---
Chapter 1
"ALLAINE VESCONDE!" napatayo ako ng marinig ko ang pangalan ko.
"YES MA'AM!" balik sigaw ko. Narinig ko ang hagikgikan ng mga kaklase ko kaya nakihagikgik na din ako. Napakamot naman sa Ulo si Ma'am.
"Natutulog kana naman sa klase ko!!" muling sigaw niya. Nag peace sign ako habang nakadila.
"Hindi po ah! Si Ma'am naman, malabo na po ata ang mata niyo! Singkit lang po talaga ako kaya akala niyo natutulog ako" katwiran ko. Singkit naman talaga ako!
"Hay! Ewan ko sa'yong bata ka! Class Dismiss!" sigaw niya. Suko na naman si Ma'am sa'kin.
Tumatawang lumapit sa'kin ang kaibigan kong si Lara.
"Ayos mga dahilan mo eh noh? Singkit? Haha!" saad niya. Umupo naman ako saka ko kinuha yung Comics ko.
"Ganun talaga kapag Maganda!" sagot ko.
"HA-HA! Galing mag Joke!" sarkastikong saad niya. inismiran ko nalang siya.
"Mamaya palang Recess, Baka hindi ako makasabay sa'yo bespren!" umayos siya ng upo, sinulyapan ko siya ng tingin saka ko nilipat sa susunod na pahina yung Comics.
"At Bakit?" tanong ko. Humarap siya sa'kin saka niya tinukod yung dalawang siko niya sa Desk ko.
"Nabalitaan ko kasi na Papasok si Aichee! OhmyGod!!" nag hy-hysterical na saad niya, napailing nalang ako. Seriously? What's with Aichee Guy? Ni hindi ko nga kilala yun tapos kinababaliwan ng mga kababaihan at isa na nga doon ang Bestfriend ko.
"Whatever" sarkastik na sabi ko saka ko pinagpatuloy ang pagbabasa ko. Hinampas naman niya ako sa braso.
"You're so mean! Crush na crush ko kaya yun!" nakangusong saad niya. Sinara ko yung comics ko saka ako humarap din sa kanya.
"Crush! Crush! Ewan ko sa'yo Lara! Tigil-tigilan mo yang Crush na yan at baka sa huli ay masaktan ka lang!" sabi ko sa kanya. Napaawang naman ang bibig niya.
"Seriously? Crush? Me? Masasaktan?" tinuro niya pa yung sarili niya saka siya tumawa. "Whatever,Allaine! Crush ko lang siya at malabo na Masaktan ako! Like, duh!! Hindi lang naman siya ang Crush ko!" inirapan pa ako ng Gaga. Napangisi ako saka ko tinaas yung isang kilay ko.
"Oh..Yeah? Really,Lara? Kahit Crush mo lang siya, wag mo sabihin na hindi ka nasasaktan sa tuwing may nakikita kang kasama niya? Yung malaman mo na may Girlfriend siya? Yung--"
"Shut up!" pagputol niya sa sinasabi ko. Hindi ko na napigilan ang pag hagalpak ko ng tawa.
"Crush na nga lang nagkakaganyan kapa! I told you,tigilan mo na!" sabi ko saka na ako umayos ng upo.
"Heh! Palibhasa kasi abnormal kang babae ka! Hindi ka manlang nagkakagusto kahit sa pinaka gwapong lalaki dito sa Campus! Ayan, hanggang ngayon,Single ka pa!" inis na sabi niya. Nginisian ko nalang siya.
"Whatever you say,Lara. Admit it, you like someone you can’t have." ngising saad ko. Nagpapadyak naman siya habang naglalakad pabalik sa upuan niya
"Kainis ka talaga! pasalamat ka't mahal kitang gaga ka!" sigaw niya na ikinatawa ko.. Tss, wala akong oras sa Crush na 'yan! Porke walang crush,Abnormal na? Mas mukha pa ngang Abnormal yung mga babaeng may Crush tapos grabe kung makatili kapag napapadaan yung Crush nila!
Meron pang nanghahampas nalang bigla masilayan lang yung Crush.. Psh! Yun ang Abnormal!
Breaktime, muli na naman akong nilapitan ni Lara. Kumapit pa siya sa Braso ko
BINABASA MO ANG
That Nerd (Completed)
Teen Fiction* I Don't believe in Fairytales,BUT i do believe in Happy Endings. - Allaine Vesconde © 2014