DairyQUEENIE: #184 in Teen Fiction ♥ =)) Thank You!
-
Chapter 42
Tahimik kong inilalagay sa isang maliit na kahon lahat ng binigay niya sa’kin, lahat ng ‘cute stuff’ na binili niya at Lahat ng bagay na nakakaalala sa’kin tungkol sa kanya.
‘Yung Couple shirt
‘yung Necklace
‘yung wristwatch
‘yung keychain
.pati na din ‘yung mga binili namin sa tagaytay.
Dahan-dahan kong inaalis sa daliri ko ‘yung singsing..Unti-unting bumabalik sa ala-ala ko lahat habang tinatanggal koi to..Lahat ng sinabi niya na nakapag pakilig sa’kin, ‘bawat iloveyou’ niya, mga matatamis na salita na nagmula mismo sa bibig niya…At ang mga Pangako..Pangako na siya mismo ang nag pako.
…<> “This is a Promise ring”
“Our Promise Ring.”
“I love you, Allaine. Honestly, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, hindi ko ito naramdaman kay Alice. Minahal ko siya,Yes. Pero mas Minamahal kita ngayon. Nahigitan mo ang Pag mamahal na naibigay ko kay Alice dati.”
“I didn’t expect that we’ll end up as in a relationship when in fact, we’re enemies back then.”
“But I guess, Faith brought us together and Destiny find a way for us to be together.”
“And now,naniniwala na ako sa sinasabi nilang ‘The more you hate,The more you love.’”
“You’re all that matters to me,Baby. I don’t want you to get hurt just because of my Past. I don’t want seeing you crying just because of You being jealous of Alice”
“Remember this,Baby. She’s just my Past and YOU ARE now my PRESENT and someday YOU WILL be MY FUTURE.MY FOREVER”…<>
Agad kong sinara ang kahon saka ko bahagyang pinunasan ang luha ko.
It’s been a week. Masyadong masakit para sa’kin ‘yung ginawa niya, lalo na’t inamin niya ang totoo, na minahal niya lang talaga ako dahil kamukha ko si Alice. Alam ko,ako mismo ang nagtanong. Pero hindi ko naman akalain na mas masakit pa pala talaga malaman ang totoo.
“Ate?” mahinang tawag ni Sky, napasulyap ako sa kanya, bahagya siyang nakasilip sa pinto ng kwarto ko. Muli kong pinunasan ang luhang kumawala sa mata ko saka ko siya nginitian.
“Come in..” tumayo ako saka ko inayos ang sarili ko, kakagat-kagat siya ng labi habang nakatingin sa’kin. Naka-uniform na siya at handa na sa pagpasok.
“H-hindi ka pa d-din ba papasok,Ate?” may pag-aalalang tanong niya. Napabuntong hininga ako, mula nung mangyari ‘yun, hindi pa ako pumapasok. Pinatay ko din ang Cellphone ko at hindi ako tumatanggap ng bisita.
Kapag pumasok kasi ako, alam ko na makikita ko siya. Hindi Malabo ‘yun lalo na’t magkatabi lang ang room namin, at kapag nakita ko siya, baka hindi ko na naman mapigilan ang nararamdaman ko, baka hindi ko na naman mapigilan ang emosyon ko. At ayoko ng Makita niya akong umiiyak ng dahil sa kanya.
Muli akong bumuntong hininga saka ko kinuha ‘yung maliit na kahon sa ibabaw ng kama ko, inabot ko ‘yun kay Sky.
“Papasok na ‘ko. M-mauna ka na.” nakangiting saad ko. “P-paki abot kay A-aichee.” Nakatungong saad ko habang binibigay ko sa kanya ‘yung kahon. Agad namang kinuha ni Sky ‘yun.
BINABASA MO ANG
That Nerd (Completed)
Teen Fiction* I Don't believe in Fairytales,BUT i do believe in Happy Endings. - Allaine Vesconde © 2014