-
Chapter 21
Kanina pa ako paikot-ikot sa higaan ko.. 2am na pero hindi pa din ako makatulog! Paulit-ulit kasi sa isip ko yung sinabi ni Aichee kanina.
Kinuha ko si CheeLaine sa gilid ng kama ko saka ko siya tinignan.
"Sa tingin mo,May chance ba na mainlove sa'kin si Aichee?" tanong ko kay Cheelaine. Yung bear na nakuha ni Aichee kanina sa WOF. Hihi! Para na akong baliw na kinakausap ito.. Nakakainis naman kasi si Lara! Hinawaan pa ako ng pagiging Baliw niya sa mga minions na 'yun!
At dahil nga hindi ako makatulog, Nag log in nalang ako sa Facebook at Twitter ko. Ia-upload ko yung mga Pictures namin kanina :)
Nagulat ako ng may Naka-Tag sa'kin at galing ito kay Aichee Park! Nakatag sa'kin yung picture namin habang kumakain ng Ice cream, with Caption na. "Thank You, A. You Made my Day :)"
OHMYGOD! OHMYGOD! OHMYYYYYYYGOD!!!! Seriously? KINIKILIG AKO!! KYAAAAAAAAAAHHH!!
May 1k+ Likes, 500+ comments at 200shares!! Ganun ba siya kasikat at pati sa Facebook ay talagang kilala siya?
Puro 'Sweet' 'Bagay' 'Nice' at 'Who's the Girl?' ang Comment. Sa dulo ay Comment ni Lara,Spencer,Sky,Kyle at Paolo.
Lara Camille: Emeghed! Nahiya naman 'yung Ice cream sa pagiging Sweet! :) <3
Park Spencer: Ate Ganda! You're the one!
Sky Vesconde: Kaya pala ang laki ng ngiti mo kanina pag uwi mo,Ate. Yihie! :))
Kyle Angelo: Nice one,Dude! Kaya siguro ang aga ng gising mo kanina?
Paolo Dee: Tss!
Luhhhh?! Problema ni Paolo? Sa lahat ng Comment yung kanya lang ang nakakainis! Pero di bale, Atleast hindi pa naman ako nagkakaron ng Basher. Haha!
Magco-Comment na sana ako ng may bagong Comment na dumating.
Larry Mico Stane: Beautiful as always. :)
Si Larry! Yung sa Bar,Siya yun diba? Hindi nalang ako nag Comment pero ni-Like ko naman. Hihi! Feeling ko nagiging malandi na ako! Ganito pala kapag na-inlove, para kang nagiging ibang tao.
Nag Log-out na ako saka ko pinilit matulog.. Mag sisimba talaga ako bukas at pasasalamatan ko ng paulit-ulit si God dahil ipinakilala niya sa'kin si Aichee! :)
-
"Sa simbahan ka pupunta! Hindi ka makikipag Date,Kaya palitan mo 'yang suot mo!" grrr, kanina pa ako naiirita kay Sky. Sa Simbahan pupunta tapos naka short-shorts?!
"Ate naman eh! Ano naman pake-alam nila sa suot ko?" pagmamaktol niya. Hampasin ko nga ng pamaypay!
"Sila walang pakealam. Pero kasi,Simbahan yun,Sky! Respeto nalang kay God" sabi ko saka ako umupo sa sofa.
"Tama si Ate Ganda. Baka itakwil ka ng Simbahan. Palit kana" aba't! sa harap ko pa nag lambingan ang dalawang ito!
"Ok!" nakangiting saad ni Sky saka nagmadaling pumanhik sa itaas. Tumingin naman sa'kin si Spencer.
"Ngiti ka diyan" saad ko.
"Kulit niyo kasi mag bangayan, Hehe" aniya.
"Ikaw lang ba?" tanong ko. Baka kasi may kasama pa pala siyang iba.. Hmm,Ok! Ok! Baka kasi kasama niya yung Pinsan niyang Nerd.
Nginitian niya naman ako ng nakakaloko.
"Ayiieh..Si Ate Ganda,may hinahanap" mapang-asar na saad niya. Tumayo ako saka ko siya hinampas ng pamaypay sa braso
"Tigilan mo ako,Spencer ha." sabi ko saka ako naglakad palabas. "Sumunod nalang kayo sa sasakyan!" sigaw ko pa.
'tong mga batang 'to! Sakit sa ulo.
Sa byahe patungo sa simbahan, panay lang ang lambingan ng kasama ko. Gusto ko silang suwayin kaso baka maasar pa ako ng bitter kasi walang lovelife kaya nanahimik nalang ako. Pero siyempre, hindi ko hahayaan na pati sa simbahan ay maglalambingan sila kaya naman naupo ako sa gitna nila. Haha! Nasa Right ko si Sky at sa Left naman si Spencer.. Ayan! Behave muna. Hihi!!
Matapos ang Misa, nag-aya si Spencer na kumain sa Jollibee, Pumayag na ako kasi Libre daw. Haha!
"Kamusta pala Date niyo kahapon?" nakangiting tanong ni Sky sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Date ka diyan." saad ko saka ako kumagat sa JollyHotdog.
"Suuus! Indenial" narinig ko pang saad niya
"Bagay kayo ni Kuya Aichee,Ate" dugtong pa ni Spencer. Napatingin ako sa kanya. OhMyGod ulit! Boto na ba sa'kin ang pinsan niya?
"Talaga? I mean, Duh! Manahimik nga kayong dalawa!" kainis 'tong dalawang 'to!
"Matagal ng Single yun. Malay mo,Ikaw na ang Next" ani Spencer.. Bigla akong ginanahan na makipag usap sa kanya.
"Bakit? Sino ba yung Una niyang Girlfriend?" kunwaring tanong ko. Gusto ko pang kilalanin ng husto si Alice,yung Ex ni Aichee. Ex nga ba? Wala naman silang maayos na Break-up. Bigla nalang daw umalis si Alice.
"Si Ate Alice.." panimula niya. Pinunasan niya muna yung gilid ng labi niya saka siya sumandal sa inuupuan niya. Magkatabi kasi sila ni Sky,habang ako ay nasa tapat nilang dalawa.
"Alice?" takang tanong ni Sky. Tumango-tango si Spencer.
"Alam mo ba,Ate Ganda. Parang ikaw din yun, May pagkakatulad kayo ng ugali. Palaban. Pareha din kayo kung ngumiti." aniya. "Ang pinag kaiba niyo lang.estado sa buhay." natahimik siya bigla tapos ay bumuntong hininga.
"Hindi siya kasing Yaman niyo o kasing Yaman namin. Simple lang ang buhay ni Ate Alice. Nagkakilala sila ni Kuya Aichee nung muntik niya ng mabangga ng sasakyan si Ate Alice." nagkibit balikat siya. "Na-Love at first sight yata si Kuya Aichee kasi mula nung araw na 'yun, palagi niya ng pinupuntahan si Ate Alice hanggang sa niligawan niya ito." napangiti siya saka umiling-iling. "Tuwang-tuwa pa si Kuya Aichee nung sinagot siya ni Ate Alice. Yun yung unang pagkakataon na makita kong ganun kasaya si Kuya Aichee.. lahat ng gusto ni Ate Alice binibigay niya. Hindi siya nagkulang kay Ate Alice kaya nagulat nalang kami isang araw na hindi na nagpakita si Ate Alice."
biglang lumungkot yung mukha ni Spencer. Pakiramdam ko maging siya ay apektado sa nangyari kay Aichee at Alice.
"Halos Mabaliw si Kuya Aichee sa kahahanap kay Ate Alice. Napapabayaan niya na yung sarili niya. Natuto siyang mag-inom at manigarilyo. Sobrang mahal niya kasi si Ate Alice eh kaya hindi namin siya masisisi. Habang tumatagal, parang unti-unting nawawala yung Totoong Aichee na kilala namin. Naging tahimik siya, hindi na siya palangiti at naging masungit pa." Tumingin siya sa'kin saka niya hinawakan yung kamay kong nakapatong sa mesa
"Kaya,Ate Ganda. Tulungan mo siya ha? Tulungan mo siya na maibalik yung dating siya. Tulungan mo siyang makalimutan ang nakaraan." aniya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.. Ano ba ang maitutulong ko?
Napayuko nalang ako, Sa lahat ng narinig ko. Pakiramdam ko ay ang baba-baba ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng insecurities..
Gusto ko na maging akin si Aichee. pero paano? Hanggang ngayon ay si Alice pa din ang laman ng puso't-isip niya kaya paano ko siya makukuha? Ayoko naman magmukhang desperada.
Napabuntong hininga nalang ako.. Natatakot ako.. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.
BINABASA MO ANG
That Nerd (Completed)
Teen Fiction* I Don't believe in Fairytales,BUT i do believe in Happy Endings. - Allaine Vesconde © 2014