25

6.5K 178 8
                                    

-

 Chapter 25

  This is it! This is really it! Oh my God!!!

Hindi na ako mapakali, Tatayo ako tapos uupo. Tatayo tapos uupo! God! ganito pala pakiramdam ng kinakabahan na excited? di ko maipaliwanag.

"Ate, nakakahilo 'yang ginagawa mo ha! Umupo ka nga muna!" naiiritang sambit ni Sky. Umupo ako sa tabi niya.

"Teka, kamusta nga pala party niyo kahapon?" tanong ko. Napatingin ako sa wrist watch ko. 6pm na pero wala pa din si Aichee, bakit kaya?

"Ayun, masaya naman." saad niya habang nilalagya ng kung ano 'yung kuko niya sa kamay. "But i'm sure, mas Masaya 'yung sa inyo. Kasama niyo ba naman 'yung tatlong pinaka Popular na lalaki sa School." dugtong niya. Hmm, sana nga maging masaya ang Christmas party.

 Muli akong napatingin sa wrist watch ko.. Argh! What took him so long?

halos mapatalon ako ng mag vibrate 'yung hawak kong Cellphone. Well. i wish it's him who texted para hindi na ako nag-aalala. But i'm wrong.

Lara

 Where the heck are you?!!

Napasandal ako sa inuupuan kong sofa. Argh!! Malalagot ka talaga sa'kin Aichee Park!

Muling nag vibrate 'yung Cellphone ko at agad ko namang binasa 'yung nagtext. Napaayos ako ng upo ng makita kong galing ito kay Aichee..

Aichee Park

 Allaine, I'm sorry. Uhm, can you go to the party by youreself? I'm sorry, i can't fetch you.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng mabasa ko 'yung text.. I hate you Aichee!

Padabog akong tumayo saka ko inayos 'yung sarili ko. Ok, then. Pupunta ako mag-isa!

"Aalisa ka na ate? Hindi mo na hihintayin si Kuya Aichee?" takang tanong ni Sky, napairap ako sa kawalan. Wala naman akong hihintayin!

"Nandon na siya eh." sagot ko saka ako nag lakad na palabas. Hindi ko na hinintay pa na makasagot siya at malamang eh marami na namang itatanong 'yun.

 Nagpahatid nalang ako sa driver namin. Grrrrr! Kung alam ko lang na iindianin mo ako, sana kay Paolo nalang ako nag pasundo!

 Kainis, sira na mood ko! Kaylangan ko mag-isip ng masasayang pangyayari para mawala ang pagkabadtrip ko.

 Ah! Naalala ko na naman si Kyle at Lara. After kasi nung kilig moment nila, Hindi na sila mapaghiwalay na dalawa, As in!! Nanliligaw pa lang si Kyle pero kung umasta silang dalawa eh parang sila na. Haha! Para silang laging naka glue, hindi mapag hiwalay.

 Nabalik ako sa kabihasnan ng tumigil ang sasakyan. Agad akong bumaba at dumeretso sa GYM. Mula dito, naririnig ko na 'yung malakas na tugtog ah. KAINIS! na late pa tuloy ako!

Pag tapak na pagtapak ko palang sa Entrance ng GYM, agad ng may nagtakip sa mata ko gamit ang panyo. OhMyGod!!

"Hey! What are you doing?!!" iritang tanong ko. May humawak sa magkabilang kamay ko. Nakarinig ako ng Hiyawan at palakpakan. Pinahakbang din nila ako ng ilang beses. OhMy!!! Nasa Stage ba ako?!!!

"Is this a prank?!! Oh please, count me out! i'm not in the mood!!" inis na sigaw ko.

"Sorry, ikaw kasi ang napili sa section niyo. 'wag ka mag-alala, Lima kayo dito. May itatanong lang kami sa inyo tapos kung sino 'yung mapipili niya. Mag sasayaw kayo sa gitna ng Dancefloor. iiiiih! Swerte niyo!! So, good luck!" sabi ng babae at narinig ko siyang tumili ng tumili. Crazy!

That Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon