"Omg.Omg. Omg."
Napahawak ako sa ulo ko na kanina ko pa inuuntog sa likod ng pinto ng kwarto ko. Umikot ako at sinandal ang likod sa pinto at tumulala. Nakakain na ako dinner, nakauwi, pero iyon pa rin ang nasa utak ko!
Paulit-ulit lumalabas sa utak ko ang nangyari kanina. Ang aksidenteng pagdagan ko kay Zach, paglapat ng labi ko sa kaniya. Ang paghalik niya sa akin...
At ang paghalik ko pabalik sa kaniya! Tangina, anong pumasok sa utak ko at ginawa ko iyon!
"Ah! Nababaliw ka na ba Ariexia?!" Tumakbo ako papunta sa vanity table ko at tiningnan ang sarili sa salamin. Pulang-pula ang mukha ko kahit na kanina pa ako nagtanggal ng make up. Dahan-dahan kong hinawakan ang labi ko at hinaplos iyon. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang lambot ng labi niya. Ang sarap niyang halikan.
"Fuck, nababaliw ka na, Jeila. Nababaliw ka na." Paulit-ulit na sabi ko habang tinatanggal ang heels ko. "Hindi ka na normal, Jeila! Wake up!" Tinampal ko ang dalawa kong pisngi at huminga ng malalim.
I should erase that fucking memory in my head. Hindi tama iyon. Aksidente lang ang lahat!
"Just kiss back."
"Ugh! Ano ba!"
Naiinis na napaupo ako sa sahig ng kwarto ko at ginulo ang buhok. Ano ba naman kasi! Bakit niya sinabi 'yon?! Ano bang meron sa kaniya! Nababaliw na ba siya?! Sa harap ng fans namin sinabi niya iyon! Hindi ba siya nag-iisip?!
Hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon. Pero ako naman 'tong si tanga na humalik pabalik. Ang tanga!
Pero bakit nga ba kasi niya sinabi iyon? Kakakilala niya lang sa akin tapos hahayaan niya na mahalikan siya? Ano 'yon kahit sino hinahalikan niya?
Ginulo ko ang buhok ko at tumayo para kuhanin ang calming oil sa may kama ko. Kailangan ko kumalma at para na akong sasabog sa galit. Pinikit ko ang mata ko at ilang beses na pinakalma ang sarili.
Nang makalma na ang sarili ay pumasok na ako sa cr para makaligo. Gustong-gusto ko nang matulog pero ayaw kong kasing humihiga sa kama kapag galing ako sa labas. Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko na. Saka para mataggal ko 'yung amoy nung Zachary na 'yon.
Nang matapos ay nagpalit lang ako ng nighties bago humiga sa kama. Inabot ko ang phone ko sa may bedside table ko at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang sandamakmak na articles dahil sa nangyari kanina.
Napapikit na lang ako.
"Famous models, Jeila Smith and Zachary Fernandez caught kissing on a dressing room. Are they in a secret relationship? Click here..."
"Fuck!" Napatayo ako sa kama at tumalon talon. "Secret relationship?! Tanga ba sila?! Bakit ba ang hilig nila gumawa ng kwento?!" Galit na galit na sabi ko at parang masisira na ang kama sa kakatalon ko. "Agh!"
BINABASA MO ANG
Every Lies of Love (Fernandez Series #3)
RomanceFernandez Series #3 Despite having experienced many heartbreaks and rejections, Jeila Ariexia Avanzano opted to fight for her dreams and did not give up until she achieved her goals. She was adamant about pursuing her aspirations until she met Zach...