Lara 'yang utak mo Allaine!
BINABASA MO ANG
That Nerd (Completed)
Teen Fiction* I Don't believe in Fairytales,BUT i do believe in Happy Endings. - Allaine Vesconde © 2014