-
Chapter 5
Sa dalawang buwan na nagdaan, Madami ang nangyari, madami ang nagbago. May nawala..Joke!
Masyado naman kasi nakakaboring ang Unang dalawang buwan ng Pasukan. Ganito ba talaga kapag Graduating? Sa huli mo pa mararanasan ang hirap. Bakit hindi nalang nila biglain para hindi na kami mahirapan pa sa huli?
Gustong-gusto talaga nila na Mahirapan ang mga Estudyante eh nuh? Psh!
"Ayan na silaaa!" kinikilig na saad ni Lara. Napailing nalang ako, sino pa ba sinasabi niyan? Edi yung loveofherlife daw niya. Tsk
"Pwede ba? Dalian mo na ang pagkain mo at baka ma-late tayo!" sabi ko. Lunch break kasi namin ngayon at kanina pa kami dito pero wala pa yatang nabawas sa pagkain niya. Nakanguso siyang tumingin sa'kin
"KJ mo talaga nuh? Tss!" Aniya saka ako inirapan. Pinandilatan ko nalang siya.
"Ano nga pala section nung mga Yun?" tanong ko. Kasi naman! Hindi ko alam section nila,
"Yiiiieh! interesado..May Crush ka sa isa sa kanila noh?" mapang-asar na sagot ni Lara. Tinapat ko sa kanya yung hawak kong tinidor
"Masama ba magtanong? Yang utak mo talaga napaka Malisya!" langyang 'to! Nagtanong lang gusto agad? Tsk! never! as in NEVER!
"Suuuus! If i know tumitibok na yang puso mo sa isa sa kanila. Yihie!" pang-asar na naman niya. Umayos siya ng upo saka humilig sa lamesa. Pinagsaklob niya pa yung kamay niya. "Section 4-A sila,Matalinong Gwapo kasi sila. Eh tayo,Section 4-B kasi Matalinong Maganda tayo. Hihi!" napapailing nalang ako sa kalokohan ng babaeng ito!
Sa School kasi na ito, hinahati ang bawat Section,Pilot Section ang 4-A and 4-B, medyo lamang lang ng 10points ang 4-A. Tapos yung sumunod na section sa'min, yun yung tinatawag nilang Regular Section.4-C,4-D and 4-E. Sa bawat Section ay naglalaman ng 30 students lang.Ganun din sa ibang Year tulad ng Freshmen,Sophomore at Junior.
Pinunasan ko yung Bibig ko ng tissue saka ako tumayo at kinuha ang Bag ko.
"Let's go. 5minutes nalang time na" sabi ko kay Lara. Dali-dali naman siyang tumayo at sumunod sa'kin. At kung Minamalas ka nga naman, Madadaanan pa namin ang mga Minions.
"Hi." malanding saad ni Lara ng malapit na kami sa pwesto nila. Deretso tingin lang ako sa daan at baka pag tumingin ako sa kanila ay mawala na naman ako sa Mood
"Hi,Allaine!" narinig kong sabi nung Jerk. Hindi ko nalang pinansin at nagtuloy na ako palabas. Feeling Close siya!
"Oh my god Bespren! nag Hi sa'yo si Paolo pero inisnab mo!" pagtataray ni Lara.
"Sino ba kaibigan mo? Ako o siya?" taas kilay na tanong ko ng huminto ako para harapin siya
"Siyempre ikaw! Pero ang Gwapo niya kasi! Kyaaah!" pagkasabi niya nun ay tumakbo na siya Papasok sa Room. Umisnab nalang ako sa kawalan saka ako sumunod sa kanya.
Tss.. Lara Abaca Crazy fan Girl of those Three Minionsss.
Nilalaro ko lang yung Ballpen ko habang pinapanuod yung kaklase kong Babae habang nag so-Solve sa Board. Daldal kasi ng Daldal! Ayan! Nahuli tuloy at pinag solve pa. 'Yan ang mga napapala ng Madadaldal sa klase! Buti nalang ako ay natutulog lang sa klase, Atleast tahimik at hindi maingay. Diba?
"Wrong! Puro kasi daldal ang inuuna kaya ayan! walang masagot! ilang beses ko na ba tinuro yan?!! SIT DOWN!!" nakatungong naglakad pabalik sa kanyang upuan ang kawawa kong kaklase. Gamit ang Meter Stick ay biglang hinampas ni Mrs.Koy ang kawawang White Board. Napaayos tuloy ako ng upo ng wala sa oras. "GET ONE WHOLE SHEET OF PAPER AND SOLVE THIS!" sigaw ni Mrs.Koy, napairap ako. Ayan! Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat! Tsk!
BINABASA MO ANG
That Nerd (Completed)
Novela Juvenil* I Don't believe in Fairytales,BUT i do believe in Happy Endings. - Allaine Vesconde © 2014