-
Chaper 37
Nakaupo lang ako sa balkonahe habang pinapanood kong nag kukulitan ang iba sa kubo. Umihip ang malakas na hangin. Napatingala ako sa langit, ang daming bituin. Ang ganda nilang pagmasdan lalo na’t sabay-sabay silang nagkikislapan.
Biglang may nagpatong ng jacket sa paikot ng balikat ko. Umupo siya sa tabi ko at tumingala din sa langit. Muli akong tumingala at ipinikit ang mata.
Matapos naming mag-usap kanina ni Lara ay nakatulog ako ng saglit. Panay din ang sorry niya sa lahat ng sinabi niya, okay lang naman eh. Alam ko na concern lang siya.Pero hindi madaling alisin sa sistema ko lahat ng sinabi niya. Natatakot din ako na paano kung tama siya? Paano kung minahal lang ako ni Aichee dahil nakikita niya sa’kin ‘yung pinakamamahal niyang babae? Paano kung bumalik na si Alice? Mababalewala nalang ba ulit ako? Babalik ba kami sa dati na hindi nagpapansinan?
Pero tulad nga ng sinabi ni Aichee, kaylangan ko lang magtiwala sa kanya.
Napadilat ako ng may humawak ng mahigpit sa kamay ko at pinag salikop iyon sa kamay niya. Napatingin ako sa kanya.
“What are you thinking?” tanong niya. Pinakatitigan ko siya, kung sakali man na totoo ang sinabi at hinala ni Lara. Kaylangan ko ng sulitin ang bawat sandali na kasama ko si Aichee, kasi baka bigla nalang bumalik si Alice at mawalan ako ng pagkakataon na muling makasama ng ganito kalapit ang lalaking mahal ko.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya saka ako umulo sa balikat niya. “Wala.” Huminga ako ng malalim saka muling tumingin sa langit. “Naniniwala ka ba na iniwan ng Araw ang buwan? Na nagsakripisyo siya para lang mabuo ang liwanag at dilim? At Dahil dun, hindi na sila nagkikita pa.” niyakap ko ang isang kamay ko sa braso niya. Narinig ko ang bahagyang pag hagikgik niya.
“Silly.” Natatawang aniya. “Kuwento lang ‘yan, at mga bata lang ang naniniwala diyan.” Aniya pa . Napanguso nalang ako. “Hindi naman talaga sila naghiwalay. Natatakpan lang ang buwan ng araw lalo na kapag suminag na siya sa umaga. Mas nahihigitan ng araw ‘yung liwanag na ibinibigay ng buwan. Kapag lulubog na ang Araw, mas nangingibabaw na ang liwanag ng buwan. Never silang naghiwalay.” Dugtong niya.
“Parang tayo?” tanong ko.
“Ha?” takang tanong niya. Umayos ako ng upo saka ako humarap sa kanya.
“Parang tayo. Diba sabi mo, hindi mo ako iiwan? Ikaw ‘yung Araw,ako ‘yung buwan, never tayong maghihiwalay diba? Never kitang iiwan kahit na mas nangingibabaw na ang liwanag mo.diba?” nakangiti ako habang hinihintay ang sagot niya, ngunit unti-unting napawi ang ngiti ko ng bigla siyang umiwas ng tingin at tumingala sa langit. Napakagat ako sa labi ko saka ako muling umulo sa balikat niya.
Hold your tears,Allaine. Matapang ka diba? Palaban ka. ‘Wag mong ipakita sa kahit na sino na mahina ka.
“Allaine! Aichee! Dito kayo!!” sigaw ni Liza mula sa kubo. Huminga ako ng malalim saka ako tumayo at pinagpagan ang suot ko.
“Lika, punta tayo sa kanila” ngiting saad ko habang nakalahad ang kamay ko sa kanya. Tinitigan niya muna ako ng ilang Segundo bago siya tumayo at hinawakan ang kamay ko. Magpakatatag ka Allaine.
“Hahaha!! Ang pangit mo talagang unggoy ka! Hahahaha!” tawa ng tawa si Liza habang pinagmamasdan ang pagnguso ni Paolo.
“Anong nangyari?” tanong ko kay Lara. Tumatawa naman siyang humarap sa’kin, may luha pa siya sa katatawa.
“Pinag tripan ni Liza.” Tumatawang saad niya. “May split personality ata ‘yang babaeng ‘yan. Biruin mo,bespren. Sobrang seryoso ng mukha niya kanina habang sinasabi kay Paolo na ‘can I sleep with you?’ siyempre nagulat si Paolo at halos manlaki ‘yung mata. Haha! Tapos hinaplos pa ni Liza ‘yung labi pababa sa dibdib gamit ‘yung daliri niya hanggang sa inilapit niya ‘yung mukha niya sa mukha ni Paolo na parang nang-aakit.sumagot si Paolo na ‘sure’ nauutal pa. Tapos lalo pang inilapit ni Liza ‘yung mukha niya sa mukha ni Paolo, akala namin maghahalikan na silang dalawa kundi lang tumawa ng pagkalakas-lakas si Liza.” Mahabang kwento niya. Napatingin ako kay Paolo, seryoso na ‘yung mukha niya at tila ano mang oras ay sasabog na siya.
BINABASA MO ANG
That Nerd (Completed)
Teen Fiction* I Don't believe in Fairytales,BUT i do believe in Happy Endings. - Allaine Vesconde © 2014