30

6.2K 173 3
                                    

-

 Chapter 30

“Ate! Hurry! Male-late tayo!!” sigaw ni Lara mula sa labas ng kwarto ko. Nag mamadali kong kinuha ‘yung bag ko saka ako lumabas.

“Sorry naman! Kasalanan ko ba kasing magising ng tanghali!” nauna akong maglakad kay Sky. Salita pa siya ng saita habang nakasunod sa’kin.

 It’s Friday at ngayon na ang laban nila Aichee.

“Kanina pa tayo hinihintay ni Ate Lara at Spencer! Malapit na daw mag-umpisa ‘yung game at good luck nalang kung may maupuan pa tayo!” angal na naman ni Sky. Sinimangutan ko lang siya bago ako sumakay sa sasakyan.

“I said,Im sorry na nga diba? Bakit ba kasi di mo ako ginising?!” singhal ko din sa kanya.

“Duh,Ate! Duuuh! Ginising kita! Tanong mo pa kay Manang! Ewan ko ba naman kasi sa’yo kung bakit madaling araw na naririnig pa kitang tumitili sa kwarto mo!” inisnaban pa ako. Naku! Kung ‘di ko lang mahal ‘to!

 Namula yata ang pisngi ko ng maalala ko na naman ‘yung mga text messages ni Aichee na hindi nakapag patulog sa’kin. Bakit ba naman kasi sobrang sweet niya po,Lord?

“I knew it! Si Kuya Aichee na naman ‘yang nasa isip mo kaya para kang krung-krung diyan na ngumingiti mag-isa!” nangingiting saad ni Sky.

“Tse! Manahimik kana,pwede? Daldal mo eh!” sumandal nalang ako saka ako tumingin sa labas.

After 5 minutes,nakarating agad kami sa College University kung saan gaganapin ang Laban. Katabi lang ito ng High School University dahil nga iisang School lang naman ‘to. AT oo! 5 minutes lang talaga kasi malapit lang naman ‘to sa Village namin. Masyado lang talagang O.A si Sky.

“Finally! After God knows how many years! Dumating din kayo! Bla-bla-bla-bla!” at nagsabay na si Lara at Sky sa pag daldal. Lumapit ako kay Spencer na matinong kausap.

“Nag-umpisa na ba?” tanong ko habang naglalakad na kami papunta sa Gym. Tumingin siya sa wrist watch niya tapos sa Cellphone niya.

“’di pa,Ate Ganda.” Sagot niya. “Pero pinapasabi ni Kuya Aichee na sa Locker Room ka daw tumuloy. May importante daw kasi siyang sasabihin sa’yo”

 Napakunot ang noo ko. Ano naman kaya ‘yon?

“Una na kami,Bespren!” sigaw ni Lara ng makalayo na sila. Teka! ‘di ko alam kung saan ‘yung Locker Room dito!!

 Naglakad nalang ako pasunod sa kanila hanggang sa makarating kami sa Gym. Baka nasa loob ‘yung Locker Room? Kasi dun sa Gym ng High School,nasa loob ‘yung Locker room.

 Pumasok ako sa loob saka ako tumingin sa kaliwa’t-kanan pero puro ulo ang nakikita ko. Grabe! Ang daming tao!!

“Ah, Miss.” Kalabit ko dun sa babaeng malapit sa’kin. Tumingin naman siya sa’kin saka ngumiti.

“Yes?” ngiting tanong niya. Nginitian ko din siya saka ako nahihiyang napakamot sa ulo ko.

“Ano..Saan ba dito ‘yung Locker Room ng ano..Players?” tanong ko. Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa saka siya muling tumingin sa’kin ng deretso. Nginuso niya ‘yung sa gilid ng mga bleachers.

“Dun sa kanan ‘yung sa College. Sa kaliwa ‘yung sa High School.” Sagot niya. Nagpasalamat lang ako saka ako nag sumiksik sa maraming taong nakaharang.

“Excuse me..Excuse me..” paulit-ulit na saad ko. Hindi ko na pinansin pa ‘yung mga naiiritang babae sa pagsiksik ko. Napabuga ako ng hangin ng makalusot ako. Tumingin ako sa kaliwa saka ako naglakad papasok dun.

That Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon