28

7.1K 171 7
                                    

-

 Chapter 28

   Naglalakad na kami pababa sa Rooftop ng magkahawak kamay. Napakagat ako sa labi ko ng maalala ko ang kiss. Not once, but twice! Tapos…Tapos.. Napatingin ako kay Aichee. ‘yung Gwapong ‘to Mahal din pala ako. Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko.. Pakiramdam ko namumula na naman ang buong mukha ko.

“Busy ang mga Teacher ngayon.” Muli akong napatingin kay Aichee. Deretso tingin lang siya sa dinaraanan namin habang ‘yung isa niyang kamay ay nakahawak sa kamay ko at ‘yung isa ay nasa bulsa ng Pants niya.

“H-ha?” para na akong tanga. Wala kasi ako ibang masabi eh! Huhu! Hanggang ngayon kapag tumitingin ako sa kanya, naalala ko pa din ‘yung kiss at ‘yung I love you too niya. Iiiiih! Kinikilig ako!

 Muli akong napakagat sa ibabang labi ko para pigilan ang pag hagikgik sa naiisip ko. Sumulyap sa’kin si Aichee saka ngumiti.

“Your smiling.” Aniya ng nakangiti din. “What are you thinking,Lady?” mapang-asar na tanong niya. Bahagya ko siyang sinapak sa braso. Uuuuuy! Chansing!

“Y-y-you’re smiling too!” pautal-utal na saad ko. Kita ko ang pagkagat niya sa ibabang labi niya saka muling sumulyap sa’kin.

“Your lips is sweet.” Nakangiti na namang saad niya. “..and soft..” dugtong niya. Tama na please!  Pwede time-out muna sa pakilig? Pakiramdam ko sasabog na ‘ko dito sa sobrang kakiligan! Ay!

 Napatigil ako ng tumigil siya at humarap sa’kin. Bahagya siyang yumuko at….at.. muling dinampian ng labi niya ang labi ko!! Napalingon-lingon ako.. Masyadong PDA ang Nerd na ‘to!

“and it tastes like strawberry..” aniya saka ako kinindatan at muling hinawakan ang kamay ko. Muli na naman akong napakagat sa labi ko. Argh!!

Lord! Thankyou po at binigyan niyo ako ng Boyfriend na oh-so-Gwapo! Oh-so-Hot! Oh-so-sweet! And oh-so-Yummy ang lips! Hihi! Binigyan niyo na nga po ako ng Kanin, may bonus pang Ulam. Ang bait mo po talaga!

 Halos lahat ng Fourth year student yata ay nakasunod ang tingin sa’ming dalawa habang tinatahak namin ang Corridor papunta sa Room namin.

 Nagulat pa ako ng dere-deretso si Aichee papasok sa Room nila.

“Huy, sa kabila ‘yung room ko” bulong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at nag deretso lang siya kung nasaan sila Paolo at Kyle.

“Hi,Allaine” ngiti ni Kyle. Bahagya ko lang siyang kinawayan at ganun din si Paolo.

“Oh,Tol. Catch!” ani Paolo sabay hagis kay Aichee ng isang Black Pouch na panlalaki. Ganyan ‘yung dinadala nilang Tatlo eh. Isang pirasong Notebook lang yata ang nilalagay nila diyan.

“Thanks.” Saad ni Aichee saka nakipag High-5 sa dalawa.

“Wait, sabay na kami” tumayo na si Paolo at ganun din si Kyle. Muli kaming naglakad palabas ng Room nila at sa room naman namin kami pumasok. Dere-deretso si Aichee sa Upuan ko at kinuha ang Backpack kong maliit at sinuot niya sa kanya. Napangiti ako, at ‘yung ngiti ko naging mahinang tawa na.

“What?” seryosong tanong niya. Napaturo ako sa bag ko.

“Ang cute mo! Haha!” at tuluyan na akong natawa. Tinaasan lang ako ng kilay ni Aichee.

“Hehe, cute mo kapag ikaw may dala niyang bag ko.” Saad ko. Bigla naman niya akong inakbayan.

“I’m your Boyfriend. Dapat lang na ako nagdadala ng gamit mo.” Saad niya saka kami naglakad papunta sa tatlo.

“Yiiieh! Sweet nemen telege!” pang-aasar pa ni Lara. Inisnaban ko lang siya saka ko nilabas ang dila ko. Nilabas niya din ‘yung dila niya at nag belatan na kami.

That Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon