38

6.3K 149 2
                                    

-

 Chapter 38

Matapos ng ‘awkward’ moment namin ni Aichee dahil dun sa sinabi niya, nagpasya kaming mamasyal muna total maaga pa naman. Ililibot niya daw ako sa buong lugar,dadalhin sa dalampasigan at mamimili daw kami ng mga ‘cute stuff’. Alam niyo na siguro kung ano ‘yun?

Paglabas ko ng pinto ng kwarto namin, naabutan kong nakasandal si Aichee sa gilid habang nakapamulsa. Napatingin na naman ako sa itsura niya, Naka suot siya ng Dark blue shirt na sobrang hapit sa katawan niya, fitted Faded jeans at sapatos na may malaking Tsek sa gilid, naks! Nike.

“Gwapo naman ng Boyfriend ko.” Ngiting saad ko, nginitian niya naman ako at siya naman ang tumingin sa’kin mula ulo hanggang paa. Tila na conscious naman ako sa itsura ko. Naka Beach dress kasi ako tulad ng request niya, may highlights na color blue ‘yung dress ko at sobrang fit sa’kin. Naka flat naman akong color blue.Siyempre,mas nagpapaganda ‘yung suot kong kwintas at wristwatch na meron din siya. Bigla niya akong hinila at muli na namang dinampian ng halik

“Ganda mo.” Aniya na nagpapula sa pisngi ko. Grabe magpa kilig ang Gwapong ‘to! To the highest level,eh!

 Magkahawak kamay kaming bumaba sa hagdan at lumabas sa Bahay.

“Maglalakad tayo?” tanong ko. Hindi naman mainit, hindi din naman matao dito. May 20 minutes daw kapag nilakad mula dito hanggang dun sa bayan kung saan ‘yung bilihan ng mga pasulubong at kung ano-ano pa.

“Mas enjoy.” Ngiting saad niya saka niya kinuha ‘yung nakasabit na ray ban aviator sa dress ko saka niya iyon sinuot sa’kin. Sinuot niya na din ‘yung kanya. Hindi na naman mawala sa labi ko ang malawak na ngiti. Sana ganito nalang kami araw-araw.

 Magkahawak kamay pa din naming nilakad ang daan patungo sa bayan. Pero hindi kami dumaan sa highway kundi sa gubat. Hindi naman totally gubat, mapuno lang talaga.

 Napadaan kami sa dalampasigan, medyo tumambay muna kami do’n, ang ganda kasi ng dagat, parang nagniningning lalo na’t  natatapatan ng sinag ng araw. Nag picture-picture lang kami dun at napag pasyahan na naming maglakad ulit.

“Paano mo nalaman ang daan na ‘to?” tanong ko habang naglalakad kami, magkahawak kami ng kamay at medyo nauuna siya.

“Dito kami dumadaan ni Spencer dati kapag gusto naming mas mapadali ang pagpunta sa kung saan. Shortcut.” Sagot niya. Tumango-tango nalang ako, hindi naman nakakatakot, sa katunayan eh maganda nga ang daanan na ito lalo na’t napapalibutan ng matatayog na puno at iba’t-ibang kulay ng bulaklak.

 Napatigil ako sa paglalakad.

“Wait!” nilabas ko ‘yung cellphone ko saka ko itinapat sa’min. Ang ganda kasi ng  background, color yellow na mga bulaklak. “1…2…3..” bilang ko saka ako nag peacesign sa camera. Umakbay naman sa’kin si Aichee. Agad kong tinignan, hmmm,Perfect!

 Muli kaming nagtuloy sa paglalakad, walang ibang maririnig dito kundi ‘yung pagtapak namin sa damo at mga huni ng ibon. Sa di kalayuan ay nakakita ako ng parang highway.


“Diyan na ba ‘yun?” tanong ko, sumulyap naman siya sa’kin saka tumango. Nang makarating kami sa dulo ay kumaliwa kami at dun ko nakita ang maraming Tao,magkakahelerang bangketa, may mga nagtitinda pa ng mga pasalubong.

“Tiangge ito kung tawagin.” Saad ni Aichee, tumango ako saka napangiti. Akalain niyo ‘yun? Hindi pala laking Mall si Aichee tulad ng ibang mayayaman, laking tiangge siya!

“Miss, may Color Blue po ba kayo nito?” turo ni Aichee sa Coin Purse na may Tenga, halaaaa! Ang cute-cute!

“Ah, Opo Sir.” Ani tindera saka may kinuha mula sa likod niya. “Eto ho.” Kinuha ni Aichee ‘yung Inaabot nung tinder saka niya pinakita sa’kin.

That Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon