23

372 11 1
                                    

TW: Self-harm

--

"Models, be ready!" 


Mabilis na hinablot ni Kiya ang cellphone ko, halos hindi ko na namalayan na nakuha niya iyon dahil nanatili akong nakatulala sa kamay ko. Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko sa nakita. Parang may bumuhos na malamig na tubig sa akin at hindi ako makagalaw.


"Jeila.." Tawag ni Kiya.


"Jeila Avanzano, malapit ka na! Focus!" Sigaw ng isang staff member.


Huminga ako ng malalim, pilit na pinapakalma ang sarili. Hinarap ko si Kiya at nakitang iniiwasan niya ang tingin ko. Sunod kong tiningnan si Cleo na prenteng nakaupo sa gilid at walang emosyong nakatingin sa akin. Iniwas ko ang tingin sa kanilang dalawa. Halata naman na may alam sila sa nangyayari.


Pilit kong pinigilan ang mga luha ko. Nakita kong nakatingin sa akin si Feiyah kaya tinaas ko ang mukha ko at nagpakita ng walang emosyon sa kaniya. Lumunok ako nang may maramdamang nagbabara doon. Naramdaman ko amng pag-akyat ng galing sa katawan ko. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa magkahalong galit at lungkot.


"You're next, Jeila!" Sabi ng staff kaya huminga ako ng malalim. "Go!" 


Taas noo akong lumabas ng backstage at naglakad na parang walang nangyari kanina. I managed to smile at the crowd while they're shouting my name. I put my hands on my waist and confidently walked fiercely until I reached the end of the stage. I did a little wink before I turned my back. Kagaya kanina ay naglakad ako pabalik ng backstage with confidence. 


I tried to scan my eyes on the crowd and just like I expected, Zach's not here. I bitterly smiled at my mind. 


A lot of designers taught me how to be professional. Hindi ko dapat dinadala ang personal problems sa trabaho ko. This is my dream and I won't let anyone ruin it, kahit na kanina lang ay nalaman kong nagsinungaling sa akin si Zach. 


Ang taong pinagkatiwalaan ko sa panahong pakiramdam ko ay wala akong kakampi.


"Jeila.." Tawag ni Kiya pero hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa dressing room at agad na dumalo sa akin ang mga wardrobe staff para tulungan ako sa susunod na outfit. Nire-touch din ng mga makeup artists ang makeup ko. 


Sa mga oras na iyon ay parang wala akong nararamdaman kung hindi sama ng loob. Sama ng loob sa mundo at kay Zach. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. A lot of staff are on panic while some models are just calm. That moment I asked myself.


I achieved my dream, but why do I don't feel happy at all?


Nang matapos mag-ayos ay gaya kanina, I walked in the runway with confidence and fierce. I saw some designers that I never met before and I should feel at awe but again, I don't feel anything. It's like everything change. It's like I'm just doing this for the sake of finishing the show and not for fulfilling my own dreams. 


For the last outfit, I wore a very elegant nude dress. The backless dress highlighted my white skin and flawless back. My hair is now silky straight and my makeup is more classy looking. My heels made me a lot taller. 

Every Lies of Love (Fernandez Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon