41 (Aichee's Pov)

8K 179 9
                                    

A/N: Sorry for the typos.

-

 Chapter 41

I woke up early with a smile on my lips, dumeretso ako sa Cr para mag toothbrush at mag hilamos saka ako bumaba para mag breakfast.

It’s Saturday today! Hindi mawala ang ngiti sa labi ko sa tuwing maaalala ko ang pangungulit ng Girlfriend ko. Muli na naman akong napangiti, Girlfriend, ang sarap sa pakiramdam.

“Sir Aichee, may tawag po para sa inyo.” Napatigil ako sa pag-akyat sa hagdan saka ako tumingin sa telepono na hawak ni Mang Kiko.

“Sino daw po?” takang tanong ko saka ako lumapit sa kanya at kinuha ‘yung inaabot niyang telepono.

“Hindi ho nagpakilala,Ang sabi niya lang ay gusto ka niyang makausap.” Nag bow pa siya “Mauna na po ako.” Tumango nalang ako saka ako umakyat sa kwarto ko bago ko itapat sa tenga ko ‘yung telepono.

“Hello?” naglakad ako papunta sa veranda ng kwarto ko saka ako nakapameywang na tumingin sa langit, bakit ang kulimlim? Parang uulan.

“Aichee?”

O_O

 Tila nanginig ang buong katawan ko, hindi agad ako nakapag salita. Napalunok pa ako ng ilang beses.

“H-hello? Aichee?” muli siyang nag salita sa kabilang linya, lumunok pa ako ng ilang beses.

“Who’s this?” tanong ko kahit alam ko na kung sino, bakit ngayon pa? bakit ngayon ka lang tumawag?

“s-si…S-si Alice ‘to.” I know… “P-pwede ba tayong..mag kita?” bakit pa? dammit! Bakit pa?! “N-nandito ako sa labas ng bahay niyo.” Napatingin ako sa ibaba, doon, nakita kong nakatayo ang babaeng matagal kong hinintay, ang babaeng matagal kong hinanap. Nakatingala siya at deretsong nakatingin sa’kin. “Please?” huminga ako ng malalim saka ko ibinaba ang telepeno.

 Saglit akong naligo at nag-ayos bago ako bumaba. Natigilan pa ako sa harap ng gate ng Makita ko na siya ng buo. Biglang kumabog ang dibdib ko, what’s this?! Nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa mata niya, may ngiti sa labi niya pero mahahalata ang lungkot. Tumakbo siya palapit sa’kin at mahigpit akong niyakap. Napapikit ako…Alice..

“I missed you.” Humihikbing bulong niya. Hindi ko napigilan ang pag yakap sa kanya pabalik.

“I missed you too…” pati ang pag halik sa noo niya ay hindi ko napigilan. “Where have you been? Matagal kitang hinanap.. bakit..bakit bigla ka nalang umalis? Bakit..b-bakit mo ako iniwan?”

“I’ll explain everything.” Ngiting saad niya, ngumiti na din ako saka ko siya inaya sa favorite place namin. Nakahawak siya sa kamay ko habang naglalakad kami sa mataas na lugar at nakatingin sa magandang tanawin.

“Kamusta ka na?” maya-maya’y tanong niya ng tumigil kami sa paglalakad. Nagpamulsa ako saka tumingin sa naglalakihang building na kita dito. Overlooking place kasi dito at ito ang pinaka paborito naming puntahan dati.

“I’m doing fine, You?” balik tanong ko. Sumulyap ako sa kanya, nakangiti siyang nakatingin din sa tanawin, wala siyang pinag bago, siya pa din si Alice na dati kong minahal, mapupungay pa din ang mata niya, maganda pa din ang bawat ngiti niya. Mas humaba nga lang ang buhok niya ngayon na nagkaroon ng kulay, dati ay pure black ang kulay ng buhok niya pero ngayon ay brownish na.

“Im sorry..” huminga siya ng malalim. “Alam kong malaki ang kasalan ko sa’yo dahil sa biglaan kong pag-alis.” Muling lumungkot ang mukha niya atsaka siya tumingin sa’kin. “Kinuha ako ng lolo ko, pag-aaralin niya daw ako, pagtatapusin ng highschool at ng kolehiyo. Natuwa ako, kasi sa wakas, matutupad na ang mga pangarap ko.” Simpleng babae lang si Alice, hindi kasing rangya ng buhay na meron kami. At marami siyang pangarap na gusto niyang matupad. “Siyempre, pumayag ako. Sasabihin ko na sana sa’yo eh. Pero nung araw din na ‘yun, sinabi ni Lolo na pag-aaralin niya ako, sa isang k-kundisyon.”

That Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon