17

6.8K 176 1
                                    

-

 Chapter 17

   Halos isang lingo na ang nakalipas mula ng maging 'Friends' kami ni Aichee.

 Mula ng maging mag kaibigan kami ay palagi na kaming mag kasama, marami na nga ang nagtatanong kung kami daw ba? O baka nililigawan ako ni Aichee?. Haha! Wish ko lang! Pero ano pa ba inaasahan niyong isasagot ni Aichee?

"No! never! Psh!" 'yan ang palagi niyang sinasagot sa mga nag tatanong. Nakakaramdam ako ng kirot, siyempre, gusto ko siya eh. Pero ano ba magagawa ko? Ginusto ko naman ang mapalapit sa kanya kaya wala akong ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko lang.

"Bespren!" napalingon ako kay Lara, napaka laki ng ngiti niya. Tinuloy ko ang pag-aayos ng gamit ko saka ako tumayo

"Bakit?" nakangiting tanong ko.. Napakurap-kurap naman siya

"Lakas talaga ng impluwensiya ni Aichee sa'yo ano?" mapang-asar na aniya.. "Mula ng maging Close kayo ay palagi ka ng nakangiti.. Yihiie!" sinundot-sundot niya pa yung tagiliran ko kaya napapaatras ako

"Tumigil ka nga!" pigil ko sa kanya. "Halika na! baka inaantay kana ng Prince Kyle mo, Yiiiieh!" ako naman ang nang-asar. Bigla naman siya nag Pout.

"Psh! Ayoko na sa kanya! Ayaw niay sa mga babaeng kasing OA ko!! Eh paano pala kung ako ang magustuhan niya? Eh alam mo naman na ang pinapangarap kong bahay ay yung Kerroppi my loves ko! Edi pag tatawanan niya lang ako?!!" aniya. Napangiti ako

"Suuuus.. Baka lamunin mo 'yang mga sinasabi mo at mag sisi ka sa huli" saad ko saka nag-umpisang maglakad. Agad naman siyang sumunod.

"Never Bespren!! tanggapin niya muna ang pagiging OA ko bago ko siya matanggap!" pag mamaktol niya. Tinignan ko siya saglit

"Bakit? Gusto ka ba niya para matanggap ka niya? Sinabi niya ba na ikaw ang gusto niya?" mapang-asar na tanong ko. Muli na naman siyang napanguso

"Tss! Basta!!" aniya at nauna ng maglakad, napailing nalang ako.

 Pag dating sa Cafeteria, nandun na yung tatlong Minion at aba! May kasama pang batang nag lalambingan!

"Hoy!! Mag layo nga kayong dalawa!" suway ko kay Sky at Spencer. Iniisip ko kung sila na ba? Kung mag lambingan kasi ay dinaig pa ang mag ON! Napalayo naman silang dalawa sa isa't-isa

"KJ" narinig kong bulong ni Lara, hindi ko nalang siya pinansin at tinuon ko ang atensiyon ko kay Aichee. Umupo ako sa tabi niya, Napangiti ako ng meron ng White spaghetti na nakahanda.

"Thankyou!!" sabi ko, kakainin ko na sana ng bigla niyang hilahin yung plato na nag lalaman ng White spaghetti.

"Sinabi ko ba na sa'yo 'to?" mataray na tanong niya.. Napahagalpak naman ng tawa si Sky at Bespren. sinamaan ko sila ng tingin. Si Paolo at Kyle naman ay pigil ang tawa. Napatingin ako kay Aichee saka ako padabog na tumayo

"I hate You!!!" sigaw ko sa kanya! Bigla naman siyang ngumiti na lalo ko pang kinainis! Aalis na sana ako ng hawakan niya ang wrist ko kaya napatigil ako

"Pikon" aniya. Napa pout nalang ako, muli niyang nilapit yung Plato sa'kin. "Para sa'yo 'to Pikon!" tumatawang saad niya. Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko.

"Ayiiiiiehhh" si Sky at Bespren 'yan! nag sanib pwersa pa!

"Tigilan niyo 'ko ha!" sabi ko saka ako muling umupo at sinunggaban yung white spaghetti, baka kunin na naman kasi ni Nerd -___-

"Ang bilis ng araw noh?" ani Lara, napatingin kami sa kanya. "Malapit na mag Ber Months, ibig sabihin,malapit na din ang Christmas party! Yiiiie!" pumapalakpak na dugtong niya. Ibang klase kasi ang Christmas party dito, Oneweek! Ang Monday ay yung lahat ng First year, Tuesday yung Second Year,Wednesday yung Third year at Thursday kaming mga Fourth year, lahat ng yun ay ginaganap sa GYM. Ganun ang Christmas party dito, pang lahatan. Hindi din uso ang Exchanged gift. Party lang talaga. Kaya madami ang naeexcite!

 Pag dating naman ng Friday, yun na yung party para sa mga Teacher. 

"Madami ang nag luluksa pa din, kasi hindi naman namin ka batch ang mga Hottie" ani Sky ng nakangiti. Nakita ko ang pag Pout ni Spencer. "I mean, mas Hot pa din si Spencer" dugtong niya na ikinatawa namin. Tss!

"Eh kung Hot naman pala si Spencer, bakit hindi mo pa sagutin?" nakangiting tanong ni Lara, binato ko siya ng Tissue

"Shut up,Lara! hayaan mo siyang mag desisyon ng sarili niya." sabi ko.

"Sus! KJ ka talaga forever!" aniya. Tinuloy ko nalang ang pagkain ko hanggang sa matapos ako. Nag pupunas na ako ng bibig ng mapatingin ako kay Nerd.

"Teka, Kumain kana ba?" tanong ko saka ko nilapag yung Tissue.

"Tss, ngayon ka pa nag tanong eh halos masimot nga 'yang pinag kainan mo! Hindi mo manlang ako nagawang alukin!" masungit na saad niya. Napangiti ako. "Ngiti ka pa diyan" inisnaban niya pa ako. Haha! Sinundot sundot ko yung tagiliran niya, napapa-ilag naman siya

"Nag tatampururut si Nerd.." pang-aasar ko habang sinusundot yung tagiliran niya

"Allaine! Stop!" umiilag na saad niya pero hindi ako tumigil.Haha! ang cute niya!

"Paano ba sumayaw ang isang Aichee Park?Ha?" nakangiting tanong ko habang patuloy sa pagkiliti sa kanya, panay naman ang ilag niya.Tawa ako ng tawa kasi para na siyang kumekendeng! Haha!

"Y-yah!!! Stop it! Damn!" napapangiting aniya, tumigil ako sa pagkiliti sa kanya saka ako tumawa ng tumawa.

"HAHAHAHA!! kung nakita mo lang itsura mo Nerd! HAHAHA! ang epic! hahaha!!" nakahawak na ako sa tiyan ko sa katatawa.

"Tss" aniya habang umiinom ng tubig.. Muli ko siyang sinundot at halos mailuwa niya yung iniinom niya.. Tinignan niya ako ng masama, natigil ako sa pag tawa..Napalunok pa ako ng unti-unti niyang inilalapit yung mukha niya sa'kin.Paatras ako ng paatras habang siya naman ay patuloy sa paglapit ng mukha. 1 inch nalang ang layo ng mukha niya sa'kin, bigla siyang ngumisi tapos bumaba yung tingin niya sa labi ko. Napaawang ang bibig ko. Ngumisi na naman siya

"Kulit mo" bulong niya. Muli akong napalunok sa bango ng hininga niya. Ano kaya gamit niyang Colgate? Baka Close-Up? Hahaha! Natatawa ako sa iniisip ko, tanga mo talaga allaine!Pareha lang naman Toothpaste yun! Bakit ba nata-tanga ako kapag sobrang lapit niya?

"You want me to kiss you?" mahinang tanong niya. Hindi ako nag salita, baka maamoy niya ang amoy spaghetti kong hininga. Muli siyang ngumiti. Sobrang lapit na talaga ng mukha niya! Pipikit na sana ako ng makarinig kami ng Padabog na pagtayo. Napalingon ako sa pwesto ni paolo at napakunot ang noo ko.

naka pamulsa lang siyang nakatayo at napapanguso.. "Una na ako sa Room" aniya saka siya nag lakad palabas. Bahagya kong itinulak si Aichee.

"Lumayo ka nga! Baho ng hininga mo!" sabi ko sa kanya. Ngumiti lang naman siya at napapailing na tumayo

"Kyle,Let's go?" pag-aya niya sa nakatulalang si Kyle. Wala yata sa sarili? Tumayo na din si Kyle at sumunod kay Aichee. Sinulyapan pa ako ng isang beses ni Aichee bago siya tuluyang nag lakad paalis.

"ehem!" napatingin ako kay Sky ,Spencer at Lara. Nakangiti silang tatlo na nakatingin sa'kin. Pinandilatan ko sila

"Ano?" mataray na tanong ko.Sabay-sabay silang napailing at nag katinginan. Tss! pinag kakaisahan na naman ako ng mga 'to!!

 Hindi ko nalang pinansin, napapaisip kasi ako. Biglang pumasok sa magulo kong isip ang mukha ni Paolo kanina, iniisip ko lang kung ano ang iniisip niya at bakit niya naisipan na biglang umalis nalang? Ang gulo ng isip niya, kasing gulo ng isip ko!Grrrrrr

That Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon