20

6.6K 186 0
                                    

-

 Chapter 20

       Saturday, maaga akong nagising dahil sa Tawag ni Aichee.. Pinapaalala yung 'Bagong memories' na gagawin namin para malimutan niya si Alice.

"Pwede sumama?" ngiting tanong ni Sky.

"No" maikling sagot ko, Aba! Pagkakataon ko na ngang masolo si Aichee, sisingit pa siya?! No way!

"Ate naman eh! Sige na please?" nag puppy eye pa siya sa harap ko with pouty lips..

"No" muling sagot ko. Padabog siyang Umupo sa kama ko. Naglagay nalang ako ng Clip sa buhok ko saka ako tumayo. Ok na siguro 'tong suot ko? Jeans and Blue Shirt, fit naman yung damit ko eh tsaka, Ang sexy ko kaya!

"Makipag date ka nalang kay Spencer" saad ko sa tahimik na si Sky, bigla naman nagliwanag ang mukha niya

"Papayagan mo ako Ate?" excited na tanong niya. Kinuha ko na yung Bag ko saka ako lumabas ng kwarto ko, agad naman siyang sumunod

"Yep. Pero wag kayo magpapagabi" sagot ko.

"Yes! Thanks ate! Itetext ko na siya!" aniya saka nagtatakbo patungo sa kwarto niya. Napailing nalang ako.

 "Manang! Alis na po ako!" paalam ko kay Manang. Sabi kasi ni Aichee ay magkita nalang kami sa Mall. Tss! Hindi manlang ako sinundo! Kaya nagpahatid nalang ako kay Manong.

 Mas Sweet sana kung Katulad siya ni Paolo na Gentleman diba? Kaso hindi eh! Hmp! Kainis na Aichee!

"Wag mo na po ako sunduin ha?" saad ko kay Manong bago ako bumaba sa kotse. Pagpasok ko sa Mall ay si Aichee agad ang natanaw ko.

 Nakatayo siya malapit sa isang Bench, nakapamulsa ang isang kamay habang ang isa ay hawak ang Cellphone niya.. Naka Jeans din siya, Vans at Blue shirt! OH MY GHAD! is this what they called  Destiny?

Napatingin siya sa'kin at agad kumunot ang noo niya. Grrr! Ang Gwapo niya!

"You're late" masungit na saad niya ng makalapit ako,

"Grabe ka! 2minutes late lang naman ako!" saad ko, totoo naman! 2minutes lang! Napatingin siya sa mukha ko, pababa sa suot ko at muling kumunot ang noo niya

"Ginagaya mo ba ako?" tanong niya. Napatingin din ako sa suot ko at sa suot niya.. Akalain mo nga namang Pareha pala kaming naka Blue Shirt, Jeans at Vans? HAHAHA! Para tuloy kaming Couple!! 

Napahawak na naman ako sa noo ko ng muli niya itong pitikin

"Nakangiti kana naman na parang baliw" aniya. Hinampas ko siya ng mahina

"Yabang mo!" saad ko. Pero nagulat ako ng Bigla niyang hawakan ang kamay ko at nag-umpisang maglakad.

"Kain muna tayo, tagal ko nag hintay sa'yo" aniya pero hindi ko na nagawang makasagot pa dahil sa magkahawak naming kamay nakatuon ang buong atensiyon ko.. Pakiramdam ko ay ayoko ng matapos ang Paglalakad namin, Parang gusto ko nalang ikutin ng paulit-ulit ang buong Mall para matagal kong mahawakan ang kamay niya.

 Bigla naman gumuho ang mundo ko ng bitawan niya ang kamay ko ng papasok na kami sa isang Restaurant. Haays! Sana naman hindi niya binitawan diba? Pakiramdam ko tuloy ay nawalan ako ng gana.

 Umorder lang siya ng Kung anong gusto niyang kainin, sabi ko kasi ay busog pa ako kaya siya nalang. Pinapanood ko lang siya habang kumakain. Napaka hinhin niya! Daig niya pa babae!

 Matapos niyang kumain ay nagtungo kami sa 3rd floor kung saan ang World Of Fun.

"Nagpupunta ka pala sa ganito?" tanong ko. Akala ko kasi ay wala siyang hilig sa mga ganito at tanging libro lang ang alam niyang hawakan.. But waiiiiit! Ngayon ko lang napansin na wala siyang suot na Nerdy Glasses!! Kaya pala may kakaiba sa kanya!

"Ngayon lang" aniya saka nauna ng pumasok. Sinundan ko lang siya hanggang sa bilihan ng Ticket at Token.

 Nang makabili siya ay tumingin siya sa'kin at Ngumiti.. Grrr.. Ang puso ko!! Pakiramdam ko ay unti-unti akong natutunaw sa simpleng ngiti niya lang.. At mas lalo pa akong natunaw ng Muli niyang hawakan ang Kamay ko.

"Bump Car tayo" nakangiting saad niya. Tumatango nalang ako sa bawat sinasabi niya, Pakiramdam ko ay wala ako sa sarili ko..

 Tig-isang BumpCar kami, Nilabas ko yung Cellphone ko saka ko itinapat sa kanya

"Aichee!" tawag ko sa kanya, Ngumiti siya kaya naman tuwang-tuwa ako ng makuhanan ko ang nakangiti niyang mukha. Katulad ko ay inilabas niya din yung Cellphone niya at itinapat sa'kin. Nag peace sign ako habang nakadila. Tumawa siya ng mahina habang nakatingin sa Cellphone niya.

 Nag-umpisang umandar ang Bumpcar at talaga namang Maya't-maya ang bangga sa'kin ni Aichee! Aish! Kainis!!

"Haha!" Natatawa nalang din ako sa tuwing naririnig ko ang Tawa niya.. Eto yata ang pinaka masayang Araw na nangyari sa Buhay ko eh..

 Matapos sa Bump Car ay hinila niya ako sa Horror Train. Maliit at simple lang ang Horror Train ng WOF,

"Ayoko kasi!" pilit kong hinihila ang kamay ko sa pagkakakapit niya.

"Please?" napatulala nalang ako sa mukha niya, Oh Shiiiiiit! Ang Gwapo niya lalo na kapag naka Pout! Nanlalambot ako..

 Nakatakip lang ang dalawang kamay ko sa mukha ko ng mag-umpisang umandar ang horror train. Pilit naman itong inaalis ni Aichee

"Hey, wag ka matakot. Nandito naman ako eh.. Kasama mo ako, hindi kita iiwan" sa sinabi niyang iyon ay bumigay ako. Halos hindi ko na napapansin ang kung ano-anong nakakatakot na sound dahil ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko..

 Ganito na ba talaga ako ka-inlove sa kanya?

"Basketball?" aya niya, tumango nalang ako. Naghulog siya ng Token, pinanood ko lang siyang mag shoot ng mag shoot hanggang sa matapos siya, napatingin siya sa'kin at ngumiti.

"Ikaw naman" aniya saka siya pumunta sa likuran ko, nag hulog ulit siya ng Token at hinawakan ang magkabilang kamay ko. Tinuturuan niya ako mag Shoot. Hindi ako makapag Focus lalo na't nasa likod ko siya at hawak niya pa ang kamay ko.. Naririnig ko ang mumunti niyang halakhak malapit sa tenga ko, pati ang mainit niyang paghinga ay ramdam ko..

"Ang lamig ng kamay mo" bulong niya ng matapos ang Oras sa pag shoo-shoot ng bola. Humiwalay agad siya sa'kin, humarap ako sa kanya at ngumiti

"Next?" tanong ko. Ngumiti din siya saka niya muling hinawakan ang kamay ko.. Kalma lang,Allaine..

"Yung Blue!!" saad ko sa kanya habang kumukuha siya ng Teddy Bear sa Machine..

"Yes!" hindi ko napigilan ang pag sigaw ng makuha niya ito, Napayakap pa ako sa kanya.. "Ang galing-galing mo talaga!" saad ko ng iaabot niya sa'kin yung Bear, ginulo niya ang buhok ko saka niya muling hinawakan ang kamay ko.

 Naglibot pa kami sa Mall, kumain ng kung ano-ano. Picture sa kung saan-saan.. Nakakatuwa siyang kasama..

 3pm ng mapag pasyahan naming Pumunta na muna sa malapit na Park. Umupo kami sa Magkatabing Swing sa nandoon.

"Nag-enjoy ka ba?" tanong ko..

"Oo" maikling sagot niya. Kuntento na ako sa sagot niyang iyon, atleast alam ko na nag-enjoy siya kasama ako. Pero natigilan ako sa sumunod niyang sinabi..

 "Isa 'to sa mga Araw na Nagpasaya sa'kin....Kasama ka" aniya saka siya tumayo at hinalikan ang noo ko..

 Damn! Patawarin niyo po ako pero aagawin ko na ito kay Alice!

That Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon