-
Chapter 6
Agad kong binuksan yung first aid kit na nilapag ni Manang sa Center table dito sa Living Room.
"Ano ba ang nangyari?" tanong ni Manang.
"Manang,wag niyo nalang po sabihin kay Mommy at Daddy ito. Baka po mag-alala pa sila" sabi ko habang ginagamot yung kalmot sa pisngi at braso ni Sky.
"Oh siya sige! Diyan na muna kayo at ihahanda ko ang meryenda niyo" sabi ni Manang saka siya pumunta sa kitchen. Nang magamot ko na ang kalmot ni Sky ay kinuha ko yung Suklay sa Bag ko saka ko siya sinuklayan.
"bakit hindi ka lumaban?" tanong ko habang sinusuklayan ko siya. Nag Pout naman siya
"Lumaban naman ako Ate, pero may kasama kasi siyang Alipores na biglang humawak sa magkabila kong Braso." pagsusumbong niya. Aba't nagsama pala talaga ng alagad ang batang 'yun! inipit ko sa gilid ng tenga ni Sky yung bangs niya na medyo mahaba na.
"Kilala mo ba sila?" tanong ko. Tumaas yung isa niyang kilay
"Isa lang naman sa mga Mapag panggap na Girlfriend daw ni Spencer! Bigla ba naman ako sinugod kanina ate! Nagkasabay lang naman kami sa paglabas ng Room ni Spencer!" natatawa ako sa itsura ni Sky. Humawak siya sa ulo niya. "Ang sakit pa din ng anit ko, parang tumitibok-tibok. First time ko masabunutan ng sobrang hard." sabi niya. Bahagya kong ginulo yung buhok niya
"Heto, mag meryenda muna kayo" may bitbit si Manang na Tray na may lamang Slice cake at Orange Juice.
"Thanks,Manang!" sabay na sabi namin ni Sky, nag Meryenda kami ng nagtatawanan, ng matapos ay kanya-kanya na kaming punta sa kwarto namin.
Kinagabihan, 10pm ng buksan ko ang TV dito sa kwarto ko, nakapatay na lahat ng ilaw at tanging Lampshade nalang ang nakabukas. Saktong pagbukas ko ng TV ay PBB na. Minsan lang naman ako manood kapag Trip ko lang. Nagbibigay ako ng Comments kahit hindi naman nila naririnig :p
Yung Issue pa din pala ni Loisa-Jane-Joshua. Kung tutuusin ay wala namang may kasalanan. Hindi naman kasalanan ang pagiging Clingy diba? Nasanay lang talaga yung karamihan na si Loisa ang palaging dinidikitan ni Joshua noon, tapos nalipat yung Atensiyon niya kay Jane. Teens palang kaya dapat intindihin kasi ang mga Teens talaga ay may magulo pang pag-iisip, yung hindi pa sila marunong mag desisyon ng tama at mali. Ganun.
Nang maboring na ako manood ay pinatay ko na ang TV at nilibing. Joke.
Kinuha ko yung Ipod ko saka ako Umupo sa kama at sumandal sa Headboard, itutuloy ko na ang pagbabasa nung Dara Kara dahil talagang na-curious ako sa mga mangyayari.
Napapasarap na ako sa pagbabasa, Nakadapa na ako habang pinagpapatuloy ang pagbabasa.
Malapit na ako matapos at grabeng rebelasyon naman! Ang akala ko ay si Dara talaga ang pumapatay! Nakakakilabot, pakiramdam ko tuloy ay may nakatingin sa'kin.
2am na nang matapos ako magbasa. Halos di ko na namalayan na nakatulog na ako ng nakadapa. At dahil sa Pagbabasa ay tinanghali ako ng Gising! Ang magaling kong kapatid ay hindi manlang ako ginising! -___-
Nagmadali na akong kumilos, Hindi na ako nag-almusal dahil terror ang Teacher sa First subject namin! Bago ako umalis ay dumaan muna ako sa kwarto ni Sky saka ko kinuha yung White Wrist watch niya. Hihi!
"Pahiram ah?" ohh! nagpaalam ako ah! sa kwarto niya! HAHA! mabubuwisit na naman yun kapag nakita niyang suot ko na naman ang isa sa gamit niya.
"Manong, pakibilis at baka masigawan ako ng Dragon" sabi ko kay Manong Driver. Dragon ay yung Terror Teacher namin. Mehehe.
Agad-agad akong bumaba at nanakbo patungo sa Room ng makarating kami sa School. Hinihingal pa akong napahawak sa Wall, Naku! Nakasara na ang pinto. Huminga ako ng malalim at hinanda ko na ang sarili ko sa pagsigaw sa'kin ni Mrs.Asur. Binuksan ko na yung pinto, Una kong nakita ang napaka laking ngiti ni Lara habang nakatingin sa harap. Binuksan ko na ng buo ang Pinto at halos malaglag ang Panga ko ng makita ko ang Nerd sa harap!
Anong ginagawa niya dito?!! Ni walang nakapansin na mga kaklase kong nandito ako dahil tutok na tutok sila sa Nerd na 'to! Tumingin siya sa'kin saka niya ako tinaasan ng kilay! Aba!
"You're 10 minutes late, Ms.Vesconde" sabi niya. Umayos ako ng pagkakatayo saka ko din siya tinaasan ng kilay.
"So what?" mataray na sabi ko saka ako nagderetso paupo, Bigla niya naman ako hinawakan sa braso na ikinagulat ko. Pakiramdam ko ay nagtayuan ang balahibo ko sa katawan at hindi ko maintindihan kung ano yung malilikot na nararamdaman ko sa tiyan ko.
"As Punishment. You need to Stay outside until this Period's end." aniya. Napaawang ang bibig ko.
"Who are you to command me?!" sabi ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak pa din sa braso ko. Hinigit ko na at masyado na siyang sinuswerte na nahawakan niya ako! "Nerd" sarcastic na sabi ko. Nginisian niya ako saka siya nag crossed arms sa harap ko.
"That's a punishment for You being late." aniya. Nagkibit balikat siya saka siya umupo sa Teacher's Chair. Nilaro-laro niya pa yung ballpen niya! Buwisit! "Utos ni Mrs.Asur" dugtong niya. Pagkarinig ko ng Mrs.Asur ay nagpapadyak akong lumabas ng Room. Kainis! Kaylan pa inutos ni Mrs.Asur yun?!! Bakit nung dati kapag may nale-late ay sinisigawan lang! Pinag ti-tripan ba ako ng Nerd na yun?!!!
Umupo muna ako sa gilid ng pinto saka sumandal. Kainis talaga! Kainis! Kainis!
Makakaganti din ako sa'yong Nerd ka! Nakakainis pa yung pag ngisi niya kanina! parang nang-aasar pa?! Ha!! Akala niya nakaisa na siya ha!
Maya-maya,Bumukas yung pinto at iniluwa ang pinaka nakakainis na lalaki sa mundo!
"Sino nagsabi sa'yo na pwede ka umupo?" nakapamulsang tanong niya habang nakalingon sa'kin. Nakasandal kasi siya sa gilid ng pinto at nakasilip. Tinaasan ko siya ng kilay
"Sino nagsabi sa'yo na pwede mo ako pakealamanan?" balik tanong ko at ngumisi na naman siya!
"Ibinilin ka'yo ni Mrs.Asur sa'kin kaya gagawin at iuutos ko kung ano ang gusto ko." aniya, humarap siya sa'kin ng nakangisi pa din at nakapamulsa. "O baka naman gusto mo na makarating pa kay Mrs.Asur na sinusuway mo ako?" tanong niya.
"Are you threatening me?!" taas kilay na tanong ko. Nakatingala ako sa kanya. Nanatili siyang nakapamulsa at nakangisi. "Tigilan mo nga yang pag ngisi mo! Nakakabwisit!" sigaw ko sa kanya. lalo pa siyang ngumisi. Nagsukatan lang kami ng tingin. Nakatingala ako habang siya ay nakayuko. Nabubwisit talaga ako sa lalaking 'to! Akala mo kung sinong gwapo!
Umiwas siya ng tingin ng mag ring ang Bell. Agad akong tumayo at pinagpag ang skirt ko. Humarap ako sa kanya
"May araw ka din sa'kin!" sabi ko saka ako tumalikod. Pero agad din akong humarap sa kanya ng may makalimutan akong sabihin. "Nerd!" saka ako padabog na pumasok sa Room.
BINABASA MO ANG
That Nerd (Completed)
Ficção Adolescente* I Don't believe in Fairytales,BUT i do believe in Happy Endings. - Allaine Vesconde © 2014