15

7.4K 170 4
                                    

-

 Chapter 15

    AiCHEE-

           I'm still thinking about something,I mean, about someone and that someone is Her, that Allaine Girl.

 What The hell happened to her? Why the hell is she acting so different?!! I mean, she's weird! Hell weird!

"Bro!" tinapik ni Paolo ang balikat ko, Nandito kami sa Cafeteria para kumain ng Lunch pero nawawalan ako ng gana sa tuwing naiisip ko ang nangyayari kay Allaine. Seriously, i have no idea why is she like that. Masyado siyang nag-iba. O baka nasanay lang ako na lagi siyang mataray sa'kin kaya nagulat ako na naging mabait siya at palaging nakangiti sa'kin. Kumbaga, FC siya sa'kin, Feeling Close.

"What are you thinking?" tanong ni Kyle, Uminom muna ako ng Mountaindew bago ako sumagot.

"May napapansin ba kayo?" tanong ko, nagkatinginan silang dalawa tapos ay muling tumingin sa'kin. Aish! Winagayway ko ang kamay ko saka umiling. "Nevermind" saad ko.

 Hindi naman na sila sumagot pa at pinag patuloy ang pagkain, Napabuntong hininga ako. Dapat siguro ay masanay na ako sa pagiging Bipolar o Moody o kung ano pa man ng babaeng yun. Ewan ko ba! kinikilabutan ako sa pagbabago niya.

"She's the one?" maya-maya'y usal ni Paolo, nakatingin siya kay Kyle kaya napatingin din ako sa kanya.

"Who?" takang tanong  ni Kyle, tinapik ni Paolo ang balikat ni Kyle habang nakangisi

"Bro!kerroppi,green,That Girl,That Secret love of yours.." ngumingising usal pa ni Paolo, napailing-iling siya.. "I know who is that Girl -secret love- of yours..." tuluyan ng natawa si paolo. "Haha! F-ck! Damn crazy Boy!" aniya. Napakunot ang noo ko, ano ba ang pinag-uusapan nilang dalawa?

 Napailing nalang ako sa nakaka-inis na pag tawa ni Paolo, Paano kaya siya nakakahakot ng mga babae kung ganyan siya makatawa?O baka naman mas gusto pa ng mga babae ang ganyan?

Namilog ang mata ko ng makita ko ang papasok sa Cafeteria. Umayos ako ng upo saka ako bahagyang tumikhim, muli ko siyang sinulyapan. Tumatawa lang siyang nakikipag daldalan sa kasama niyang si Lara. Napatitig na naman ako sa mga labi niya, the way she smile..Magkatulad talaga sila..

 "She's here.." ani Paolo saka niya tinaas ang kaliwang kamay niya. "Allaine! Lara! Over here" pakanta pang sigaw niya, muli akong napaayos ng upo. Bakit ba ako natataranta? Si Allaine lang 'yan! Wag kang Paranoid Aichee!

"Oh! Hello Boys!" masayang bati ni Lara, tumango lang ako saka ko tinuon ang paningin ko sa hawak kong Can. Napapalunok pa ako, Damn! What's happening to me?!!

"Can i sit here?" napaangat ako ng tingin, eto na naman siya!! Napalunok pa ako ng isang beses bago tumango

"S-sure" dammit! Bakit ako nauutal? Narinig ko ang pag ngisi niya saka siya umupo sa tabi ko..

 Bakit ba kasi sa tabi ko pa? Pwede namang sa tabi ni Paolo!!

"Kumain ka na?" tanong niya. Napahigpit ang hawak ko sa Can, eto yung sinasabi ko kanina pa! Na nagbago siya ng pakikitungo sa'kin!! Hindi ba't hindi naman siya ganyan? I mean, Masungit siya pag dating sa'kin pero what now?!! Napaka weird nita talaga.

"Woah!Woah! What's the meaning of this? Ok na ba kayo?" nakangiting tanong ni Paolo, ano ba pinag sasabi nito? Anong okay? Bakit? Close ba kami ng babaeng 'to?

 Narinig ko ang bahagyang pag tikhim ni Allaine saka siya umayos ng upo.

"Lara, Akala ko ba libre mo? Baka gusto mo nang umorder at nagugutom na ako" mataray na saad niya sa kaibigan niya. See?!! Napaka Moody niya talaga!

"Psh! Oo na po!" sarkastik na sagot ni Lara.Nang makatayo si Lara ay muling nag salita si Allaine.

"Wait..Kyle, Samahan mo kaya siya? Alam mo na.." nagkibit balikat pa si Allaine."sa ganda ng bespren ko, baka mabastos 'yan diyan ng mga manyak na College students--" natigilan sa pagsasalita si Allaine ng kusa ng tumayo si Kyle at nauna na sa pagpila, agad naman sumunod si Lara... "..I mean..Yeah, " natatawang dugtong ni Allaine.

"Allaine, kaylan mo ba ako tuturuan mag Piano?" nakangusong tanong ni Paolo,, Kung hindi ko lang Bestfriend 'to, iisipin ko talaga na bakla ito eh! ang hilig-hilig mag Pout! Nakakadiri!

"Ah..That.." mahinang saad ni Allaine. "Ikaw,Aichee. Do you want me to teach you?" baling niya sa'kin. Napatingin ako sa kanya, nakangiti siyang nakatingin sa'kin kaya agad akong umiwas ng tingin.

"No,Thanks" sagot ko. Mula sa gilid ng paningin ko ay nakita ko ang pag pout niya, gusto kong mapangiti..Bakit kapag siya ang nagpa-Pout ay napapangiti ako?

"Okay.." mahina ulit na usal niya saka siya bumaling kay Paolo na nakakunot ang noo. "Paolo, may Piano ba sa inyo? Or gusto mo na sa Auditorium nalang kita turuan?" tanong niya, nakita ko ang paglapad ng ngiti ni Paolo.

"Sa Auditorium nalang!" excited na sagot ni Paolo. Tumango nalang si Allaine. Tahimik na kami hanggang sa dumating si kyle at Lara dala ang order nila.

Nilapag ni Lara yung White Spaghetti sa harap ni Allaine. Biglang pumalakpak ng mahina si Allaine

"Yehey!Thankyou Lara!" napatingin ako sa kanya.. Napatitig ako sa nakangiti at masaya niyang mukha.. Para siyang bata na ngayon lang ulit makakatikim ng paborito niyang pagkain.

 Hindi ko na napigilan ang pag ngiti ko dahil sa itsura niya. Sumubo siya ng White Spaghetti na parang bata.. Lalo pa akong napangiti ng may Sauce na naiwan sa gilid ng labi niya.. Damn! Ang cute niya! 'di ko akalain na may ganito pala siyang side!

 'di ko namalayan na dinampot ko na yung tissue saka ko pinunasan yung gilid ng labi niya.. Napatigil ako sa pagpunas sa gilid ng labi niya ng masalubong ko ang titig niya, ang titig ni Paolo,ni Kyle at ni Lara. Napalunok ako. Ano ba itong ginagawa ko?!!

 Binitawan ko yung tissue..

"A-ang..Ang baboy mo kumain! para kang hindi babae! Tss!" sabi ko saka ako tumayo at nakapamulsang naglakad palabas ng Cafeteria..

 Bullshit!! Halos buong estudyante sa Cafeteria yata ay natigilan sa ginawa ko.. Damn! Dammit!! Ano ba ang pumasok sa kukote ko at ginawa ko 'yun?!!

Ah! Kasi nakikita ko sa kanya si Alice! Kasi pareha sila kung kumain ni Alice! kasi si Alice ang naiisip ko kapag nakikita ko siya!Tama! Yun lang yun at wala ng iba!

 Pero sino bang niloko ko? Alam ko naman sa sarili ko na hindi siya si Alice dahil magkaiba sila!!

Hindi siya si Alice kasi si Alice ay yung babaeng mahal ko..Yung babaeng hanggang ngayon ay mahal na mahal ko.

That Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon