11

7.6K 208 34
                                    

-

 Chapter 11

  Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang nararamdaman ko. Paano nangyari na makaramdam ako ng kakaiba sa taong pinaka iinisan ko?! Ayoko! Ayoko talaga nito!

"Allaine, ano pala kakantahin mo?" tanong ni Lara habang hawak niya ang Cellphone niya. Huminga ako ng malalim

"Hindi ko pa alam." sagot ko. Tumingin siya sa'kin pero agad niya din naman binalik ang tingin niya sa Cellphone niya.

"Hindi mo pa alam?" taas kilay na tanong niya. "Yung Royals kaya? Pwede mo siya kantahin tapos sabayan mo ng konting Step" aniya. Hindi niya pa nga pala alam na Mag gigitara nalang ako habang kumakanta

"No need. Mag gi-Gitara nalang ako" saad ko. Napatingin ulit siya sa'kin. Tinago niya na yung Cellphone niya sa bulsa ng Coat ng Uniform niya saka siya Humarap sa'kin

"Pero diba nag palit tayo? Ang nabunot ko ay Sing & Dance. How come na mag Gi-gitara ka?" tanong niya. Sumandal ako sa upuan ko.

"Kinausap ko na si Sir.Leron, pumayag naman siya eh" sabi ko. Dinampot ko yung Ballpen ko sa Desk ko saka ko ito inikot-ikot gamit ang daliri ko.

 Nakakainis! Hindi ko talaga matanggap! Paano ba iwasan ito? Ayoko nito! Ayoko talaga!

"Anong kakantahin mo?" muling tanong ni Lara. Nag kibit balikat ako

"Hindi ko pa nga alam eh. Bahala na" sabi ko

"Eh paano kung Mamaya, Pangalan mo na ang mabunot?" taas kilay na tanong niya. Sinulyapan ko lang siya saka muling tumingin sa harap.

"Hindi 'yan. Tsaka, kung sakaling mabunot ako. Edi kakantahin ko nalang kung ano yung alam kong Gitarahin." saad ko. Hindi naman na siya sumagot. Tumayo na siya at bumalik sa upuan niya ng dumating na si Ma'am Asur. Yung Terror Teacher namin na First time ma-late.

 Napabuntong hininga nalang ako ng may maalala ako. Mrs.Asur, first subject, Late..Damnit! Siya ang naaalala ko! No! This can't be..Hindi ko matatanggap sa sarili ko itong lintik na nararamdaman ng puso ko.

 Parang gusto ko umiyak, Bakit kasi ganito? Ganito ba talaga? Biglaan?  Bigla mo nalang mararamdaman yung ganito? Ayoko banggitin kung ano talaga itong nararamdaman ko kasi talagang naiinis ako!

Breaktime, nagtext si Sky at pinapapunta ako sa Canteen.

"Sama ka?" tanong ko kay Lara habang inaayos ko yung gamit ko. Tumingin siya sa'kin

"Saan?" takang tanong niya. Sinukbit ko na yung bag ko saka ako humarap sa kanya.

"Canteen, Libre daw ni Sky at Spencer" saad ko saka nauna ng lumabas, agad naman siyang sumunod.

"Sky and Spencer..Oh Myyyy.." nagtakip pa siya sa bibig niya. O.A nito! "The 'S' lovers" natatawang saad niya.

"Hindi pa sila Lovers" pagko-Correct ko sa kanya.

"Psh! Dun din hahantong 'yun!" aniya, hindi nalang ako sumagot saka kami nag patuloy sa paglalakad.

 Pag dating sa Canteen, madami na ang Estudyante. Nasa pinaka dulo at sulok pa si Spencer at Sky. Nakaramdam ako ng kabog ng dibdib ng makita ko si Nerd na tahimik na nakaupo katabi ng pinsan niyang si Spencer. Sa kabilang side naman ay si Kyle at Paolo na nakikipag tawanan kay Sky.

"OHMYGOD! Makakasabay natin sila? Kyaaaah!" tili ni Lara saka siya nauna nang maglakad palapit kila Sky. Napa buntong hininga nalang ako. Ano ba binabalak ng S lovers na ito? Okay, makiki-S lovers na din ako tutal dun din naman patungo 'yung panliligaw ni Spencer kay Sky.

That Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon