20

388 8 6
                                    

Song: Better by Jeremy Passion

--

"Grabe girl, ikaw na talaga!" 


Natatawa kong hinampas si Kiya ng unan at nakanguso naman siyang tumingin sa akin. Nandito kasi kami ngayon sa dressing room ko. May photoshoot kasi ako at naghihintay lang kami ngayon dahil sobrang aga naming dumating. Wala pa ang glam team ko pero paparating naman na daw sila. Kaya ngayon, nagkwe-kwetuhan lang kami ni Kiya. Nasabi ko rin sa kanya 'yung naging surprise sa akin ni Zach. Kaya e 'to siya ngayon, kilig na kilig.


"He's so sweet! Kinantahan niya pa ako! I didn't know that his voice sounds good.." Amaze ko pa ring sabi. That's my first time hearing him sing and I must say.. he's good. Sobrang calming ng boses niya, ang sarap pakinggan.


"Grabe! Gusto ko din siya marinig kumanta! Swerte mo talaga! Ang gwapo gwapo na nga ni papa Zach, model, yummy tas maganda pa boses! Grabe!" Kinikilig na sabi niya. 


"Hoy! Anong yummy?!" Namula ang mukha ko at hindi ko alam kung bakit! 


"Bakit?! Halata naman na yummy si papa Zach! Bakit hindi ba?!" 


"E-Ewan ko!" Nahihiya na sabi ko.


Umiwas ako ng tingin at kinagat ang ibabang labi. Mas lalo kong naramdamang uminit ang pisngi ko nang maalala ang muntik na mangyari nung sinuprise ako ni Zach! Grabe.. 


We were kissing so hard that time sa car niya! Buti na lang ay nahulog ni Zach ang wallet niya doon sa front beach kaya hinabol nung staff at kinatok kami! Pero kung hindi siguro nangyari 'yun...


"Huy! Jeila! Ano ba?! Nakikinig ka ba?!" Nabalik ang tingin ko kay Kiya nang mahina niya akong batukan. 


"Ha? Ano sinasabi mo?" Nagpapanic na tanong ko. Shocks!


Inirapan niya ako. "Sabi ko ako kaya? Kelan kaya ako magkakaroon ng boyfriend? Ang daming lumalandi sa akin pero bakit hindi nila ako jinojowa?" Nakabusangot na sabi niya. 


Natawa ako. Kawawa naman 'tong bestfriend ko. "Okay lang 'yan. 'Wag mo madaliin, darating din ang para sa 'yo." Ngumiti ako at magsasalita pa sana nang mag-ring ang cellphone ko. 


"Sino 'yan?" Sumilip si Kiya sa phone ko. 


"Si Kean, wait lang, ah." Paalam ko at lumabas ng dressing room. "Hello?" 


[Jeila, may kilala ka bang Sabrina Anderson? May bagong tayo kasing bakeshop doon, e baka kilala mo. Balak ko kasi mag-apply.] Sabi niya.


Sabrina Anderson? Parang familiar. 


"Hindi ko kasi sure Kean, pero parang familiar. Tatanong ko na lang kay Zach if kilala niya." Sagot ko naman. 


Parang nabanggit na kasi sa akin ni Zach ang pangalang Sabrina pero hindi ko matandaan kung Anderson ang surname. 

Every Lies of Love (Fernandez Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon