TW: self-harm
"We're very sorry, Jeila. But you're not qualified."
I looked down when I felt my tears streamed down to my face. I sighed heavily and tried to calm myself.
"You're beautiful, Jeila.. But.. You're too fat for.."
"Okay po. I understand po." I wiped my tears and forced a smile. They gave me an apologetic smile and nodded at me.
I slowly turned around and smiled at the staff who was looking at me with a pity. Agad akong lumabas ng studio at sasalubungin sana ako ni Kiya, bestfriend ko, pero nang makita niya ang mukha ko ay sumimangot agad siya niyakap ako.
"Jeila.." She said and caressed my back. "M-may next time-"
"Okay lang, Kiya. Okay lang." I smiled at her. "Maybe modeling is really not for me."
Tumingin siya sa akin. Pinunasan ko ang luha ko niya at pinilit siyang ngumiti. "Okay lang talaga. Baka pumasok na lang ako sa company namin."
I have audition many times and iyon lagi ang rason ng mga may-ari ng agency. Masyado akong mataba para maging model. Nasanay na rin ako. Totoo naman sila. Bakit ko ba kasi pinipilit na maging model? Alam ko naman din na hindi bagay sa akin.
Pinipilit ko lang ang sarili kong makibagay sa mundo na hindi naman para sa akin.
"Okay lang 'yan, Jeila." I patted my shoulders and looked at the sky. "O-Okay lang 'yan."
Hindi ko alam kung nasaan ako sa totoo lang. Hinayaan ko lang ang mga paa ko na maglakad hanggang sa may makita akong bakenteng lote na may nakatanim na halaman. Halata na hindi pa tapos ang lugar na ito dahil may mga construction workers at maingay. Matapos kasi akong ihatid ni Kiya sa masion ay hindi talaga ako pumasok, hinintay ko muna siyang makaalis bago lumabas ng mansion at nagtungo kung saan.
Ayaw kong makita ako ni Daddy ng ganito. Paniguradong mag-aalala iyon.
Dahan-dahan akong naglakad papasok at dumiretso ng lakad papunta sa may dulo. Napaawang ang bibig ko nang makakita ng hagdan pababa kaya bumaba ako doon at bumungad sa akin ang magandang tanawin ng dagat. Hanggang sa hagdan ang may roon pa ring mga halaman na nakapalibot.
Ang ganda..
Pumunta ako sa may harap ng dagat at ginamit ang doll shoes ko para maging upuan. Pinatong ko ang dalawang siko ko sa tuhod ko at pinagmasdan ang dagat at ang araw na papalubog na.
"Hindi naman kasi maganda sumasali pa.."
"You're too fat.."
"Maganda sana kaso mataba.."
Huminga ako ng malalim ng maramdamang bumibigat ang pakiramdam ko. Biglang sumakit ang lalamunan ko sa hindi malamang dahilan. Nanlabo ang paningin ko at agad akong yumuko nang magsituluan ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Every Lies of Love (Fernandez Series #3)
RomantizmFernandez Series #3 Despite having experienced many heartbreaks and rejections, Jeila Ariexia Avanzano opted to fight for her dreams and did not give up until she achieved her goals. She was adamant about pursuing her aspirations until she met Zach...