35

5.9K 141 0
                                    

SPG: Lengwahe. (wala namang BS dito o kung ano. Para lang sa mga ayaw ng may ganitong usapan :p hehe)

-

 Chapter 35

  Sabay-sabay kaming naglalakad papunta sa kanya-kanya naming Room. Monday na naman at ngayon ang Exam namin.

“Ba-bye, mga Kuya at Ate!” paalam ni Sky. Kinawayan lang namin sila bago sila lumiko papunta sa building ng Junior.

“Good luck.” Napalingon ako kay Aichee, nasa tapat na kami ng Room naming ni Lara. Nginitian ko siya saka kinurot ang pisngi niya.

“Good luck din.” Ngiting saad ko. Kinawayan ko lang siya bago ako pumasok sa Room namin. Agad kong nilabas ang Notes at Books ko. Mag re-review ulit ako para sure.

 Ilang sandali pa ay inayos na ang uupuan namin.One seat apart, sa unahan ako napaupo ni Ma’am samantalang si Lara sa bandang likod. Ipinasa na ‘yung test paper. Agad kong inumpisahan ang pagsasagot. Nakakaganang sumagot lalo na kapag alam mo ‘yung isasagot. Bonus na ‘yung may inspirasyon ka. Haha.

 Lumipas ang tatlong oras, binigyan muna kami ng 30 minutes break, hindi na kami lumabas ni Lara kasi nagbaon naman ako ng Sandwich para sa’ming dalawa. Nakatuon lang kami sa pagre-review ulit habang kumakain.

Nang muling dumating si Ma’am, bumalik na si Lara sa upuan niya. Muling nag-umpisa ang Last batch ng exam. Eto na ‘yung mga Major subject namin. Pinakanahirapan ako sa Math. ‘yung iba kasing tanong dun ay hindi naman naituro sa’min. Buti nalang may alam ako kahit papa’no dahil na review ko ‘yun. Mahirap nga lang lalo na’t wala namang explanation mula sa Teacher namin.

“Hands up! Fisnish or not finish, pass your papers!” ma-awtoridad na saad ni Ma’am. Buti nalang bago mag bell ay natapos ko ang Test. Haaaay! Nakaraos din!

 Agad akong tumayo at nag-unat ng makalabas si Ma’am. Puro tanungan ng ‘ano sinagot mo sa number ganito? Anong sagot mo sa number ganyan?’ napailing nalang ako saka ko inayos ‘yung gamit ko.

“Hay! Natapos din!” ani Lara ng makalapit siya sa’kin.Nginitian ko siya at sabay na kaming lumabas. 3pm na din at talaga namang nakakapagod ang araw na ito kahit na nakaupo lang naman kami.

“Kamusta?” bungad na tanong ko kay Aichee ng makalabas sila sa Room nila. Agad namang nilapitan ni Kyle si Lara habang si Paolo ay nagpaalam na mauuna na. This past few days, palaging nagmamadali si Paolo. Tingin ko nga ay may pinopormahan na ‘yun.

“Ok naman.” Aniya saka niya ako hinalikan sa tuktok ng ulo ko. “Ikaw?” balik tanong niya. Nag-umpisa na kaming maglakad habang nakaakbay siya sa’kin.

“Siyempre,Ok din!” masiglang sabi ko. Mahina naman siyang natawa saka hinigpitan ang pagkakaakbay sa’kin. Nakasunod lang kami kay Lara at Kyle. Nagtext na din sa’kin si Sky kanina, ‘Wag ko na daw siya hintayin at may Date sila ni Spencer. ‘Yung batang ‘yun talaga!

“Aichee! Wait!” napatigil kami sa paglalakad at sabay pa kaming lumingon. Mahinhing tumatakbo palapit sa’min si Frances.Napataas nalang ako ng kilay ko. Ano na naman kaya kaylangan nito?

Hinihingal siyang tumigil sa harap namin. Deretso lang siyang nakatingin kay Aichee habang may nakapaskil na nakakabuwisit na ngiti sa labi niya.

“Ang Bitch mo!” narinig kong singhal ni Lara sa tabi ko. Taas kilay siyang nilingon ni Frances.

“Are you saying something,weirdo?” ngising tanong niya. Namilog naman ang mata ni Lara at hinarap si Frances.

“What did you call me?!” inis na sigaw niya. Nag cross arm lang si Frances saka muling ngumiti at bumaling kay Aichee.

That Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon