-
Chapter 19
"Ayaaaan! Natututo ka na!" pumalakpak pa ako habang pinapakinggan at pinapanood ang pagtugtog ni Paolo ng Piano, Hindi naman siya mahirap turuan. Tumigil siya sa pag tugtog saka humarap sa'kin ng nakangiti.
"Galing mo eh" aniya sabay kindat. Palagi nalang siyang ganyan, konti nalang talaga iisipin ko na may gusto na siya sa'kin eh. Tumayo na ako saka ko kinuha yung bag ko
"Halika na, Late na oh? Baka mabwisit na si Manong Guard sa'tin" saad ko, 1hour lang kasi ang paalam namin na mag i-stay dito sa Auditorium, Buti nga pumayag si Kuya Guard.
Tumayo na din siya saka siya nakapamulsang humarap sa'kin.
"Ah.." panimula niya. Nakangiti lang ako sa kanya habang hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin. Huminga siya ng malalim saka umiwas ng tingin. "Kain tayo sa labas." napakunot ang noo ko.
"Ha?" ang tanging nasabi ko. Muli siyang tumingin sa'kin.
"I mean.. Libre kita ng Dinner" aniya. Tumango-tango ako saka ako tumingin sa wrist watch ko, 7pm palang naman, Nagtext naman ako kay Sky. Tumingin ulit ako sa kanya saka muling ngumiti
"Ok" sagot ko saka nauna ng maglakad palabas ng Auditorium.. Aba! Wag tanggihan ang Libre! Tsaka, sabi nga nila, mas masarap daw ang libre.
Napa hinto ako sa Parking lot saka ako humarap kay Paolo.
"Pwede kana ba mag drive?" takang tanong ko. Baka kasi mamaya ay hindi pa pala pwede, madamay pa ako -__-
Ngumisi siya saka siya naglakad patungo sa Pulang kotse at binuksan ang Passenger seat, nilahad niya pa yung kamay niya.
"Sakay na" nakangising aniya sabay kindat. Napailing nalang ako saka ako sumakay. Sinara niya yung pinto saka siya umikot para makasakay sa Driver's seat.
Nakatingin lang ako sa kanya, nginitian niya ako at nagulat ako ng unti-unti siyang lumapit sa'kin.
"H-hoy!" sigaw ko. Lokong 'to! Muli siyang ngumisi saka niya kinabit yung seatbelt ko
"Safety first, Miss Allaine" aniya ng nakangiti. Grrrr! Akala ko hahalikan niya ako eh, mabubugbog ko talaga siya!
Nag-umpisa siyang mag drive, patingin-tingin lang ako sa kanya kasi talagang nawi-weirdohan na ako sa kanya. Kanina pa kasi nakangiti!
"Baliw" saad ko sa kanya, sumulyap lang siya sa'kin saglit at muling tumingin sa daan.
"Sayo" namilog ang mata ko, tama ba yung narinig ko? Hindi nalang ako nagsalita saka ako tumingin sa labas.
Maya-maya pa, hininto niya yung sasakyan niya sa gilid ng mga mag kakahelerang Restaurant, kusa na akong bumaba at nag inat.. Akalain mo nga naman, May pagka sosyal pala itong si Paolo.
Nang makita ko siyang nakababa na sa kotse niya ay nauna na akong maglakad papasok ng Restaurant pero napatigil ako ng tawagin ako ni Paolo, napalingon ako sa kanya.
"Bakit?" tanong ko. Tinuro niya yung sa kabilang kalsada kung saan Park pala, madami ang nag titinda ng street foods.
"Doon tayo" nakangiting saad niya. Aish! Akala ko pa naman! Bwisit na paolo 'to! Buti nalang hindi ako nag dere-deretso papasok ng Restaurant!
Sumunod nalang ako sa kanya kung saan man niya balak pumunta, halos nalagpasan na namin lahat ng nakahilerang Street food pero hindi pa din siya tumitigil, saan niya ba balak kumain?
Nauntog pa ako sa likod niya ng bigla siyang huminto, napahawak ako sa noo ko saka ko siya tinignan.
"Saan ba tayo kakain?" inis na tanong ko saka ko inayos ang tayo ko, nilibot ko ang paningin ko. Madami-dami din ang tao dito at sa tapat ng tinatayuan namin ay may isang maliit na karenderya, Hinila niya ako paupo saka siya nakangiting humarap sa tindera.
BINABASA MO ANG
That Nerd (Completed)
Teen Fiction* I Don't believe in Fairytales,BUT i do believe in Happy Endings. - Allaine Vesconde © 2014